"PANDESAL"

34 2 1
                                    

Hating gabi na. Malamig ang simoy ng hangin. Napagdesisyunan namin ng mga bakasyunistang pinsan ko na bumili ng hot pandesal sa kanto. Pagdating namin sa panaderya ay nag-order kami ng pandesal sa halagang singkwenta pesos. Kumuha si ateng tindera ng paper bag at nilagay ang mga pandesal sa loob nito. Nang inabot sa amin ng tindera yung paper bag ng pandesal, chineck ng isang pinsan ko ang laman. Pinabalik niya ang mga pandesal sa tindera dahil hindi daw ito mainit. Sabi ng tindera na wala ng mainit, at kung gusto daw namin ng mainit na pandesal, ay maghintay kami sa niluluto pa. Willing to wait naman kami ng mga bakasyunistang pinsan ko, kaya naghintay kami. Makaraan ng ilang minuto ay naibigay sa amin ang mainit at umuusok na mga pandesal. Pag-uwi namin, ang sarap at ang saya ng kwentuhan namin sa veranda dahil sa masarap na mainit na pandesal with matching mainit na kape sa malamig na panahon. Perfect ang feeling!

Tulad ng pandesal na ito ang status ng pag-ibig ko. Hindi pala porket nandiyan na siya, ay doon na lang iikot ang mundo mo. Dapat muna natin icheck ang tao kung tama ba siya para sa iyo. Dapat ay hanapin natin kung ano talaga ang hinahanap natin at kung ano ang magpapaligaya sa atin hanggang huli - kahit na kailangan natin maghintay ng matagal.

Parang ang hot pandesal na ito. Kung hindi namin hinintay ito, edi sana hindi namin nararamdaman yung perfect feeling . At ang ex ko naman yung malamig na pandesal, kung hindi ko binitawan ang feelings ko sa kanya noon, edi sana hindi ako nasisiyahan sa buhay ko ngayon kakaisip sa miserableng damdamin ko sa kanya.

Ang Sawing Diary ni Barbara 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon