"MOVIE DATE"

38 4 4
                                    

Naglalakad ako sa gitna ng mall. Naka-orange dress ako. Bagong dress kasi lumiit na ang size ko. Nakamake-up, nakalipstick at perfect ang kilay ako.

Umupo ako sa bench sa may gilid ng fountain sa gitna ng mall. Tiningnan ko ang phone ko at chineck ko kung paparating ka na.

Maya-maya ay nakita kita mula sa malayo, naglalakad. Nakapolo at nakaslacks. Ang ganda ng porma mo. Tapos may bitbit ka pang bouquet of flowers at maliit na chocolates.

Pinagtitinginan ka ng mga tao dahil siomai, ang gwapo-gwapo mo at ang lakas ng dating mo. May hawak ka pang mga bulaklak. Curious na curious tuloy ang mga tao kung kanino mo ibibigay yan.

Biglang tumunog sa background yung kanta ni Rachelle Ann Go at Christian Bautista na "Pag-ibig na kaya". Grabe, lalo akong kinabahan.

Sinusundan ka pa din ng tingin ng mga tao sa mall. Pero nakatingin ka lang sa akin habang papalapit ka sa akin. Medyo namumula ako kaya medyo binawasan ko yung blush on ko sa pisngi ng hindi pahalata.

Tumayo ka sa harap ko at nakangiti. Nakatingala naman ako sa'yo. Nakatingin naman sa atin yung mga tao.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at namumula. Tinanong mo ako kung matagal akong naghihintay. Umiling lang ako na nakangiti.

Bigla mong inabot yung bouquet of flowers at chocolates. Kinilig ako.

Nagtinginan lang tayong dalawa. Parang gusto kong malusaw. Kung sa pelikula ito, ito yung moment na umiikot yung camera sa ating dalawa.

Inaya mo na akong manood na ng sine. Hindi ako makasalita. Nakita ko yung mga tao na nakatingin sa atin. Medyo naiiyak ako dahil hindi ko inakala na mangyayari ulit sa akin ang ganitong scenario.

Tumango ako at sabi ko sayo , "Sige (Waltz), tara na.."

At nanood na tayo ng pelikula ni Sarah Geronimo.

Iyon ang una nating nood ng sine.


-------

Minsan, sa hindi mo inaasahan pagkakataon, darating ang mga magagandang bagay.  Maghintay ka lang at magpaganda.  Hindi mo kailangan magmadali. Magmove on ka lang.  Ayusin mo ang buhay mo at sa hindi mo inaasahang pagkakataon, hahanapin ka ng pag-ibig.  


Haay.. si Waltz na kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon