Ang kapal ng mukha ng ex ko! Walang kasing kapal!
Matapos niya kong saktan noon, bigla na lang siyang magmemessage sa facebook ko ngayon na parang walang nangyari. Partida! Hindi ko na siya friend sa facebook ha!
Inaaya akong mag-dinner sa labas. Mag-uusap daw. Tinanong ko kung alam ng misis niya. Hindi siya sumagot agad, pero sabi niya aware naman daw yung misis niya.
Ayokong pumayag sa kanya. Kahit anong pambobola niya sa akin na pumayat na ako, pumuti ako, at sobrang blooming ko, walang epekto , ayoko talagang pumayag. Pero hindi din nagtagal ang pagtanggi ko sa kanya matapos niyang gamitin sa akin ang malupit na spell na "TREAT nya ko". Pumayag na ako dahil libre naman at para makabawi naman ako sa perang nalustay ko noong sahod.
Nag-kulot ako at sinuot ko ang pinakabago kong mamahaling dress sa araw na magkikita kami. Ayoko namang ipakita sa kanya na porket nag-asawa na siya, e hindi ako masaya, HELLO?!
Nagkita kami sa Pizza hut sa Quezon City. Pagdating ko doon ay nakaupo na siya doon sa table for two. Ang gwapo pa din naman niya infairness.
Pag-upo ko, sinabi niya na gumanda ako. Alam ko weird ang feeling, pero bigla na lang may tumugtog na music sa background, ang "This I Promise You" ng NSYNC. Nagulat kaming pareho kasi nga naaalala namin yung time na kinanta niya sa akin yung kantang iyon minsan monthsary namin noong kami pa.
Pagkatapos naming g magreminisce ng nakaraan. Nilabas niya ang laptop niya at hinarap sa akin. May ipapakita daw siya sa akin. Alam kong weird, pero medyo kinikilig ako bago niya ipakita ang laman ng laptop.
Pagkatapos naming mag-dinner sa pizza hut ay hinatid na niya ako sa sakayan ng taxi at isang bagong member na ako ng networking.
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara 2
Short StoryMuling bumabangon si Barbara at dudurugin niya kayo! Papatayin kayo ni Barbara sa saya..