"NANAY"

20 3 0
                                    

May sakit yung kuya pinsan ko kaya pinakiusapan niya akong sunduin sa eskwela yung kindergarten niyang anak na si Buboy. Since day-off ko naman, sige, susunduin ko na ang chubby kong pamangkin.

Gumet up ako ng bonggels para naman bagets na bagets ang aurahan ko! Pagdating sa eskwelahan, nandoon yung mga nanay sa labas ng classroom. Nagtsi-tsismisan. So umupo lang ako sa isang tabi at nagcheck ng facebook.

Bago maglabasan, nilapitan ako ng isang tsimosang nanay. "Ikaw pala ang nanay ni Buboy!" Wow ha! Ako? Nanay?? Hello?! 

May follow up question pa si tsismosang nanay number two, "Ilan silang magkakapatid?" sabay tingin sa katawan ko. Nginitian ko sila, sinabi ko na single pa ako at wala pa akong anak, at pamangkin ko si Buboy. 

 Sabi ni tsismosang nanay number three. "Ay pasensya ka na ha, mukha ka na kasing nanay e."

Ahh ganern?! Let's see. Bigyan nyo ko ng time. Magpapayat ako! Tingnan natin kung hindi nyo kainin yang pinagsasabi nyo! Kalerkey ha!


Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon