Cazz..
"So, san na nga ba tayo?"
Ngayon, dalawa lang kami ni Luke na nag-gagala sa loob ng mall. Bakit dalawa nalang kami? Kasi naman, si LJ, may ime-meet daw kaya umalis. Pero babalik naman daw siya kapag nakapag-usap na sila ng tatagpuin niya.
Si Ceejay naman, nakita ang mga kabanda. Mas pinili niyang sumama sa kanila kesa sa amin. May itatanong din daw siya sa dati niyang boss, sa dati niyang pinagtatrabahuhan dito sa mall. At, babalik din daw siya kapag natanong niya na.
At eto, pinagkukwento ko ang kasama ko tungkol sa mga nangyari sa kanya pagkatapos niyang iwanan ako, chos lang. Pinagkukwento ko siya ng buhay niya sa Korea.
"Sa part na natanggap ka na sa audition."
Nauna niya nang ikuwento sa'kin ang tungkol kay LJ. Syempre, ako pa ba? Nalaman kong naging magkaibigan sila nong trainees pa sila. And included sa mga ikinuwento niya ang mga kalokohan nilang dalawa. Nakakatuwa, hindi ko akalain na si Jisoo si Luke. At ang isa pang malaking factor ng reality ay si Leejung.Pinatigil ko na si Luke sa pagkukwento. Nagugutom na ako, kanina pa kami lakad ng lakad, hindi niya man lang ako niyayang kumain.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Hintayin nalang muna natin yung dalawa. Nagtext na rin si Ceejay na pabalik na siya."
Huhu. Matagal pa kaya? Kumukulo na ang tiyan ko.
Guyseu, nakaharap sa'kin si Luke, titig na titig. Bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko?
Hajima~ 'Wag mo naman akong titigan ng ganyan Luke.Nag-iwas nalang ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. Nakakailang promise.
"Ah-eh Luke."
"Nae?"
"Pupunta muna ako sa restroom, sandali lang ha." I can't take this anymore. "Ahh. Itext mo nalang ako kapag nakabalik na sila."
"Waeyo?" Ano ba yan? Kino-Korean ako ng isang 'to.
"Eh kasi, naiihi na ako. Tama. Naiihi na ako kanina pa. Sige bye~ " Tumakbo na ako papalayo.
"Sandali." Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo.
Mag-isa ako ngayong naglalakad dito sa second floor ng mall. Nasa third floor si Luke nong iniwan ko siya. Ang totoo, hindi naman talaga ako naiihi. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin o gagawin habang kasama si Luke. Naiilang ako, super, pero walang ibig sabihin 'to. Nabigla lang ako na ang bias wrecker ko, all of a sudden, ay si Luke. That's all, wala nang iba pang explanation.
Window shopping ang tawag sa ginagawa ko right? Tumitingin-tingin lang ako, sumisilip-silip sa mga paninda.
Shems, kumulo nanaman ang tiyan ko. Huhuhu. Nagugutom na talaga ako, hindi man lang kami kumain bago umalis sa bahay.
*pop*
May nagtext. Who's the pokemon?
From: Luke
Nasan ka na? Ang tagal mo naman umihi, tumae ka na ata e. Joke. Bilisan mo andito na si Ceejay.
Yucks. What's with his thought?
Mabuti naman at kasama niya na si Ceejay. Siguro naman hindi na ako maiilang.
Ano kayang gagamitin ko? Stairs? No. Masyadong nakakapagod. Pero yun ang mas malapit sa pwesto ko.
Escalator? Eh ang layo-layo pa non mula dito. Nakakapagod na ding maglakad.
Elevator? Ah sige. Iniscan ko ang paligid, at nakita ko na. Habang papunta sa lugar kung saan ang elevator may nagtext nanaman. Who's this pokemon again?
BINABASA MO ANG
His Zealous Fangirl
Teen FictionYung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala. Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila. Tapos... part na ni bias. So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamon...