Kapitulo Disiciete

4.6K 73 1
                                    

TOM POV

"Are you okay hon?" Tanong ni Leilasa umagang iyon.

Nakatulala kasi ako sa kakaisip sa mga nangyayari sa akin.

"Yes honey, bakit?"

"Napansin ko kasi na napakatahimik mo sa mga huling araw kaya naisipan kong itanong kung may problema ka hon"

Napangiti na lang ako at umiling sa kanya pero sa totoo lang gusto kong sabihin sa kanya ang totoong iniisip ko.

Pero hindi pwede eh...natatakot ako na baka kamuhian niya ako o minsan ay madidiri siya sa akin at iiwan niya ako.

Pag iniisip ko yun ay parang nanghihina ako at parang gusto kong umiyak.

"Okay hon...so kumusta na pala ang partnership niyo ni Zhend?" Bigla niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya sa biglaang tanong niyang ganun...tapos binanggit pa niya ang taong yun..

"Okay lang" walang gana kong sagot.

Oo sa partnership namin ng kompanya ay maganda ang ugnayan pero dahil din diyan ay nagkaroon ako ng problema kasi ito ginagamit niyang panggugulo sa akin. Hays....

"Mabuti naman kung ganun hon basta ah kung may problema ka just tell me...nandito ako palagi sayo hon, handang makinig at umunawa sayo" sabi ng aking asawa at napangiti sa akin.

Para akong nakokonsensya sa sinabi niya. Mahal na mahal ko ang aking asawa at ayaw kong mawala siya sa akin pero nasasaktan ako kasi nagkikihim ako sa kanya pero naniniwala ako na matatapos at mawawala rin ang problemang ito..hintayin ko lang na matapos ang kontrata at tuluyan kong iwasan ang taong yun..

OLIVIA POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi inisip kong mabuti ang gavawin ko para matapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Zhend.

Oo! May nabuo na akong plano pero di ko naman alam kong kaya kong gawin lalong-lalo na kung iisipin kong masasaktan siya ng sobra.

Pero ito na lang kasi ang natatanging paraan para matapos na ang lahat. At kung mangyayari man ito, para rin sa kabutihan nila ang gagawin ko. At kung ito rin ang rason ni Zhend na iwanan niya ako ay wala na akong pakialam.

Masakit man na gawin niya yun sa akin pero mas masakit tignan na ang taong minamahal mo ay nawawasak ang sarili niyang buhay dahil sa kagagahan niyang ginagawa.

"O umagang-umaga pero nakatulala ka diyan" masungit na pagsita ni Zhend sa akin.

Ay oo nga pala. Nasa office niya ako pero dahil sa daming iniisip ko, nawawala tuloy ako.

"At ska, bakit parang puyat ka?" Dugtong niyang tanong.

"Wala to may gumugulo lang sa isip ko kagabi"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anyway wala na akong pakialam kung anuman yang gumugulo sa isip mo" sabi niya saka ito tumayo at iniwan sa opisina niya.

Well...hindi ko na tinanong kung saan pupunta yun kasi for sure alam ko maman kung saan siya pupunta.

Kaya nakapagdesisyon at napagtanto ko na gagawin ko na lang ang paraan na alam ko kahit alam kong may masasaktan sa gagawin ko.

DAVIN POV

Kasama ko ngayon ang pinsan kong si Sam. Nagpasama ako sa kanya kasi may pinuntahan kami at kailangan ko ng may kausap sa daan kaya siya na lang ang yinayaya ko.

Nung una, ayaw niya daw kasi marami siyang gagawin pero nung sinabi kong itreat ko siya pagkatapos ay agad siyang umoo..hays...

"Alam mo, buti naman at nagbati na sona Lei at Tom" kunway sabi niya. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa isang Italian Resto.

Hindi agad ako nakaimik. Kasi iniisio ko talaga kung okay na ba talaga ang lahat. Hmmp....baka mali lang kasi ang akala ko sa narinig ko noon....

"O cuz bat napatahimik ka diyan...baka gusto mong di sila magbati para makuha mo na si Lei"

Napatingin ako sa pinsan ko at kumonot ang noo ko sa sinabi niya.

Sumulyap naman sa akin saka biglang tumawa sa ekspresyon ko.

"Joke lang yun cuz ikaw naman..bat kasi ang tahimik mo?"

"Tsss" sabi ko na lang saka sumulyap saka ibinaling na lang ang paningin ko sa malapit na resto pero napatigil ako sa aking nakita.

"O bat tumigil ka cuz?" Tanong ni Sam pero di ko siya sinagot kaya napatingin rin siya sa tinitignan ko at gaya ko na natigilan ay ganun rin siya.

"Eh..si Tom yun diba?" Tanong ko.

Tumango lang ang pinsan ko.

"Kilala mo yung kasama niya?" Tanong ko rin.

Napatingin si Sam sa akin. Siguro nagtataka sa tinanong ko.

"Ah yun..si Zhend ata yun..business partner daw ni Tom" sagot ni Sam.

Tumango na lang ako at di na nagsalita pero hindi kami tumuloy sa Italian resto. Sa kabilang fastfood na lang kami sa side ng resto. Nasa mall kasi kami at since glass naman ang dingding ng bawat kainan dito ay nakimita ko ang pwesto nina Tom sa kinaroroonan natin.

"O cuz, akala ko ba sa Italian resto mo ako itreat" maktol ni Sam.

"Ano kasi Sam, allergic ko ang Itaian meals" pagsisinungaling ko.

"Hays..ang daya mo" wika niya.

Ayun di na nagreklamo at kasama ko kaya nag-order na ako.

Habang kumakain ako ay pasimpleng sinusulyapan ko ang pwesto nina Tom at laking gulat ko ng biglang tumayo si Tom at iniwan ang kasama niya.

Siguro magbanyo lang yun...

Ayan tapos na kami at yinaya na ako ni Sam na umuwi pero napasulyap muli sa Italian resto at nakita kong nag-iisa pa rin ang kasama ni Tom. Hmpp..

"O cuz, mauna ka na at may pupuntahan pa ako" rason ko pero gusto kong kausapin yung Zhend na yun...alam kong iniwan na ito ni Tom kasi kanina pa ito umalis eh pero hinihintay niya ata kaya andun pa.

"O sige..thanks and Ingat" sabi ng pinsan ko at naglakad na paalis dun.

Ng di na maabot ang tanaw ko si Sam at mabilis akong pumasok sa Italian resto at dumiretso sa pwesto ng Zjend na yun.

Pansin kong may tinatawagan pero ibinaba na niya ito nung napansin niya ako sa harapan niya. Nagtataka siguro kung bakit nandun ako.

"Di na ako magpapaligoy pa...may relasyon ba kayo ni Tom?" Seryoso kung tanong. I want to know the truth kasi gusto kong mawala ang pagdududa ko eh na matagal ng namuo.

Nabigla siya at di agad sumagot. Tinignan ko siya sa mata at ganun rin siya sa akin.

"I asked, may relasyon ba kayo ni Tom?"

Nagbaba siya ng tingin saka huminga ng malalim.

"Yes" sagot niya.

Nanginig ang buong sistema ko sa sinabi niya. All this time..totoo ang hinala ko at niloloko ni Tom si Lei at ang di matanggap eh sa kapareho pa namin na lalake.

Napakamao at gusto kong magmura.

"But-"

Magsasalita pa sana ang kaharap ko pero umalis na ako kasi baka di ko mapigilan ang sarili ko at masuntok siya.

Humanda ka Tom...kung niloloko mo si Lei pwes...ako na mismo ang gagawa ng paraan para matapos na ang panggagago mo sa kanya.

>>>>>>>>>>>>>>
Hays..ayan...malapit na ang bulgaran portion...maghintay lang...

Anyways..thank you sa patuloy niyong pagbabasa nito...

Leave comments and votes...

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon