"VIKINGS"

33 2 1
                                    

Hindi talaga ako mahilig sumakay sa mga rides. Lalong lalo na sa mga extreme rides.

Minsan, inaya ako ng mga pinsan ko na magpunta sa bagong amusement park sa city. Pumayag ako dahil gusto kong malibang. Sumama lang naman ako para sa picture-picture. Tuwing sasakay sila ng mga rides, ako ang tagi-bitbit ng mga gamit nila. Pero hindi ako nakatakas sa pagsakay ng rides. Para lang matapos na ang pagtawag sa akin na Kill Joy o KJ, sige go, fight, I accept the challenge.

Sumakay kami sa Vikings. Yung nagswesway na barko. Grabe, takot na takot talaga akong sumakay. Pero dahil napasubo na, go sige, panindigan!

Sa mga unang sway pa lang, mahigpit na agad ang hawak ko sa bakal na hawakan. Sa paglakas ng mga pagsway, lalo kaming tumataas at para ka talagang hinuhulog na pabagsak! GRABE! Nakakaloka!

Kaya ang ginawa ko, para hindi ko makita yung pagbagsak namin, pinikit ko ang mga mata ko, tumingala at hinigpitan lalo ang hawak sa bakal.

Pero hindi pa din nawawala yung kaba at takot. Hindi ko na nga nakikita yung pagbagsak namin dahil nakapikit ako, pero natatakot pa din ako.

Nakita ng pinsan ko ang posisyon ko, at natawa siya. Binulungan nya ko na para daw mawala yung takot, itaas ko daw ang mga kamay ko at sumigaw!

Ayoko pang gawin noong susunod na bagsak, pero noong next na uli, ginawa ko na!

Sumigaw ako ng bongga! Sigaw lang ako ng sigaw para mawala yung takot! Wala na akong pake kahit kita na ng kabilang mga pasahero ang ngala-ngala ko, basta GO SIGAW!

Ang sarap pala! Nabawasan ng bongga yung takot ko, at na-enjoy ko na yung moment!

Parang sa pagmumove-on lang pala ang pagsakay sa Vikings. Hindi ka makakamove on kung itatago mo lang sa sarili mo ang nararamdaman mo. Kung dinedeny mo na affected ka pa.

Dapat, ilabas mo lahat-lahat. Umiyak ka, sabihin mo sa mga kaibigan mo ang tunay mong nararamdaman habang nagmomove-on ka. Makikita mo, paunti-unti kang nakakalimot.

Hindi pa din totally nawala yung takot ko sa Vikings kahit sigaw ako ng sigaw, kinakabahan pa din ako. Kaya ang ginawa ko, tumingin ako sa malayo. Tumingin ako sa ferris wheel kapag bumabagsak. Doon lang talaga nakapokus ang mga mata ko kapag bumabagsak kami. Mula noon, hindi ko na naramdaman ang taas at pagbagsak. Hindi na ako natakot.

Dapat humanap tayo ng mga bagay na pagkakabusy-han kung gusto mong makalimot. At doon tayo magfocus para mawala sa isip natin ang hindi dapat isipin.

Ang saya na nakakahilo ang experience ko sa Vikings. Nag-enjoy ako kahit na nagsuka ako pagkababa namin.

Hindi na ako uulit. 

Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon