Summer na naman!! Ibig sabihin! Water-water na naman! Kaya niready ko na ang mga colorful bikini ko na niregalo sa akin noong Christmas party. So gumora ako, kasama ng mga piling friends, sa Morong Bataan para mag-beach, libre kasi kaya sumama ako. Grabe, ang ganda ng tubig,para kang gustong hilahin nito. Nag-alangan pa akong lumublob sa dagat kasi nga ang tarik ng sikat ng araw, baka mangitim ako. Pero go, sige! Sayang ang moment! Nag-swimming ako sa dagat! Kumuha-kuha pa kami ng mga underwater video shots para gamit ang GoPro para gawing Primary Video sa facebook. Ang saya-saya namin. Friendship Goals!
Kinabukasan, pagbalik ng Manila, ang sakit ng balat ko. Pulang-pula ako dahil sa sunburn! Kulang na lang ay sarsa at pwede na akong idapa sa lamesa at pasakan ng mansanas sa bibig!
Kainis! Ilang buwan akong umeffort para magpaputi tapos ilang oras lang ako sa dagat, ngayon mukhang lechon na ako! Hindi lang basta lechon - Sunog na lechon pa!
Haay,parang pag-ibig ko sa'yo. Ilang taon kong ineffortan para lang magwork ang relationshp natin, tapos sa isang iglap lang...mawawala ang lahat. Haay kainis talaga tong sunburn na to.
PS:
Ang nararamdaman ko sa'yo ay parang sunburn, mawawala din sa takdangpanahon.
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara 2
Short StoryMuling bumabangon si Barbara at dudurugin niya kayo! Papatayin kayo ni Barbara sa saya..