Kapitulo Disiotso

4.8K 80 3
                                    

LEI POV

Ding...dong...ding...dong...

Lumabas ako ng bahay para tignan kung sino ang bibisita sa akin. Well, nag-iisa na naman ako kasi pumasok na ang aking asawa.

Namataan ko ang isang babae sa bukanang gate namin at nakatingin sa akin na naglalakad palapit sa kanya.

"Leila Reyes?" Patanong niya sa akin nung malapitan ko na ito.

"Yes?" Saka ko tinignan siya. Hmmp...namumukhaan ko ito pero di ko matandaan ang pangalan niya.

"Uhmmp..do you still remember me?" Tanong niya.

"You look famikiar but I forgot your name miss"

Tumawa ito.

"Well, I'm Olivia" pakilala niya ukit.

"Ah..the secretary of Mr. Zhend?"

"Yeah..so can I talk to you for a short while" sagot niya saka biglang nagseryoso.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba pero agad ko rin itong iwinalis sa isipan ko.

"Ah...sure...pasok ka" sabay bukas ko sa gate at niyaya na sa sala na namin para doon kami mag-usap.

"So ano yung pag-uusapan natin?" Tanong ko nung makaupo na kaming dalawa.

Huminga muna siya ng malalim saka tumikhim.

"Di ko alam kung paano ko ito sisimulan sayo" wika niya kaya naguluhan ako.

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"Gaano ka kamahal ng asawa mo?" Bigla niyang tanong na nagpakaba sa akin. Ano ba ang gusto nitong pag-usapan at bakit ganyan ang tinatanong.

Tumawa ako ng mapakla para pagtakpan ang naramdaman ko sa tanong niya.

"Mahal na mahal ako ng asawa ko at bakit mo naman naitanong?" Kalma ko pa rin.

"Kung sasabihin ko sayo na niloloko ka ng asawa mo, maniniwala ka kaya?"

Bigla akong natigilan sa tanong niya. Hindi ko inexpect na pupunta siya dito at sasabihin ang mga yan.

"Mahal ako ng aking asawa" wika ko sabay iling ko. Hindi magagawa ni Tom na lokohin ako.

"Sinasabi mo lang yan para sirain ang aming relasyon. Tell me, may pagtingin ka ba sa kanya kung kayat ganun na lang ang kadesperada mong kunin siya sa akin" dagdag ko pang sabi at pinipigilan ko ang aking inis at galit dahil sa sinabi niya.

Bigla tuloy siyang natigilan.

"Wala akong planong guluhin o sirain ang relasyon niyo. Nandito ako bilang kakampi mo. Nandito ako para tulungan ka na pigilan ang asawa mo sa paggawa niya ng anomalya sa inyong relasyon" sagot naman nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Sa pagtataka.

"Kung anuman ang sabihin ko at ipakita sayo ay sana tibayin mo ang iyong sarili"

Tumango na lang ako pero kinakabahan na ako sa ipapakita niya.

Kunway may inilabas ng siyang envelope at ibinigay sa akin. Binuksan   ko naman ito at laking gulat ko na lamang nung makita ko ang mga larawan ng aking asawa na may kahalikan ito.

"No, this is not true" nanginginig na ang boses ko at kong di ko mapigilan ay iiyak na ako.

"Tell me, this is not real. Fake ang mga to" sigaw ko pa sa kanya.

"Totoo po yan at ako mismo ang kumuha diyan" sagot pa niya at nakatingin sa akin deretso.

Napapailing na lang ako at parang mababaliw na ako sa mga nalaman ko.

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon