Luke..
"Thanks God. Sa wakas, mababayaran mo na rin ang mga utang mo," I said habang naka-yes gesture. Puwede na daw makalabas si LJ, as in ngayon na. Bahala na daw ang Queen Ent. na magbayad ng mga expenses dito sa ospital.
"Anong utang? Wala akong natatandaang inutang sa'yo." Hay. Ang mokong nga naman, nagmamaang-maangan pa.
"Gusto mo pre isa-isahin ko pa?" Tanong ko habang malokong nakangiti.
"Don't use pre kapag nasa labas tayo katulad nito. Andaming Korean dito, baka kung ano pa ang isipin nila." Iniiba pa ang topic. Nice one. Ang daming alam.
"Kimchi, spicy rice cake, black bean noodles, cola, french fries, ice cream. Talagang naghirap pa ako para lang maipasok ang mga 'yon sa ospital. Isa pa, pera ko ang pinambili ko ng mga 'yon." Mahirap na, baka makalimutan ko pa siyang singilin sa lahat ng utang niya.
"Magkaibigan naman tayo di ba? Kalimutan mo na ang mga yun." Tss. Napapailing nalang tuloy ako sa sinabi niya. First time ko ata siyang narinig na gano'n magsalita.
"Daebak. Aniyo. Bayaran mo ang lahat ng 'yon." Pagpupumilit ko. "Kapag hindi mo 'yon bayaran ikakalat ko ang namagitan sa inyo ni Lianne sa SNS." Pam-b-black mail ko.
"Ah ganyanan pala tayo. 'Wag kang titira o pupunta sa condo ko. Mag-isa ka sa room ng Y-Axis," sabay lakad niya paalis.
"Ibang usapan na 'yan LJ," sabi ko habang habol-habol ko siya. "Hoy! Joke lang! Sige na nga, hindi ko na pababayaran."
Talo ako. Nakakaasar, wala kasi akong tinitirhan dito sa Korea. Kaya sa condo ako ni LJ lumalagi. Ayoko kasing gumastos at bumili ng sariling unit, matipid kaya ako.
Mahirap naman kapag sa quarter ng Y-Axis, puro pure na Korean ang kasama ko.
Okay, malamang nagtataka kayo kasi hindi kami malapit sa ibang miyembro. Hana (one), katulad ng sinabi ko, mahina pa rin ako sa pag-iintindi ng salita dito kahit na matagal na akong naandito. Dul (two), may inggitang nangyayari between LJ at ang ibang miyembro. Mas maraming fans si LJ, parang solo artist na kasi ang dating niya. Ako, ayos lang sa'kin, basta ba music. I'm not for fame after all. Set (three), mas pinapaburan si LJ ng kompanya. Biro mo may dalawang solo albums na siya.
"May balita ka ba kay Lianne?" Tanong ni LJ habang nasa loob kami mg kotse. Ako ang nagdadrive at papunta kami ngayon sa buliding ng Queen Ent.
"Wala," matipid kong sagot.
"Nasa Pilipinas pa ba siya?" Tanong niya ulit.
"Ewan." Talagang malakas ang tama niya sa Lianne na 'yon. "Hanggang ngayon ba may nararamdaman ka pa rin towards her?" This time, ako nanaman ang nagtanong. Masyado siyang nagpapaka-tanga para lang sa babaeng 'yon.
"Ewan ko. I just care." Talaga lang ha.
Pagdating namin sa Q.E building, sinalubong kami mga staffs at ng grupo. Ano 'to welcome back party? May dalang cake ang isang ka-miyembro namin. May mga confetti at may mga nagbo-blow ng mga patotot.
Tss. Ang corny naman ng mga tao dito.
Nilampasan lang ni LJ ang lahat.
"LJ, you're too much." Bulong ko sa kanya.
"Makisama ka nalang." Hindi na ako umangal pa at sumunod na sa kanya papunta sa office ng manager.
"Park Leejung, it's good to see you again. Same to you Han Jisoo. What can I do for you?" The manager asked. Sa totoo lang hindi ko din alam ang takbo ng utak nitong mokong na 'to. Basta sinundan ko lang siya. May sasabihin lang daw kasi siya sa manager.

BINABASA MO ANG
His Zealous Fangirl
Novela JuvenilYung sinasabi mong may asawa ka na. Asa pa. KPop idol naman pala. Yung nasasaktan na ang katabi mo kapag nanonood ka ng comeback nila. Tapos... part na ni bias. So dead, yung katabi mo. Mas mamatay pa ata siya sa pagkindat ni bias dahil sa tinamon...