1

274 10 6
                                    

"HESUKRISTO!!"

Sigaw ko ng malakas habang pababa ako ng hagdan.

Wala akong pakialam kung magising man lahat ng tao dito sa mansyon.

"What's the matter Amen?"

Tanong ni dad na kakalabas lang ng kanilang kwarto kasama si mom habang humihikab pa.

Lord Emmett Saint. A cold, heartless leader but a good and loving dad and husband.

"Nawawala ang bazooka ko dad at sino lang ba ang kumukuha ng mga gamit ko ng walang paalam?"

"Lower your voice Amen"

Malumanay na sabi ni mom habang nakayakap si dad sa kanya.

Rosary Kisha Saint. An angel in disguise. Mahinhin at mapagmahal na asawa kaya patay na patay si dad sa kanya. A caring and loving wife and an ideal mother.

"But mom-"

"Hayaan mo na apo bibigyan na lang kita ng bago."

Sabi ni lolo. May hawak itong baston.

Cross Calix Saint. Ang masayahin at kunsintidor naming lolo. A retired mafia leader.

"Lolo naman eh kaya namimihasa laging mong kinakampihan." Nakangusong sabi ko.

"Don't worry hija leave it to lola."

Holy Asha Saint. The best lola in the world.

"HESUKRISTO!!!" Sigaw ni lola.

BLAG!!!

Pumasok silang dalawa habang hinihingal.

"Yes po maganda kong lola?" Inosenteng tanong ng kapatid ko.

Jesus Yniel Saint. Ang panganay sa kambal. Ang pinakamagaling mang trip kong kapatid.

"Sino ang kumuha ng bazooka ng ate niyo?" Agad itong umiling at tinuro ang kakambal.

"Siya po lola kong maganda"

"Oy anong ako? Kaya pala nasa likod mo. Tss."

Christ Dominique Saint. Ang aming napakapilyo pero napakaseryosong bunso. Nagmana siya kay dad na laging seryoso pero mapagmahal yan.

Nilapitan ko sila at parehong piningot ang kanilang tenga.

"Ouch/Aray!"

"Kayo sa susunod na kumuha kayo ng gamit sa kwarto ko papasabugin ko talaga ang kwarto niyo."

"Mga anak tama na yan. Magpahinga na kayo."

Malambing sabi ni mom. Talagang napakahinhin nito at kahit may mga anak na ay parang dalaga pa rin kaya bantay sarado si dad sa kanya.

Ako nga pala si Amen Hailey Saint.

Kahit magulo ang mundong ginagalawan namin ay hindi namin pinapabayaan ang bawat isa.

Makatulog na nga marami pa akong babawiang buhay bukas.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon