Pursigido akong pumayat! Hindi naman dahil sa pinagkakamalang akong nanay, pero gusto ko lang talagang maging healthy. Charot!
So bumili ako ng dvd copy sa palengke ng Zumba Volume 1. Ito na ang kapalit ng dinner ko sa gabi. Gabi-gabi akong nagzuzumba sa harap ng TV after ng trabaho. Minsan, sumasabay sa akin si Mama pero charotera lang siya dahil sinasabihan ako na hindi daw makikipagbreak sa akin ang mga bilbil ko sa akin!
Pero hindi! GO PUSH dapat ang fighting spirit!
Pawis na pawis ako at hingal na hingal. Gusto ko ng sumuko everytime na nafifeel ko na babagsak na ko! Pero hindi! Hindi pwede! Dapat maging kasing katawan ko yung negrang sumasayaw sa TV! Kaya sige, go!
After ilang linggo, nabawasan naman ako ng timbang! Kapag pinagpatuloy ko pa ito, pwede na akong sumali sa Binibining Barrio!
Kailangan talaga ang pagtitiis at disiplina kapag nagpapayat. Mahirap pero kapag nakita mong may nangyayari, nawawala lahat ng hirap na dinaranas ko. Kaya go push fight!
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara 2
Short StoryMuling bumabangon si Barbara at dudurugin niya kayo! Papatayin kayo ni Barbara sa saya..