LEI POV
Araw-araw ay lagi akong pinupuntahan si Tom sa bahay nina Sam. Pero di naman siya pinapasok kasi yun ang bilin ko kay Sam at nauunawaan naman niya ako.
Hindi pa ako jandanh kausapin siya kasi tuwing nakikita ko siya ay bumabalik ang sakit sa aking puso kaya ayaw ko muna siyang harapin kasi hindi pa rin humihilom ang lahat sa akin.
May isang araw pa na lasing itong pumunta at nagsisigaw sa harap ng gate nina Sam kaya tumawag kaya tumawag kami ng pulis para paalisin siya dun.
"Uy best, andyan na naman sa gate si Tom. Isang linggo na siyang pabalik-balik rito pero di mo pa rin siya hinaharap" sabi ni Sam.
Lumabas kasi kanina para tignan yung nagdoorbell at tama ang hinala ko na si Tom na naman ito. Hays..hindi ba siya napapagod na bumabalik rito at di ba niya maintindihan na ayaw ko siyang makaharap.
"Sabihin mo na ayaw ko siyang makita" walang gana kong sabi kay Sam.
Umalis na siya sa harap ko at lumbas ulit.
Tatayo na sana ako at magkulong ukit sa kwarto ni Sam ng bivlang sumigaw si Tom na nagpatigil sa akin.
"Lei, please, kahit ngayon lang na harapin mo ako at mag-usap. Pangako, di na kita guguluhin pa, pakinggan mo lang ako at kung anuman ang desisyon mo ay rerespetuhin ko"
Nabigla ako dun kaya imbes na pumunta ako sa kwarto ay lumabas ako at ngayon ay nasa harap ko na ang taong ayaw kong makita.
Kita ko yung lungkot sa mata nito. Naawa ako sa kanya pero no...iisipin ko na tama lang na magdusa siya. Ginawa niya ito eh...
"Lei, please--"
Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. Ayaw ko ng pakinggan pa ang paliwanag nito kasi malinaw na sa akin. Hinarap ko lang siya para palayasin na.
"Di mo na kailangan magpaliwanag pa kasi malinaw na sa akin ang lahat. Kaya wala na tayong pag-uusapan pa kaya pwede ba umalis ka na at di ka bumalik pa dito" galit kong pahayag.
Nakita ko yung pagkalukot ng ekspresyon nito saka nangilid ang luha sa mata nito pero agad niyang pinunasan.
I expect na magsasalita pa siya pero tumango tango na lang ito at bumalik sa kotse niya saka pinaandar.
Bigla akong naluha dun. Akala ko ipipilit niya na magpaliwanag siya pero ganun..welll...mas mabuti pa kung umalis agad kasi di ko naman papakinggan pero teka...bakit umiiyak ako sa ginawa niya. Napapaiking na lang ako na bumalik sa lob at pinunasan ang mata ko.
"Uy best ano nag-usap na ba kayo? Ano ang sabi niya?" Bungad na tanong ni Sam pagkapasok ko.
Iniwan niya kasi kami kanina nung dumating ako dun sa gate.
"Hindi"
"Ha? Bakit?"
"Para saan pa? Para magsinungaling ulit. Sis, ayaw ko nang pakinggan pa ang paliwanag niya kasi malinaw na ang lahat sa akin"
"best, hindi sa pakikialam ah..oo...aminin ko..nagalit din ako sa ginawa ni Tom sayo pero mas mabuto siguro kung mag-usap kayo o pakinggan ang side niya para kung ano man ang plano mo ay di mo pagsisihan"
Napatingin ako kay Sam.
"Pero sis, sawa na ako...nasasaktan lang ako pag nakikita ko siya at bumabalik lang ang kirot sa puso ko pag naririnig ko yang kataksilan niya" sabi ko pero ramdam kong nababasag na ang boses ko.
Huminga muna ng malalim si Sam.
"Best, alam ko masakit pa rin sayo ang lahat pero mas masakit ramdamin ang katotohanan kung sa huli mo ito malalaman kaya mas mabuti pa na sariwa pa ang lahat ay mapag-usapan niyo ito. Tatagan mo ang kalooban mo best at darating din ang panahon na mawawala ang sakit sa puso mo at mas mabuti na alamin mo ang lahat ngayon pa lang para makapagdesisyon ka ng mabuti"
Napahagulgol na lang ako sa sinabi ni Sam. Naiisip kong tama siya na napaka-unfair ko naman kung di ko kakausapin si Tom.
Oo! Kakausapin ko si Tom para makapagdesisyon na ako at kung anuman ang desiyon ko pagkatapos kaming mag-usap ay sana hindi pagsisihan at wala akong sisihin kundi ang sarili ko.
TOM POV
Hindi ko matanggap na parang ayaw na akong makita o makausap ng asawa ko. Oo! Pinagsisihan ko na ang lahat at hada ko ng sabihin kay Lei pero ayaw naman niya akong kausapin.
Kanina ayaw ko sanang umalis pa pero kitakong galit pa sya kaya umalis na ako. Gusto kong bigyan siya ng time para palamigin ang sitwasyon at babalikan siya pero ang sakit pa rin eh..parang mababaliw na ako sa kakaisip sa amin.
Nagsalin ako ng alak sa baso ko. Bumalik ako sa aming bahay. nagfile ako ng leave sa company namin at alam din ni daddy ang lahat kaya magalit siya sa akin pero navpaliwanag na ako sa kanya kaya ang sabi niya mapapatawad niya lang ako kung maayos ko ang gusot namin ni Lei. Pero sa tingin ko malabo na eh...no! Hindi dapat akong mawalan ng pag-asa..kung kailangan lumuhod ako at gumapang sa harap niya..gagawin ko yun para mapatawad niya ako..shet! Lei..miss na miss na kita.
Iinumin ko na sana ang alak ng biglang bumukas ang pintuan at hindi ko inexpect na darating siya..na darting si Lei at oo! Nandito na siya sa harap ko.
Ibinaba ko ang baso sa mesa at agad among tumayo para yakapin siya pero pinigilan niya ako. Umupo ito sa sofa kaharap ko kaya napaupo na rin ako.
Katahimikan....
"Bumalik ako para alamin ang lahat" basag niya sa katahimikan kanina.
Deretso siyang nakatingin sa akin.
"Gusto yung katotohanan"
Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya tumikhim muna ako at sinabi ko na ng lahat sa kanya. All about my past witj Zhend hanggang yung nangyari.
"Pero bakit inilihim mo sa akin?" Tanong niya. Kita kung nagpipigil lang ng galit ito.
"Dahil natatakot akong iwan mo ako matapos mong malaman ang lahat na baka madidiri ka sa akin"
"Kahit na...kung sinabi mo ang lahat noon pa lamang ay hindi umabot ng ganito"
Nakita kong nagilid ang luha sa mata nito pero pinunasan niya agad.
"Lei...I'm sorry...please don't leave me...gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako" desperado ko ng sabi. Wala na akong pakialam kong anong iisipin niya pero natatakot ako kung iwan niya ako.
Tumingin siya sa akin sa napakalugkot na aura saka tumayo.
"Babalik ako pero hindi ibig sabihin niyan na ayos na ang lahat" sabi niya kaya naguluhan ako.
"It either na babalik ako para kunin ko na ang mga gamit ko or babalik ako dahil gusto ko pang maayos ang lahat" pahayag niya saka lumabas sa bahay namin.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Hays...ano kaya ang desisyon ni Lei? Magkabalikan pa kaya sila?Leave comments and votes please.
Salamat sa patuloy niyong pagbabasa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/75932619-288-k970638.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband's Secret
RomanceThis story is rated SPG. Ako si Leila at ito ang kwento ng aking asawa at ang matagal niyang lihim na itinago sa akin. "Mahal ako ng asawa ko. Hindi-hindi niya ako ipagpapalit" - Leila "Bakit ikaw pa? Bakit siya pa? Bakit ka pa bumalik?" - Tom "Buma...