"CONCEALER"

27 2 1
                                    

                  

Puyat ako! Napuyat ako kakastalk sa mga taong bigla ko na lang naiisip. Nakakapuyat talaga pag may wifi sa gabi. Hindi mo namamalayan, disoras na pala.

Kaya heto, ang ilalim ng mata ko, ang itim. Mukha akong multo. Kulang na lang sira-sirang damit at pwede na akong i-cast bilang zombie ng the walking dead. Kailangan ko pa man ding maging maganda mamaya sa event.

Kaya kinuha ko yung concealer ko na inorder ko sa catalog ng kapitbahay namin. Hulugan!

Umepekto naman, nagmukha naman akong fresh! 

Tumingin ulit ako sa salamin. Naalala na naman kita, ayaw mo kasi akong naglalagay ng makakapal na make-up sa mukha. Gusto mo yung simple lang ako, yung natural.  Tinatawag mo pa akong clown kahit nakablush on lang ako.  Gandang-ganda ka sa akin kahit wala akong make-up noon.

So pumasok na ako sa office. Bago ako makapasok ay dumaan ako sa hagupit ni haring araw! Ang init! 

Pagpasok ko ng office, tinanong ako ni office seatmate kung may tulog daw ba ako. Ang itim daw kasi ng ilalim ng mata ko.

Pagcheck ko sa salamin, nalusaw na yung concealer. 

Haaay, kahit gaano ko man itago yung nararamdaman ko, lilitaw at lilitaw talaga.  Para itong dark circles under my eyes...lumitaw!

Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon