Kapitulo Katorse

4.3K 62 2
                                    

SAM POV

"Wow sis, iba ang ngiti mo ngayon ah" komento ko kay Lei nung binisita ko siya dito sa bahay nila.

Dina kasi masyadong nagparamdam sa akin simula nung huki kaming magkakasama ng pinsan kong si Davin.

And speaking of my cousin, hindi rin siya nagparamdam sa akin. Hmmn..meron ba akong di nalalaman sa kanilang dalawa..hmmpn...

"Alam mo kasi bestie okay na kami ng asawa ko" masayang sagot ng kaharap ko ngayon.

Hmmp...mabuti naman kung ganun di ba...

"Pero akala ko ba galit kayo sa isa't isa?" Tanong ko kasi di ba sinbi niya na kinompronta niya ito at di na sika nagpapansinan ha..naaalala niyo naman yun di ba..

"Oo pero sinuyo naman ako ni Tom"

"Ha? Sinuyo ka lang, napatawad mo agad?" Parang di ako makapaniwala dun.

"Hays..bestie..di mo lang kasi alam kong ano ang effort na ginawa ng asawa ko para mapatawad ko siya" depensa naman ni Lei.

Dahil curios ako sa nangyari gusto kong malaman di ba..baka napakain niya ito ng hayuma kaya ganun na kang kadali kay Lei para mapatawad ang asawa niya.

"O ano naman ang ginawa niya?"

Hays...bumuntong hininga muna ang kaibigan ko saka ngumiting inumpisahan ang pagsasalaysay sa ginawa ng asawa niya sa kanya.

At ako rin no excited din akong malaman kung anong nangyari..hahha..tsismosa ang peg..atleast di ko naman sinasabi sa iba no.

"Naalala mo ba bestie noong nakaraang araw na namasyal tayo kasama si Davin?" Pasimula ni Lei.

"Yeah...at ano naman ang kinalaman niyon?" Nagtataka kong tanong.

"Alam mo ba noong umuwi ay sinorpresa ako ng asawa ko"

"Ano nga yang sorpresa na yan?" 

"Wait lang bestie, atat ka naman masyado pakinggan mo kasi ang kwento ko para malaman mo"

"O sige na sis, ang dami mo kasing patalastas eh kaya nabibitin tuloy ako" angal ko. Totoo naman niyon.

"Ito na..kaya manahimik ka muna bestie" sita naman ni Lei sa akin kaya nanahimik na lang ako at nakinig sa kwento ng kaibigan ko. Mamaya na ako magreact...

"Kaya ayun nung umuwi ako ay nabigla ako kasi biglang umilaw yung garden sa harap tas binati ako ng asawa ko tapis sincere siyang humingi ng kapatawaran sa akin at ipinaliwanag niya sa akin ang reasons niya kung bakit ganun ang nangyayari sa kanya at binigya pa niya ako ng boquet of roses" masaya niyang kwento.

Magsasalita na sana ako pero pinutok niya kasi may idagdag pa ata.

"At di lang yan nagtatapos bestie, kinaumagahan ay pinasyal niya ako at nanood ng sine" dagdag niya saka ngumiti.

Ay...yun lang..hahaha..per infairness maganda rin yun ginawa ni Tom para magbati na sila.

"Hays..mabuti naman at naisipan niya yun para di ka na malungkot" komento ko na lang. Parang naantok kasi ako sa kwento ng kaibigan ko...hahahha..

"O bestie dito ka na lang kakain ha..total mag-isa lang naman ako dito kaya samahan mo na lang ako ah" yaya ng kaibigan ko.

"Aba gusto ko yan ako pa ah"

Nagtinginan naman kaming dalawa saka nagtawanan.

TOM POV

Di ko alam kong mainis ako o magalit kay Zhend matapos niyang sabihin at ibigay sa akin ang folder na ito na kanina ko pa hawak.

Dahil wala akong matinong maisip ay bigla ko itong pinunit at itinapon sa basurahan.

"kung di ka susunod, alam mo na ang mangyayari..mahal mo naman ang asaw mo"

Biglang nag-sink in sa isip ko ang huking sinabi ni Zhend sa akin.

Nabwibwisit na ako sa kanya. Ayaw ko man pumayag sa gusto niya pero natatakot ako sa gawin niya sa asawa ko. At isa pa, natatakot akong mawala si Lei lalo na kung malaman niya ang tungkol sa amin ni Zhend.

Oo! Plano ko rin sabihin kay Lei noon yun ang tungkol dito pero bigla akong natakot baka kasi kamuhian niya ako o madiri siya sa akin at iiwan niya rin ako. Ayaw ko ng mangyari pa ang mga nangyari sa akin noon pa.

Calling...Zhend....

Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko. Si Zhend ang nakaregister. Ayaw ko sanang sagutin pero baka may importante siyang sasabihin kaya kahit labag sa kalooban ko ay pinindot ko ang answer button.

"Hello" walang ganang sagot ko.

"Buti naman at sinagot bhe" napakuyom ako nung binanggit niya ang salitang yun.

"Ano bang sasabihin mo?" Galit kong tanong.

"Well, puntahan mo ako dito sa Havens Bar..samahan mo ako"

Aangal sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Hintayin kita at kung di ka pupunta, expect na may mangyayari kay Lei" bata niya saka tinapos ang tawag niya sa akin.

Inis kong sinabutan ang buhok ko. Bakit kasi bumalik ka pa? Bakit ikaw pa? Ano nang plano mo sa akin Zhend?

LEI POV

Nandito pa rin ako sa sala at hinihintay ang asawa ko. Di kasi nagpaalam na magabihan ang uwi niya ngayon. Kaya nakaupo ako dito mag-isa at busy kunwari na nagbabasa ng magazine.

Alas nuebe na kasi ng gabi pero di pa rin siya umuuwi o tumawag man lang.

Nagtagal pa ako ng limang minuto pero wala pa rin kaya nagdesisyon na akong umakyat at pumunta sa kwarto namin para doon ko na lag hintayin pero narinig kong may ugong ng sasakyan ang dumarating.

Hinintay kong bumukas ang door namin at tama nga ang hula ko..si tom ang dumating.

Nagulat ata na makita pa niya ako.

"O hon, bakit ngayon ka lang saka parang amoy alak ka" sabi ko. Naamoy ko kasi nung linapitan ko siya at yayakapin sana.

"Ah..sorry honey kung di ako nagpaalam at saka konti lang naman ang nainom ko. May nagyaya kasing employees sa kompanya na magbirthday ang anak niya kaya napasubo na rin ako" sagot niya sa akin.

"Okay hon, tara na sa kwarto at mbanlawan na kita saka matulog natayo. For sure pagod na pagod ka diyan" sabi ko saka nauna na akong umakyat sa kwarto namin.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Hahaha...nagsimula ulit si Tom ng anomalya?

Nabwibwisit ako kay Zhend...alla shems...patayin ko na lang kaya ang karakter  niya...hahaa...joke lang ..

Mas mainis pa lo kayo kay Zhend sa susunod niyang gawin...

Kaya comment na dali..vote na rin....salamat

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon