10

97 9 0
                                    

Amen's POV

Matapos namin mag-usap ni dad ay agad namin tinawagan ang nagpapanggap na kapatid ko daw upang makipagkita.

Kalmado na si dad pero laging nag-iigting ang kanyang panga. Senyales na nagpipigil siya ng galit.

Pagkarating namin sa isang coffee shop ay agad namin nakita si Divine, sa likod niya ay may mga bodyguards na nakatayo. Kumaway ito sa amin na may malaking ngiti.

"I want to cut her head" bulong kong sabi habang papunta kami ni dad sa mesa niya. Nang makarating kami hinalikan niya si dad sa pisngi.

"Hello papa" sabi niya ay humalik sa pisngi ni dad. Hindi umiwas si dad. Akmang hahalikan din niya ako sa pisngi ng ilayo ko ang ulo ko sa kanya.

"Dont" sabi ko at umupo.

Ngumuso siya at ngumisi. Pinaalis niya ang mga bodyguards niya at nagsimula ng umorder.

"Salamat at nakipagkita ka sa akin papa, gustong-gusto ka na makita ni mama. Alam mo ba lagi ka niyang kinukwento noong bata pa ako. Totoo ngang napakagwapo ng papa ko" masayang kwento niya.

Gustong gusto kong alisin ang nga ngiti niya ngayon. Iniimagine ko kung paano ko siya papatayin, iisa-isahin ko ang mga daliri niya pagtapos ang mga braso at binti niya. Puputulin ko ang dila niya at babalatan ko siya ng buhay. Naeexcite ako sa naiisip ko kaya napangiti ako.

Buti na lang dumating ang mga inorder niya. Agad akong humingi ng malamig na tubig sa waiter.

"Ayaw mo ba ng inorder ko ate?" Tanong ni Divine.

Nagpantig ang tenga ko. Tinawag akong ate ng walang hiyang ito eh mas mukha pa nga siyang matanda sa akin.

"Nawalan ako ng gana sa nakikita ko" sabi ko. Napatingin sa akin si dad. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Papa kailan mo pupuntahan si mama? Miss na miss ka na niya sobra" sabi ni Divine.

Hindi ko alam kung nagpapaawa siya o nangaasar. Ang sarap niya talagang balatan ng buhay.

Tumikhim si dad.

"Maybe tomorrow" sagot ni dad

"That's great paniguradong matutuwa si..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may lumapit sa kanyang tauhan niya at bumulong.

Naibagsak nito ang kanyang tinidor habang nanlalaki ang mga mata.

Nagkatinginan kami ni dad. Weird din pala itong babaeng ito.

"Are you okay?" Tanong ni dad. Kunwari ay concern ito.

"Pa..pa si m...mama wala na" Nagkatinginan ulit kami ni dad. Naguusap kami sa pamamagitan ng mata. Umiling siya at umiling din ako.

Kung hindi si dad ang may gawa nun, sino ?

"Sorry I have to go" nagmamadaling tumayo si Divine pero bago yun hinigit ko ang braso niya.

Niyakap ko siya. Ramdam kong natigilan siya. Kahit nasusuka ako ngayon sa pinaggagawa ko ay kailangan kong magtiis. Hinaplos ko ang ulo niya.

"Ingat ka" sabi ko at lumayo na sa kanya.

Tipid siyang ngumiti at tuluyang lumabas.

"Great! Pagkauwi ko maliligo talaga ako." Inis kong sabi habang natatawa si dad.

"Best acting anak" sabi niya. May binigay siyang plastic sa akin.

Nilagay ko doon ang nakuha kong buhok mula kay Divina.

"Sino kaya ang gumawa nun?" Tanong ni dad habang pauwi na kami. Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam. Nang umalis ako sa unit kanina ay mahihimbing na natutulog ang kambal at si mom.

"Well kung sino man siya dad salamat sa kanya kasi pinadali niya ang plano natin"

***

Rosary's POV

Mukhang kinakalawang na yata ako. Limapung bantay inabot ako ng isang oras. Tsk. Kailangan ko yatang magensayo ulit.

Hawak ko ang kunai ko noong reaper pa ako. Matagal tagal na rin ng huli ko itong nagamit.

Isang kwarto na lamang ang hindi ko pa napapasok sa mansyong ito. Humarap ako sa kulay gintong pinto. Sigurado akong andito na ang aking pakay.

Humigpit ang hawak ko sa kunai ko. Isang babaeng nagsasabing naanakan siya ng asawa ko. Walang hiyang ambisyosa. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang pagbabalat kayo nila ng anak niya.

Sinipa ko ang pinto, bumungad sa akin ag isang babaeng nakahiga sa malaking kama. May mga aparatong nakadikit dito. Sinugod ko ang mga bantay niya at pinugutan ko ng ulo lahat.

Matapos kong ubusin ang mga bantay niya ay nilapitan ko siya.

Talaga nga naman. Buhay pa pala itong babaeng ito.

"Divina" tawag ko dito.

Isa sa mga kaibigan ko noon pati narin ang ina ni Devon. Dati ko pa napapansin na may lihim siyang pagtingin kay Lord. Nawala siya sa araw ng kasal namin.

Nakita kong dumilat siya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

"Kamusta?" sabi ko dito. Umupo ako sa kama at hinaplos ang kanyang braso.

Mmmm... Mmmm... Mmmm...

Tanging ungol lang ang sagot niya.

"Ang dami mong gagambalaing pamilya yung akin pa ang napili mo, talagang ayaw mong tantanan ang asawa ko noh?"

Ungol lang ang sinasagot niya sa akin.

"Eh paano ka naman maaanakan ng asawa ko kung baog ka?" Binaon ko ang kunai ko sa kanyang braso.

Mmmmm.... Mmmm.... Mmmm....

Ungol niya. May luha naring tumutulo sa mata niya.

"Alam mo sayang, tinuring pa naman kitang kaibigan tapos ganito pala gagawin mo, alam kong may gusto ka sa asawa ko noon pa man, di lang ako makapaniwala na aabot sa ganito ang pagiging desperada mo" hiniwa ko ang braso niya pababa sa kamay. Kita na ang laman niya.

Mmmm... Mmmm... Mmm....

"Dahil mabait akong kaibigan di ko na papatagalin ang paghihirap mo" sabi ko.

Hinugot ko ang kunai ko sa kanyang kamay at ibinaon ito sa kanyang noo.

Tunog ng makina na lang ang maririnig sa buong kwarto.

Mabilis akong lumabas mula sa mansyon nila. Lumiko ako sa pangatlong kanto kung nasaan andoon sasakyang ninakaw ko sa parking lot ng condo.

Nagpunas ako ng kamay at pinunasan ko din ang nga tumalsik na dugo sa aking katawan at mukha. Paalis na ako ng may makasalubong akong mga itim na kotse.

Sana magustuhan niyo ang regalo ko.

Nagmadali akong umuwi bago pa ako maabutan ni Amen.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon