"GLUTATHIONE"

23 2 1
                                    

Ang ganda-ganda ni Khristine Hermosas at ni Marian Pineda, ang puputi nila. Para silang mga dyosa! Sana ay kasing puti ko din sila. Pero dahil aligaga sa beach kaya heto, tiis-tiis sa muna sa hapdi sa balat. Pero dahil nga reyna ako ng aligaga, ayokong maitim ako ng matagal. Gusto kong pumuti agad. Kaya naman, bumili ako ng mga gluta capsules sa botika kahit wala na kong datung. Pagdating ko sa botika sa mall, ay biglang may humawak sa braso ko. Pag-lingon ko, nakita ko si dating crush classmate na nakasayaw ko ng waltz. Ang gwapo . Nakangaga lang ako habang pinagmamasdan yung pogi niyang mukha. Tapos tinanong nya ako. "Bakit ang itim-itim mo na?" Sinumpa ko agad that moment yung kaibigan kong nanlibre sa akin sa beach dahil umitim ako. Tumawa ako at mag-rireason out na sana ako pero bago pa man ako makapagsalita, nagsalita na siya. "Pero maganda ka pa din." Sabi niya ng nakangiti. Namula ako syempre. Kahit ganito ako, may naka-appreciatepa din sa ganda ko. Nagpaalam na siya dahil may work pa siya. Hindi ako makamoved on.

Hindi pala importante ang kulay sa pag-ibig.

Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon