Kapitulo Dos

8.7K 137 3
                                    

LEI POV

"O hon, ready ka na ba?" Tanong ko kay Tom na kasalukuyan na nagsuksuklay sa harap ng salamin sa aming kwarto.

Ito na kasi ang araw na makipagmeeting siya sa mga bagong partners ng kompanya. We'll, isang clothing company ang minamanage ng aking asawa. Siya na kasi ang pinama ng kanyang yumaong ina sa kanyang dating pwesto nung nabubuhay pa ito.

"Huwag ka masyadong magpagwapo hon at baka maraming maaakit diyan" biro ko pa.

Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kanyang sinabi nung sinabi ko yun.

"Huwag kang mag-alala, ikaw lang naman ang nasa aking puso" wika naman niya saka lumingon sa aking kinalalagyan na kasalukuyan na isinusuot ko ang aking heels.

"O ikaw, ready ka na ba honey?" Tanong naman niya. Oo! Sasama rin ako kasi ipinangako sa kanya na sasamahan ko siya ngayon.

"Wait lang at magmake-up pa ako" sabi ko tapos lumapit naman ako sa tabi niya na nasa harapan ng salamin at nagsimula na akong maglagay ng kaunting make-up sa aking mukha.

"Alam mo honey, kahit di ka na maglagay ng ganyan eh maganda ka na sa akin" wika ni Tom.

"Alam mo hon, kahit magada na ako kailangan rin na alam ko ang mag-ayos sa aking sarili para lalo kang ma-inlove sa aking no" sabi ko naman.

"Ikaw talaga honey" sabi niya saka ginulo ang aking buhok.

"Ano ba hon, nasira na ang hair style ko" paarte kong reaction sa ginawa.

Tumawa na lang siya pero nagpout lang ako.

"Sige, magpout ka pa diyan at hahalikan kita" sita niya sa pagkasimangot ko.

"Ikaw kasi hon, ginulo mo pa ang buhok ko eh" maktol ko.

"O sige na aayusin ko na lang ang gusot niya"

"Huwag na lang hon baka mas lalo pang masira"

"Bahala ka diyan honey ah huwag mo akong sisihin mamaya"

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

"Sige, bilisan mo na diyan at hihintayin na lang kita sa labas" sabi niya saka nauna na itong lumabas sa kwarto namin.

Muli akong humarap sa salamin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Light make up lang ang ginawa ko para di masyadong halata. Nung matapos kong gawin ang ritwal sa aking mukha ay inayos ko ulit ang nagulong buhok ko.

Nang matapos na ako ay tumayo na ao at muling tumingin sa salamin.

"Perfect" bulalas ko. Bale ang suot ko ngayon ay red haltered blouse na tinernuhan ko ng black skirt na hanggang above knee. Pormang porma ang curvaceous body ko.

Hays...sa di pagmamayabang, maganda naman ako. Ika nga ng mga kaibigan, pang-artistahin ang ganda ko.

Nang mauntento na ako saka lu.abas na rin sa bahay.

Nadatnan ko si Tom sa labas na ng gate at nakatingin sa aking dereksiyon.

"O hon, may problema ba?" Tanong ko kasi kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Nothing honey, you ate just beautiful" sagot niya.

Napangiti na lang ako.

"Thanks hon"

"Lets go honey" yaya niya saka niya ako pinagbuksan sa kanyang kotse. Anyway, may kotse rin ako pero ginagamit ko lang yun pag may personal business ako.

Nang makaupo na ako ay nagtungo na rin siya sa kanyang umupo. Nang makaupo na ito sa driver seat ay tumingin siya sa gawi ko.

Maya-maya ay lamalapit na ang kanyang mukha sa akin. And oh no!

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon