"REBOND"

42 2 0
                                    

Ewan ko ba, bakit gustong gusto natin ang nagpaparebond? Tuwing christmas seasons at iba pang gathering, nauubos ang ating christmas bonus at thirteenth month pay sa pagpaparebond?

Well, isa na ako sa mga yon! Syempre, gusto kong gumanda yung buhok ko. Sabi nga nila, "A lady's hair is her crowning glory."

Yung tuwid na tuwid na parang mga nakikita mo sa mga shampoo commercial sa TV.  Yung kumikinang, sumusunod sa galaw?  Yung buhok pa lang, kinakaka-akitan na.

So pumunta ako sa parlor doon sa tapat ng kanto namin. It took 6 hours para matapos yung rebond. Grabe! Hindi pala madaling magparebond – parang pagmo-move on, hindi mabilis!

Sabi sa akin ng parlorista, wag ko daw liguan ng tatlong araw baka daw masira ang buhok ko. Kahit na greasy na siya at oily, wag ko daw babasain. Kahit uncomfortable pa!

AGAIN! Parang pagmumove on. Wag mong gagawin ang mga bagay na magpapaalala sayo sa kanya. Hayaan mo lang kahit mahirap gawin, dahil in time, magiging okay din ang lahat. Makakalimot ka din, hindi nga lang in just 3 days..pero in TIME!

So the next day, damang-dama ko ang buhok ko. Tuwid na tuwid! Feeling ko ako na ang may pinakamagandang buhok sa lugar namin kahit mukha akong may stiff neck dahil ayaw na ayaw kong magalaw ito.

Haay...Where's pag-ibig?



Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon