May pupuntahan akong event sa Pasay. Sira ang sasakyan namin kaya napilitan akong magtaxi. Kaya naglakad ako hanggang kanto para mag-abang ng taxi.
Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din ako nakakasakay ng taxi. Yung ibang taxi, may sakay na. Yung iba naman ay ayaw sa pupuntahan kong lugar. Yung iba naman, bagaman nakaopen ang red availability light nila sa harapan, pero may sakay naman sila. Napadownload tuloy ako ng isang Taxi App sa phone ko ng wala sa oras. Pero ang ending wala pa ding available na taxi.
Narealize ko na lang bigla ang paghihintay ng taxi pala ay parang paghihintay sa pag-ibig. Yung may mga sakay na, sila yung nakatali na, yung may partner na. Committed na kung baga.
Yung isang klase naman, sila yung mga nakakainis, yung choosy. Ikaw na nga tong lumalapit sa kanila, ikaw pa tong inaayawan.
Pero may isa pa na mas nakakainis. Yung mga taxing nakaopen ang redlight pero may sakay naman sa loob. Sila yung mga paasa. Asang-asa ka na magiging kayo pero malalaman mo may iba pala siya. Tapos dada-anan ka lang niya at iiwanan. Tapos iiyak ka kasi naiwan ka at mag-isa ka na lang ulit.
Leche. Makapag-jeep na nga lang.
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara 2
Short StoryMuling bumabangon si Barbara at dudurugin niya kayo! Papatayin kayo ni Barbara sa saya..