LEI POV
Buti na lang ang ipinasyal nila ako Sam at Davin kanina. Baka kasi magmokmok na naman ako sa loob ng bahay kakaisip sa asawa ko. Oo may gap ng nangyari sa comfrontation naginawa ko sa kanya.
Minsan di na kami nagkikibuan o minsan naman parang di nag-eexist ang isa't isa sa amin.
Pinara ko na ang taxi nung makatapat kami sa gate ng bahay. Nagtaxi na lang ako at di ko nadala ang kotse ko kasi sinundo nila ako kanina and besides gusto akong ihatid ni Davin pero tinanggihan ko na ito. Sobra na kasi ang ginawa nila para maibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko.
Nakatayo pa ako sa harap ng gate namin at pinagmamasdan ang bahay namin. Madilim pa ito at alam kong wala pa ang asawa ko. Expected ko na yun na gagabihin na uuwi na naman yun eh. Gumabi na kasi nong umuwi ako.
Muling bumalik ang lungkot sa puso ko. Di nga ako makapaniwala na mangyari to sa amin. Lets say may tampuhan o away kami pero in the end magkakasundo kami pero ngayon di ko na alam kong mauunawaan pa namin ang isa't isa.
Oo! Sa relasyon alam naman natin na pagdaanan natin to na may mga bagay na di niyo pagkakaunawaan pero kailangam rin ang tapat na kasagutan at pagtitiwala para malagpasan ang mga problema niyo at mawala ang duda sa bawat isa sa inyo.
Pero sa akin, iba eh. Parang may inililihim ng asawa ko. Ramdam ko yun kasi matagal ko na siyang kilala.
Ngumiti na lang ako ng mapait saka binuksan ang gate at pumasok na sa loob.
"How I wish bumalik yung unang araw namin ng asawa ko na nagkasama" sambit ko saka sinimulan ko nang maglakd papunta sa veranda ng bahay namin.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng mapahinto ako.
Biglang umilaw ang garden namin ng christmas light. At may naaaninag akong bulto ng tao na nakatayo doon na parang may hawak.
Maya-maya may narinig akong music na nagplay kung saan.
Ito yung themesong namin ng asawa ko. Oh my! Pakananiya ba to?
"I'm sorry honey" biglang may noses na nagsalita sa harap ko.
Si Tom ang asawa ko. Di ko namalaya na siya pala ang nakatayo sa garden kanina.
"Tom" yun lang nasambit ko.
"For you my gorgeous wife" sabi niya saka ibinigay sa akin ang hawak nitong bouquet of red roses.
"Sorry honey kung pinag-alala kita at naghinala sa akin pero ngayon I'll promise you na hayaan mo na makabawi ako sa mga pagkukulang ko sayo...Lei..Mahal kita at wala ng akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang"
Shocks! Totoo kaya to? Di ba ako nananaginip? Si Tom, nagsosorry siya at nag-effort talaga para sa akin para masuyo na ako. Do ko alam ang isasagot kundi napaluha na lang ako. Hindi dahil di ko gusto pero tears of joy kasi alam kong bumalik ulit sa dati ang asawa ko.
Parang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa kanya, yung mga pagdududa ay bigla nalang naglaho na bula. Gosh! I really miss my husband kaya agad ko siyang yinakap ng mahigpit.
The End...
Charing...marami pang twist na mangyayari no...wala pa yung rebelasyon part...
TOM POV
"I' m sorry din hon kung nagduda ako sayo" bulong asawa ko sa akin na nakayakap.
"Its okay hon..ang mahalaga ngayon bati na tayo" sabi ko naman.
Humiwalay na siya sa akin at ngumiti.
"I miss you hon"
"I miss you more honey" saka ko siya hinalikan at binuhat papasok sa loob.
Ininaba ko siya sa kitchen namin kasi nagset ako don ng dinner namin.
Oo! Plinano ko lahat to nung nalaman kong umalis siya. Gusto ko siyang sorpresahin eh para sa pagsuyo ko. Malaki na kasi ang kasalanan na nagawa ko sa kanya.
"Wow! Hon, ikaw ang nagluto ng ito at nagplano nito?" Nagtatakang tanong ng asawa ko.
"Yup hon" masaya kong sagot.
Napansin kong napaluha siya kaya nag-alala tuloy ako kung di niya ba nagustuhan.
"Di mo ba nagustuhan honey?" Alanganing tanong ko.
"Hon, sobra sobra kong nagustuhan ang ginawa mo. Lahat ng effort mo. Kaya nga napayak ako sa sobrang tuwang nararamdaman ko sa ginawa mo" masaya niyang sagot.
"Tahan na honey" sabi ko naman saka pinunasan ang lumandas na luha sa mata niya.
Ngumiti siya sa akin at gayun din ako.
"Sige na honey, kain na tayo. okay! Heres" sabi ko sabay tutok sa bibig niya ang kutsara na my pagkain.
Tumingin muna sa akin saka isinubo na ito.
"Kailangan mong ku.ain ng marami kasipapagurin kita mamaya sa kama" biro ko.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi nito sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya. Kaya ayun nainis tuloy. Ang cute talaga nang asawa ko.
THIRD PERSON POV
Kanina pa niya nakita ang dalawang taong nagyayakapan sa harap ng bahay na pupuntahan niya. Hanggang binuhat na ng lalake ang babae papasok sa bahay.
Oo! Plano niyang kausapin ngayon ang asawa ni Tom at ilantad sa kanya ang photos na ipinadevelop niya sa isang photoshop pero mali ata ang araw na napili niya.
"Mukhang masaya sila. May araw din tayong magkaharap Ms. Lei at alam kong ikaw ang makakatulong sa akin" bulong niya sa kanyang sarili at nakangiting linisan ang lugar na kinaroroonan niya.
>>>>>>>>>>
Wow! Mukhang nasuyo na nga ni Tom ang asawa niya. Sino kaya ang gustong kumausap kay Lei at ano kaya ang photos na gusto nitong ipakita?
Abangan ang nalalapit na rebelasyon na pangyayari...
Anyways..extended po ito kasi marami pang daloy ang kwento..
Don't forget to vote and comment.
Salamat readers....
BINABASA MO ANG
My Husband's Secret
RomanceThis story is rated SPG. Ako si Leila at ito ang kwento ng aking asawa at ang matagal niyang lihim na itinago sa akin. "Mahal ako ng asawa ko. Hindi-hindi niya ako ipagpapalit" - Leila "Bakit ikaw pa? Bakit siya pa? Bakit ka pa bumalik?" - Tom "Buma...
