CHAPTER 5: Who's that girl?

64 4 4
                                    

"Miss. Miss, wake up." Naalimpungatan ako dahil sa boses ng gumigising sa'kin.

Bakit ako nandito? Hala. Ba't ako nasa van na ito? Hindi kaya- Wahh! Mama, tulong! Kinidnap ako, kailangan kong tumawag ng pulis!

Ang OA ko nanaman mag-isip.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinapa ang cellphone ko. Wala.

Nasa bag nga pala ni ate ang dalawa kong phone. Nakita ko si Lianne sa harap ko kaya nagulat ako. Medyo madilim na rin dahil hapon na. Inilibot ko ang tingin sa loob ng van. Wow. Syala naman. Para kasing living room ang set-up dito sa loob. Yung hinigaan ko ay mahabang upuan sa left side. May small table sa gitna, may TV sa harap at may small fridge sa dulo, may mesa din na nakakabit at mga upuan sa bawat side ng mesa.

"Okay ka na Miss?" Tanong ng kasama ni Lianne sa loob.

"Ah-eh, okay na naman. Bakit nga pala ako nandito? Sinong nagbuhat sa'kin?" Tanong ko. Kasi naman parang imposibleng silang dalawa ni Lianne ang nagbuhat sa'kin, eh wala sa itsura nila.

"Tinawagan ko yung lalaki kong kaibigang nagtatrabaho dito sa mall. Hindi mo ba natatandaan yung sa CR kanina?," asked Lianne's cousin. Narinig ko kaninang tinawag niyang cous yung kasama niya, kaya sigurado akong pinsan niya nga.

"Natatandaan. Ah, oh well, thank you nalang. Baka kanina pa ako hinahanap ng mama at ate ko. Sige. Salamat Lianne, salamat-" pinutol ko ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang pangalan nung isa.

"Brenda. Bakit mo kilala si Lianne?" Tanong ni Brenda. Hindi naman umiimik si Lianne na nakaupo na sa hinigaan ko kanina. Nakatingin lang siya sa akin at nagtatanong din ang mukha.

Ano nga bang sasabihin ko? Nakakahiya naman kung sabihin ko yung nangyari sa'min nong martes. Mabuti nga hindi niya na ako naaalala.

"Ah-eh k-kasi, narinig ko sa rest room kanina. Oo, yun nga. At isa pa, sikat siya di ba? Trainee siya ng Queen Entertainment sa Korea." Palusot ko. Bakit ba? Totoo naman ang mga sinabi ko.

"Wait lang- hindi ba ikaw yung babae sa school?"

"Salamat ulit bye-bye." Sabay bukas ko ng pinto ng van at lumabas na. Hindi na ako sumagot pa sa tanong ni Lianne. Kasi naman, bakit ang bait-bait niya ata ngayon? Parang ibang-iba siya sa Lianne na nameet ko sa school nong nakaraang araw.

Bumalik ako sa mall. Kinapa ko ang sugat ko sa noo, naka-bandage na pala. Tiningnan ko ang relo ko at 5:30 na. Lagot. Five daw kasi dapat kami magkikita-kita nila mama at ate sa food court para kumain. Nagmadali ako papunta sa lugar kung saan ang food court nang may makabanggaan ulit ako. Naman Cazzryl, bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Alam mo namang maraming tao dito sa mall.

"Ay sorry po ma'am," sabay hawak niya sa braso ko na nabangga niya. Nakayuko ako kaya tiningnan ko kung sino ang nakabangga sa'kin. Lalaki 'to syempre. Boses pa lang at sa katawan, alam ko na.

Wait, ang alam ko ako ang nakabangga. So nabangga niya rin ako? Nagsorry kasi siya, dapat ako ang magsasabi non. Hanudaw? Ang gulo namin ah.

"Teka, ikaw ba yung babaeng nahimatay kanina sa rest room? Haha. Kumusta, ayos ka na?" Huh? Bakit niya alam? E 'di ba pangbabaeng rest room 'yon? Tinaasan ko siya ng isang kilay. Mukha siyang nagtatrabaho dito sa mall. Pero wala naman sa mukha niyang magtrabaho dito sa mall. I mean, hindi pang mall yung mukha niya. Puwede na nga siyang maging K-Idol eh. Joki.

"Oh, by the way, ako nga pala si Ceejay. Ceejay Arzaga." Sabay lahad ng kamay niya. Tiningnan ko lang ang kamay niya at tinaasan ko ulit siya ng kilay. This time, dalawang kilay na.

His Zealous FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon