"SAHOD"

29 2 0
                                    

Pinakamasayang araw sa mga nag tratrabaho ang araw ng sahod. Dahil dito mo makukuha ang katas ng pinaghirapan mo. Nang mula maging single ako, lagi akong pumupunta sa mga iba't ibang resto na nakikita kong inaadvertise online. Minsan, niyaya ko ang ka-officemate ko na magdinner sa isang Italian restaurant sa Eastwood noong minsang payday. Nalalayuan kasi ako kung ako lang mag-isang pumunta doon. Ayaw sumama ng officemate ko dahil nalalayuan din siya. Sinabi ko na sobrang sarap ang pagkain sa Italian Resto doon. Iba't ibang techniques na ang ginamit ko para sumama sa akin ang officemate ko dahil gustong-gusto ko talaga ang kumain sa Italian Restaurant na iyon. Kaya ginamit ko na ang pinaka-malupit ngunit pinakamahirap sabihin na magic spell sa kanya, ang "Libre kita!". Ofcourse, pumayag agad-agad ang mukhang libre kong officemate at nag-aya pa ng iba pang ka-officemates ko na sumama. So pito kaming nagpunta sa Italian Restaurant sa Eastwood. Sa sobrang gutom at excitement ay nag-order ako ng nag-order. Hinain na sa amin ang mga Italian food at agad-agad kong nilantakan ito! SUGOD! Galit-galit muna!

Pagkatapos kumain ay nagbill out na kami. Ang sarap ng pagkain at ang sarap din ng presyo ng bill ko! Ang taas! Sing taas ng Petronas Towers ng Malaysia!! Wala akong choice dahil nga nangako na ako sa kanila na ako magbabayad. Ayun. Ang ending, dahil wala akong makain, dalawang linggo kong inaalala yung lasa ng kinain namin sa Italian Restaurant tuwing lunchbreak sa office dahil sa naubos na agad ang sahod ko.

Alam natin na may darating pa naman na pera sa susunod, o may inaasahan tayong pera na darating sa hinaharap. Pero hindi ibig sabihin nito ay ubos biyaya tayo. Hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari at bigla mo na lang kailangananin ng pera kung kelan ubos na ang biyaya mo. Magtira ka sa sarili mo at siguradong may maibibigay o mailalabas ka kapag kinailangan mo ito.

Buti na lang, nagtira ako ng pag-ibig para sa sarili ko, may maibibigay pa ako sa susunod na mamahalin ko. Asan na ba siya?


Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon