Naalala ko yung crush ko noong highschool. Siya yung tipong kilig na kilig ako kapag nakikita siya. Tapos kahit anong gawin niya, ang gwapo-gwapo niya. Yung totoo, siya ang inspirasyon ko dating pumasok sa eskwelahan, hindi yung pag-aaral. Minsan, pinagpartner kami sa isang sayaw. Grabe, feeling ko ako na pinakamapalad na babae sa balat ng earth, sa dami-daming naming classmates na babae, e ako pa ang na-match sa kanya! Daig ko pa ang nanalo sa Miss Universe. Kaya noong gabi before ng sayaw namin, nagpractice ako sa bahay mag-isa. As in pinagpuyatan ko talaga,wag lang akong mapahiya sa kanya.
Noong araw na ng sayaw, muntik pa kong ma-late dahil medyo tinanghali ako ng gising. Kaya tumakbo ako agad-agad dahil ayaw kong ma-miss ang opportunity na makasayaw ko siya.
Sumayaw na tayo ng waltz sa harap ng klase. Tayong dalawa lang noon ang nasa harapan. Hinawakan mo yung kamay ko ng malalapad mong kamay, at naramdaman kong nakuryente ako. Pero siyempre, hindi ako nagpahalata na kinikilig ako sa'yo, kaya poker face ako. Nakatingin ka sa akin at nakangiti. Gusto kitang ngitian pero mas inuunahan ako ng kaba. Alam kong nakatingin din sa atin ang mga classmates natin at gustong-gusto na akong sabunutan ng ibang classmates nating may crush sayo sa sobrang irita. Pilit mong hinahawakan ang mukha ko, pero umiiwas ako kasi nahihiya ako, at syempre wala naman yun sa steps.
Gandang-ganda ako sa sarili ko dahil nakasayaw ko ang pinakagwapong lalaki sa klase. Pagkatapos sumayaw, binulungan mo ko. Sabi mo, ang laki ng muta ko. Kanina pa naghi-hi sa'yo. Kaya pala pilit mong hinahawakan yung mukha ko para alisin yung mga muta sa mata ko. Mula noon, iniwasan na kita dahil wala na akong mukhang maihaharap dahil sa kahihiyan.
Pero ngayon, nakaupo ako sa sofa, hawak-hawak ang cellphone ko. Kaka-accept ko lang ng friend request mo.
{({4C
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara 2
Cerita PendekMuling bumabangon si Barbara at dudurugin niya kayo! Papatayin kayo ni Barbara sa saya..