Kapitulo Sais

5.1K 78 3
                                    

ZHEND POV

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Yes! Masolo ko ulit si Tom. Dapat lang no! Kasi ako naman dating nagmamay-ari sa kanya. Wala na akong pakialam sq nakaraan na yan. Ang mahalaga ngayon ay kasalukuyan. Kaya nga minsan di tayo nakakamove on kasi ikinukukong ang ating sariki sa mga bagay na nagpapakahirap sa atin.

Tinignan ko ang kasama ko na kasalukuyan na nagmamaneho ngayon. Aba! Seryoso. Gusto ko nga na kausapin pero kanina pa ako dada na dada dito ay di man lang magreact.

Pero no way! Di ako susuko. Ngayon pa na napatunayan ko na may feelings siya ulit sa akin. Paano ko alam? Yung nangyari sa amin nung gabing yun? Bakit niya gibusti di ba? Galing ko talaga. Arte pa more ang kailangan at wala akong pakialam kung sino ang masasaktan basta ibalik ko ang dati kong pag-aari.

Babalik ka rin sa akin sa isip ko. Maghintay lang ako at konting drama lang ang kailangan eh.

Anyway itong pupuntahan me ay business pala pero one day trip lang. Pero dahil magaling ako, nag-imbento ako ng kwento sa papa niya. Oo! Alam ko na hindi siya makakatanggi sa ama niya kapag ito na ang nag-utos. Kaya siya agad ang kinausap ko. Galing ko talaga. And besides talagang ginawa kong two days para yung one day, bonding time namin.

Hahaha....o sige na...sabihin niyo na ang gusto niyo pero walang makakapigil sa akin. Mahal ko kai nh sobra siya eh. At kung husgahan niyo ako, wala akong pakialam dahil nagmamahal lang ako.

TOM POV

Sa wakas nakarating rin kami sa destination namin dun. Dahil mayamn sina Zhend, sa resthouse nila sa Batangas kami tumuloy kahit labag sa kalooban ko.

Hanggang ngayon, nakokonsensya ako sa ginawa ko sa asawa ko na di man lang ako nakapagpaalam ng maayos kasi bigka na lang akong hinila ni Zhend. Kaya inis na inis ako sa kanya. Di ko nga siya kinakausap sa buong byahe namin..

Lumabas muna ako para magpahangin. Gusto ko munang iliwaliw ang mga bumabagabag at inis ko sa katawan.

Wow! Sambit ko. Maganda kasi ang view sa labas. Malapit kasi sa dagat ang resthouse at nakikita sa gawi ko ang papalubog na araw. Habang tinitignan ko ang araw, ay bumabalik sa isip ko ang mga masasayang memories namin ng asawa ko kaya napapangiti na lang ako.

Naputol lang ang pagmuni-muni ko ng may biglang yumakap sa likuran ko.

"Andito ka pala" sabay na bigkas niya.

Bigla akong napatayo kasi napaupo ako sa mga buhangin kanina at tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko.

"I'm sorry" biglang sambit niya ng makarecover sa ginawa ko. Nagulat kasi kanina.

Di na ako umimik at tumingin ulit ako sa dagat.

"Naaalala mo pa ba nung tayo na laging pumupunta--"

"Zhend, shut up" bigla kong sigaw sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat ulit sa mukha niya nung sinigawan ko ito. Naririndi na kasi ako eh. kanina pa siya sa loob ng sasakyan a nakwekwento tungkol sa amin.

"Tom?" Di makapaniwalang bigkas niya.

"Zhend, dertsuhin mo nga ako. Ano bang plano ah? Business ba ang gawin natin dito o gusto mong sirain ang relasyon naming mag-asawa para balikan ka?" galit kong tanong.

"Business" mahina niyang sagot pero nakayuko na ito.

"Kung gayon tigilan mo na ang pagkwekwento sa nakaraan natin kasi matagal ko nang ibinaon sa alapaap yun. At bukas na bukas rin ay uuwi ulit ako"

Nakita ko ang pag-angat ng kanyang mata at nagulat sa sinabi ko.

"But-"

"No more buts" putol ko sa sasabihin niya.

Ayaw ko nang pakinggan kong ano pang sasabihin niya kaya tumalikod na ako peeo nagsalita ulit siya na nagpahinto sa akin.

"Tom, kung nabigla ka man sa mga ginawa ko at di mo gusto ang mga sinasabi ko, I am sorry pero sana hi di ito ang rason para iwasan mo ako at putulin ang ugnayan natin" sabi niya.

Di na lang ako lumingon pa sa kanya at nagsalita. Itinuloy ko na ang paglakad ko at iniean siya doon.

ZHEND POV

Letche...inis kong pinagsisipa ang buhangin.

Imagine sinigawan niya ako at ang masaklap, uuwi na siya bukas. Nasira tuloy ang plano ko. Sabagay kasalanan ko rin naman eh...pero di ako susuko.

Hays..palpak na naman. Di ko kasi maiwasan na yakapin siya kanina nung nakatalikod ito. Miss na miss ko na siya. Yung mga yakap niya dati at paglalambing niya sa akin tuwing nagtatampo ako kaya di ko napigilan na yakapin siya. Sabagay sino ba naman kasi ang hindi mabibigla doon lalo pat wala na kami no...

Pero bwisit talaga...bwisit..

THIRD PERSON POV

Kanina pa niya hawak ang cp nito at nakatingin sa photos na nasa gallery niya. Tuwing nakikita niya ang pictire na yon ay bumabalik ang eksena na nakita nito sa gabing iyon.

Mabilis siyang naglalakad papunta sa condo ni Zhend kasi kailangan niyang makausap ito. Kakatok sana siya pero nakita niyang nakaawang na nakabukas ang pinto.

Pumasok na lamang siya at dumeretso ito sa kwarto nito pero nanigas siya sa kanyang kinatatayuan kasi nakita niya ang dalawang taong naghahalikan na para bang wala silang pakialam sa paligid nila.

Di niya namalayan na may tumulong luha sa mata nito. Agad niya itong pinunasan at walang dudang inilabas niya ang cp nito ant kinuhanan ang tagpong yun kahit masakit para sa kanya.

Muli ay lumuha siya ng maalala niya yun. Gusto na niyang burahin ang photos na yun pero naisip niyang magagamit rin niya ito kaya in keep na lamang niya.

"Darating din ang araw na magiging akin ka" bulong niya sa kanyang sarili at mapait na ngumiti.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Okay guys...yan muna ang update...

May bagong karakter? Bago kaya? Sino kaya siya? Kakampi ba o kalaban?

Abangan...

Leave comments and votes please.

Salamat readers...

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon