Kapitulo Trese

4.1K 64 1
                                    

ZHEND POV

Simula nung kumain kami sa resto at hinalikan sa pisngi si Tom ay di na siya nagparamdam sa akin. Well...alam kong maiinis kang yun sa ginawa ko pero not to the fact na magalit siya kasi ganun naman ag ginagawa ng mga babae sa friends nila..opss...well kilala niyo naman ang pagkatao ko kaya wag niyo nang sabihin..

Kaya bwisit na bwist ang bawat araw ko kaya napag-isipan ko ang mamasyal noong isang araw sa mall para maibsan ang stress ko pero mas lalo atang naging bwisit ang araw ko nung makasalubong sina Tom at yung asawa niya.

Aba, may pabati bati epek pang nalalaman ang bruha pero kunwaring ngumiti ako sa kanya..as if naman na guato ko siyang makakilala..in her dreams...siya kasi ang sumira ang pangako ni Tom sa akin.

At mas lalo pa akong nabwisit nung di niya ako pinansin si Tom at bigla na lamang niyang inakbayan ang asawa nito at linagpasan nila ako.

Kaya ngayon heto ako sa office ko at nag-iisip kung paano ulit ko makakasama si Tom.

"Hays bwisit talaga" sigaw ko sa loob. Of course nag-iisa pa ako dito kasi yung isa pang malandi kong secretary di pa rin pumapasok at mas nabwibwisit ako.

Tumayo ako sa akung upuan ang paakad-lakad sabay hilot a sentido ko ng mahagilap ng mata ko ang isang envelope sa ibabaw ng mesa ni Olivia.

Hindi ko sana pakialaman kaso curios ako kung ano yun. Basta kasi nakapatong na lang at parang naiwan na niya ata.

Napaisip ako kung titignan ko ba o hindi pero mas pinairal ako ng curiosity ko kasi baka may malaman pa akong secret ni Olivia na gagamiti ko sa kanya para layuan na niya ako. Para kasing linta at aso sa akin.

Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan na ayaw ko siya dahil iba ang gusto ko pero dahil malandi siya aba hindi siya natitinag kahit anong sasabihin ko.

Kaya ngayon pakialaman ko to at baka maganda ang malalaman ko dito. Sorry Olivia!

Binuksan ko ang enveloe at laking gulat ko ang tumambad sa harapan ko.

"Bakit may ganito siya? Saan niya kinuha? At saan naman niya gagamitin?" Mga tanong nabuo sa isip ko ng makita ko ang laman ng envelope.

"Balak niya ata ako ang iblack mail" bulong ko sa sarili ko.

Gusto ko na sanang itago yun at ikompronta kay Olivia pero bigla nagkiwanag ang isip ko.

"Hahaha...magagamit ko rin ito...hmmmp...salamat naman kay Olivia at ginawa niya ito..may pakinabang rin ang babaeng yun" sabi ko sa sarili ko saka ngumiti ng matagumpay.

Ang ginawa ko na lang ay kumuha ako ng kopya dun saka ibinalik yung envelope sa mesa nito para di niya mahalata na pinakaalaman ko ito.

Masaya kong pumunta sa kompanya ni Tom. Gusto ko siyag sorpresahin..may sorpresa kasi ako.

Dere-deretao akong pumasok sa opisina niya at laking gulat niya nung makita niya ako. Syempre sino naman ang magugulat kong yung taong iniiwasan mo ay bigla na lamang lilitaw sa harapan mo di ba.

"Anong ginagawa mo?" Gulat niyang tanong pero nasa tono nito ang inis na makita ako.

Ngumiti muna ako ng napakatamis saka ko siya sinagot.

"May sasabihin lang ako"

"Deretsuhin mo na ako at pwede ka ng makakaalis"

"Wow naman Tom para naman tayong walang pinagsamahan"

"Kung yan ang lang sasabihin mo, pwede ka ng makakaalis" pataboy niya. Wow! It hurts pero di ako magpapatalo.

"Alam mo Tom babalik ka pa rin sa akin"

Napatingin siya sa akin na parang naiinis sa sinabi ko.

"Wala na tayi Zhend at di na ako babalik pa sayo" walang kemoemosyon na sagot niya sa akin.

Pwes....kailangan ko ng gawin ito....pasensyahan tayo Tom. Kunway may ibinigay akong folder sa kanya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin saka binuklat ang laman ng folder at narehistro sa mukha nito at pagkagulat.

"Ano to? At anong ibig niyang sabihin to?" Kung kanina naiinis sa akin ngayon naguguluhan na nagtatanong sa akin.

"Magaling ka naman Tom at alam mo kung ano ang gusto ko at mangyari" sagot ko.

Bigla na naman napalitan ang aura niya na parang mas lalonh nainis sa akin.

"Kung bakit ka pa? Ha? Bumalik ka ba para sirain ang relasyon namin ng asawa ko? Un ba ang gusto mo?" Galit niyang sumbat sa akin.

"Wala akong balak na ganyan"

"Hindi ako tanga at mas lalo akong hindi bobo para di ko mapansin yan. Akala ko gusto mong magkaibigan na tayo pero ano tong ginagawa mo" sumbat pa niya.

"Isa lang ag gusto kong mangyari...ang sumunod ka sa aking gusto yun lang" sumabt ko naman.

"Paano kong ayaw ko"

"Alam muna ang mangyayari...mahal mo naman si Lei di ba? Kung ayaw mong malaman niya ang tungkol sa atin pwes sumunod ka sa gusto ko"

Nang masabi ko yun ay bigla akong umalis na di nagpapaalam sa kanya.

Matagumpay na napangiti ako. Hahaha...Bahala si Tom sa desisyon niya....for sure..babagsak pa rin siya sa akin yun.

>>>>>>>>>>>
Ano kaya yung nakita ni Zhend sa envelope? Ano naman kaya ang ibinigay niya kay Tom? Papayag kaya si Tom sa kagustuhan ni Zhend?

Hahaha..comment na ang sagot niyo? Kung magaling kayo sa logic alam niyo ang sagot at may madiskubre pa kayo nangyari sa kwento na masa mga chapters...

Anyways...salamat sa patukot niyong pagbabasa nito.

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon