Kapitulo Disisais

4.3K 71 3
                                    

TOM POV

Pagbalik ko sa office ay agad akong  umupo saka pumikit sandali.

Masakit na kasi ang ulo sa dami kong iniisip.

Una ay ang sekreto ko sa asawa ko. Andiyan pa yung ginagawang panggugulo ni Zhend sa akin tapos ngayon bumalik si Davin. Hays..parang mawawasak ang ulo ko sa kakaisip nito.

I need to rest...kailangan ko sigurong ipahinga itong iniisip ko baka kasi mamaya ay mababaliw na ako sa dami kong iniisip.

Kinuha yung susi sa mesa at akma na ang tatayo kasi plano kong umuwi na para magpahinga...Ipakansel ko nalang lahat ng appointment ko pero biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ako dun at bumungad sa akin ang secretary ni Zhend. Olivia ata ang pangalan.

"hi! Good day po!" Bati niya.

Hmpnn...ano kay ang gagawin niya? Inutusan kaya siya ni Zhend dahil sa pang-iwan ko sa kanya dun at alamin kung totoo ang reason ko kanina..hays..

"Hello..so what brought you here?" Nagtataka kong tanong.

"Gusto kitang makausap at importante to" sagot niya at bigla akong kinabahan.

"Ano yun?"

"Dederetsuhin na kita. kung maaari sana ay iwasan mo si Zhend"

Ano raw? Bakita kaya? Eh yun naman ang gusto ko eh pero di ko magawa kasi blinablackmail niya ako.

"But why?" Taka kong tanong.

"Akin na lang rason na yun basta iwasan mo siya" sagot niya.

"But I can't"

Nagtataka siyang napatingin sa akin.

"Bakit? Masaya ka ba sa ginagawa niyo?" Halata yung boses niya na parang nainis sa sinabi ko.

"Nope" tipid kong sagot.

"Then why?" Alam kong tatanungin niya ito eh pero ayaw ng sabihin yung rason eh.

"Akin na lang din yung rason kung bakit nasabi ko yun"

"Okay! Pero ako na lang ang gagawa ng paraan para maghiwalay kayo" sabi niya saka umalis na lang.

hays...ano raw? Paghihiwalayin niya kami ni Zhend? Bakit? Hays..sana nga matulungan niya ako...pero ano kaya ang gagawin niya? Hays...nadagdagan na naman ang sakit ng ulo ko dito.

Makauwi na nga para makapagpahinga na rin ako.

LEI POV

Narinig kong may nagdoorbell sa gate hmp..may bisita ata ako...baka si dad ata siguro.

Lumabas na ako ng bahay at tinignan kung sino ang bibisita sa akin at laking gulat ko na ai Davin pala ang nasa harap ng gate namin.

"Hi!" Bati niya saka ngumiti sa akin.

"O hi" ganti ko rin saka pinapasok sa gate.

Matapos kong isara ang gate ay yinaya ko na siya sa loob ng bahay namin.

"O bakit napasyal ka dito?" Natataka kong tanong.

"Gusto lang kitang dalwain kasi di ka kasi nagpaparamdam sa amin ni Sam eh matapos yung pamamasyal natin"

Ah oo nga pala...si Sam lang kasi ang nakapagsabihan ko.

"Ah sorry ah kung di ko sinabi na bati na kami ng asawa ko kaya back to normal na naman kaya wala akong time na ipinaalam sa inyo pero don't worry binisita rin ako ni Sam nung nakaraang araw at ganyan din ang sinabi niyang reason nung dalawin ako kaya alam na niya"

Tumango na lang siya sa sinabi ko at parang napaisip siya saka napapailing.

"May problema ka ba?" Sita ko nung mapansin kong umiking ulit siya.

"Ha? nothing...masakit kasi ang leeg ko kaya napapailing ako" sagot niya saka tumingin sa labas.

Ahh..ganun? Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"anyways Lei, wala naman ata tayong pag-uusapan pa at saka talagang kinamusta lang kita kaya aalis na ako" biglang sabi ni davin at tumayo na ito sa sofa.

"Wait lang Davin, total pananghalian na kaya dito ka na lang kumain kasi nag-iisa naman ang kumain kaya pwedeng samahan mo na lang ako" pagpigil ko sa kanya.

Natahimik muna siya bago sumagot.

"Okay sure...baka kasi iiyak ka kong tatangihan ko ang offer mo"

Tumawa lang ako sa sinabi niya.

"Hintayin mo lang ako dito at ihahanda ko lang ang mga pagkain" sabi ko saka tinungo ang kusina.

Hays....buti na lang at nakaluto ako ng maaga kanina...

TOM POV

Hinihilot ko ang aking sentido papasok sa bahay namin nung makarinig ako ng tawanan sa kusina.

Hmmmp..may kasama ba ang asawa ko dito?

Para malaman ko ang kasagutan sa tanong  ko ay dumeretso muna ako sa kusina.

Napatigil ang tawanan nilang dalawa at laking gulat silang napatingin sa akin gayundin ako pweo di ko yun pinahalata. Si Davin ang kasama ng asawa ko dito?

Di ko alam ang maramdaman ko. Masakit yung ulo ko pero parang biglang nawala ng makita ko silang dalawa na kumakain at parang naiinis o nagagalit kaya bago pa ako di makapagpigil ay tumalikod na ako at tinahak ang hagdan patungo sa kwarto namin.

"Hon, are you okay? Ah dinalaw lanh ako ni Davin kanina kaya inanyayahan ko siyang maglunch na dito"biglang hawak ni Lei sa braso nung papasok na ako sa kwarto namin.

Hinabol niya pala ako. At bakit ba siya nagpapaliwanag eh di ko naman tinatanong.

"Yeah I understand and I just went home para magpahinga..masakit lang ang sentido ko" sabi saka pumasok na ako sa loob.

hays..ano ba tong inaasta ko sa asawa ko? Iniwan ko na lang sa labas ng kwarto namin.

"Nagseselos ka ba hon?" Biglang sulpot ni Lei sa likuran ko. Huhubaran ko na sana ang suit ko.

Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Ayaw ko sanang sagutin pero inulit niya. 

"Hon, tell me, nagseselos ka ba kay Davin?"

"Okay para matahimik ka na honey..yes..I got jealous"

Abat nginitian lang ako ng asawa ko saka yinakap ako. Ano bang sinabi ko?

>>>>>>>>>>>>
Hahaha...gusto kong tumawa kay Tom. Imagine nagseselos daw.

okay guys..comment your thoughts and insights..and votes na rin...

Salamat...

Abangan...malapit na ang pagbubunyag ng lihim at malalaman niyo ang mga tinatagong sekreto nina Zhend at Tom saka malalaman niyo rin king ano yung pinangblackmail ni Zhend kay Tom...

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon