TOM POV
Wala akong sinayang na oras. Pinaandar ko ulit ang aking kotse ang tinahak ang daan patungo sa condo ni Zhend. Humanda siya sa akin. Ito ba ag gusto niya pwes ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya.
Pagkarating ko sa condo niya ay derederetso akong pumasok sa elevator at tinungo at unit nito.
Pagkabukas niya pa lang ay agad ko siyang sinuntok.
"What?" Bigla niyang tanong nung makabawi sa pagkasuntok ko.
Nagpupuyos ako ng galit sa ginawa niya. Ang pagsira niya ng pagmamahalan namin ng asawa ko.
"Ganun ba ang gusto mo ha? Ang masira ang relasyon namin ng asawa ko" sumbat ko sa galit na tono.
Nagtataka siya sa sinabi ko.
"What? Di kita maintindihan"
Wo! Ang galing niyang magkunwari pa ha.
"Wag ka ng magkunwari kasi alam ko naman na ikaw lang ang nagpadala ng mga larawan kay Lei na naghahalikan tayo. Di ba?" Sigaw ko.
Nakita kong nagulat ito saka umiling.
"Wag ka ng magsinungaling kasi ibinanta mo sa akin na sasabihin mo sa asawa ko ang totoo"
"But Tom, nagkakamali ka"
"Ha? Ako pa ngayon ang gumagawa ng kwento dito? Pwes ito ang tatandaan mo, wala na akong pakialam sa mga dahilan mo dahil hinding-hinding kita mapapatawad sa ginawa mo"
Nakita kong nakaawang ang kayang bibig pero wala naman itong sinabi.
"Tapos na ang lahat sa atin at wala akong pakialam sa kontrata na yan..kaya kong bayaran kong idemanda mo ako...huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin"
Saka iniwan na siya doon. Oo! Tapusin ko na ang lahat ng kaugnayan sa kanya. Bahala na kung malaman ito ni Dad pero ipapaliwanag na lamang sa kanya kapag maayos ko pa ang gusot na ginawa ko sa asawa ko.
Oo! Hanggang ngayon do ko pa makontak ang asawa ko pero alam ko kung saan naman siya pumupunta pag may problema ito.
Mamaya n lang ako mag-isip ng paraan kung paano ko siya suyuin basta ang importante ay maipaliwanag ang lahat sa kanya.
LEI POV
Inuwi ako ni Sam sa bahay niya. Wala pa kasi ang mga magulang nito. Gusto niya sana akong ipasyal para maibsan ng kaunti ang nararamdaman ko pero wala pa rin akong tigil sa pag-iyak kanina kaya dito na niya na ako nadesisyunan na ipunta.
Radam ko...umiiyak pa rin ako pero natuyo na ata ang tear gland ko kasi wala ng lumabas na luha dito.
naikwento ko na rin kay Sam ang lahat ng sinabi ni Olivia sa akin. Nakita ko rin ang pagkasuklam ni Sam kay Tom matapos kong mailahad sakanya ang lahat.
Hanggang ngayon kasi, tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung saan ako nagkulang sa kanya at bakit niya ito nagawa sa akin. Akala ko wala siyang ginagawa mali sa relasyon namin pero mas malala pa pala ang ginagawa noto. Kung hindi pa sana sasabihin ni Olivia ang lahat baka nagmumukha pa ring akong yanga hanggang ngayon pero thanks sa kanya.
Hindi ko rin pa natanong kay Olivia kung bakit ginawa niya yun kasi nagulat talaga ako nung ibunyag niya ang katotohanan sa aking time na yun. Wala akong maisip noon na iba kundi at panloloko ni Tom kaya iniyak ko ang sakit na nararamdaman ko na hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring nararamdaman.
Katabi ko si Sam ngayon na di umiimik. Siguro binibigyan niya ako ng time dahil nauunawaan niya ang nararamdaman ko ngayon.
Nakayuko lamang ako at iniisip kung paano ko ngayon na harapin si Tom sa kabila ng lahat. Di ko alam kung nakauwi na yun o nalaman na niya na nalaman ko na ang lahat. Iniwan ko kasi sa bahay namin yung phone ko.
Naputol lang ang pananahimik ko ng makarinig ako ng sigaw sa labas ng gate nina Sam. Nasa Sala kasi kami.
"Lei, andiyan ka ba?" Sigaw ni Tom sa labas.
Nagkatinginan kami ni Sam.
"Lei, please, harapin mo naman ako oh" sigaw naman niya.
Napapailinhg na lang a.ko at napayuko. Ayaw ko munang makaharap siya ngayon kasi sariwa pa ang lahat sa akin.
Sumigaw ulit si Tom at naramdaman kong tumayo si Sam at naglakad palabas patungo sa gate.
Sigro itaboy niya ito. Alam kong di gawain ni Sam na ibukgar ako lalong lalo na ngayon na nagdudurusa ako.
"Hindi naniniwala Sam..alam kong kasama mo si Lei..please palabasin mo siya at kailangan ko siyang makausap" rinig kong sigaw ni Tom.
"Lei, please, alam kong naririnig mo ako.." sigaw niya.
Tatayo na sana ako para magkulong sa kwarto ni Sam para di ko na marinig ang sigaw nito pero natigilan ako ng sumigaw si Sam sa labas.
"Tama na" sigaw ni Sam kaya napalabas tuloy ako at nakita kong sinusuntok ni Davin si Tom.
Hindi alam ang maramdaman ko kung matutuwa ba ako sa ginagawa ni Davin kay Tom o hindi pero nanaig ang awa ko kaya umawat na ako.
"Davin, please stop that" sigaw ko at lumapit sa kanila.
Napahinto naman si Davin at lumingon sa akin. Kita ko rin ang galit nito.
"Ano? Pinapahinto mo ako sa pagbubogbog sa taong ito? Lei, matagal ka ng niloloko nito kaya nararapat lang na madusa siya" galit na sumbat ni Davin.
Hindi ko na siya sinumbatan bagkus ay napatingin kay Tom na unti-unti bumabangon sa pagkakahiga nito dahil sa pagkakasuntok nito.
"Please Lei, mag-usap naman tayo" sabi niya ng nakatayo ito.
Hindi ako umimik. Umiling lang ako. Gusto ko na ukit umiyak kasi habang nakikita ko siya ay naaalala ko ang kataksilan niya.
"Please Lei" paawa niya at akma akong lalapitan pero iniharang ni Davin ang kamay niya sa hara nito kaya napatigil.
"Umalis ka na Tom at huwag mo nang guluhin si Lei" singit ni Davin kaya napatingin si Tom sa kanya.
Umiling lang siya at kunway tumingin sa akin na nakikiusap.
"Umalis ka na Tom" wika ko at saka tumalikod sa kanila.
Ramdam ko kasi na pag tatagal ako dun ay bibigay ako.
"Babalikan kita Lei at gagawin ko ang lahat para mapatwad mo ako" sigaw ni Tom habang naglalakad ako pabalik sa loob.
Pagkapasok ko ay pinunasan ko na lang ang mga nag-uunahan na luha na naglandas sa pisngi ko.
>>>>>>>>>>>
Anong masasabi niyo sa chapter na ito?
Leave comments and votes please..
Sorry for daming typo at wrong grammar...
Salamat♡♥♡
BINABASA MO ANG
My Husband's Secret
RomanceThis story is rated SPG. Ako si Leila at ito ang kwento ng aking asawa at ang matagal niyang lihim na itinago sa akin. "Mahal ako ng asawa ko. Hindi-hindi niya ako ipagpapalit" - Leila "Bakit ikaw pa? Bakit siya pa? Bakit ka pa bumalik?" - Tom "Buma...
