11

58 5 0
                                    

Amen's POV

"Mom?" Pumasok ako sa kwarto ni mom. Nakita ko siyang nakatagilid pero napansin ko ang damit na nakasilip sa ilalim ng kama.  Tsk. Tama nga ako ng hinala si mom ang may gawa nun.

Sumampa ako sa kama at niyakap siya.

"I know what you did" sabi ko. Tumawa lang siya at humarap sa akin.

"Kilala mo talaga ako anak. Ayaw mo nun konti na lang ang aasikasuhin mo." Sabi niya. Hinaplos haplos niya ang buhok ko.

Naalala ko si dad, gusto nito makausap na si mom. Kahit ilang araw pa lang ay pareho na silang nangayayat.

Psh.

Panigurado kapag nagkaayos sila magbabakasyon na naman sila sa ibang bansa.

"Mom" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Mmm?" Sabi niya habang hinahaplos haplos pa rin ang ulo ko.

"Miss ka na ni dad, pinapapasok ko nga dito pero umayaw siya. Ayaw daw niyang dagdagan ang galit mo kaya umuwi na lang siya." Sabi ko.

"Huwag niyo na kami problemahin ng daddy niyo, alam kong pati ang kambal nag-iisip din ng paraan para magkabati kami ni Lord. Hayaan niyo papalipasin ko muna ang tampo ko tapos uuwian ko na siya." Sabi ni mom. Tumungo lang ako at tumayo na rin. Kailangan kong silipin ang lagay ng kambal. Medyo nakokonsensya ako, napalakas yata ang pambubugbog ko sa kanila.

"Sige mom puntahan ko lang ang kambal, napuruhan ko yata" sabi ko at lumabas na.

Nang makalabas ako ay agad tumunog ang aking cellphone.

Jaco the pogi calling ...

"Yes"? Sagot ko sa tawag. Pababa ako ng hagdan para pumunta sa kusina ng makasalubong ko si Jesus. Mag isa ito at nanonood sa sala.

"Papasok ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Oo"

Tumango pa ako kahit di niya nakikita, kumuha ako ng strawberry at umupo sa high chair. Tanaw ko si jesus na nakatingin sa akin, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inubos ang pagkain ko.

"Great, ang dami mong kailangan pirmahan at madaming gustong makipag appointment sayo" sabi niya.

Ilang minuto lang kami nag usap tumingin ako sa orasan na nakasabit at nagpasyang maligo na, wala naman akong gagawin pa sa ngayon kaya tatapusin ko muna ang mga naiwan kong trabaho bago gawin ang balak namin ni dad.

Mamayang gabi ko na kakausapin ang kambal.

Jesus's POV

Napatingin ako kay ate ng pababa siya sa hagdan.

Gusto ko siyang makausap patungkol sa nangyari sa kanila ni Kuya Devon pero nang makitang may kausap ito sa telepono ay umatras ako.

Siguro sa ibang araw na lang.

*kriiinng*

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

Di ko na inabalang tignan kung sino ang tumatawag, agad kong sinagot.

Magsasalita pa lamang ako ng mailayo ko agad sa tenga ko dahil sa sumisigaw na babae sa kabilang linya.

"Hoy lalaking master sa pakikipaglandian, anong oras na at wala ka pa dito? Putcha naman pards andito yung chikabebe mo nung nakaraan. Ayaw akong tantanan. Kanina pa ako kinikilabutan dahil dinidikit niya sa akin ang joga niya"

Natawa ako sa sinabi niya.

"At nagawa mo pang tumawa malandi ka! "

Parang napalayo yata siya sa cellphone kasi humina ang boses niya.

"Teka nga lumayo ka sa akin malapit na maubos ang pasesnya ko sayo baka di kita matantsya, may paglalagya  ka talaga"

Sabi niya at narinig ko pang may sumagot na babae sa kanya.

"Ano ba honey, alam ko naman gusto mo din ako eh, wag ka na magpakipot"

Sabi ng babae. Natawa ako naiisip ko kasi ang itsura niya sa mga oras na ito. Paniguradong namumula na siya sa galit. Naririnig ko pa ang kantsaw sa kanya ng ibang tropa.

"YNIEL" sigaw nito. Siya lang ang bukod tanging nakakasigaw sa akin ng ganyan, at siya lang din ang hindi takot sa akin.

Lahat ng babae sa school ay kulang na lang ay sambahin ako pero siya hindi, ibang iba siya. Kahit porma niya ay panlalaki pati ang kilos niya ay babae pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Yes baby?"

Natatawa kong sagot sa kanya.

Umayos ako ng pwesto para makahiga. Naiimagine ko na naman ang mukha niya sa mga oras na ito. Natutuwa ako tuwing napipikon siya sa akin parang ang sarap niya iuwi.

Pinapakinggan ko ang mga reklamo niya sa kabilang linya. Para akong baliw na hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko.

"Ayaw mo talaga akong tigilang babae ka ahh ito ang sayo .......  booogsh"

Narinig kong may lumagabog sa kabilang linya kaya napaupo ako bigla.

Shit!

Napahawak ako sa tagiliran ko ng biglang kumirot.

"Baby what happened?"

May pag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Don't baby me you fucking whore bastard! Wag na wag kang magpapakita sa akin kung ayaw mong matulad sa babae mo! Gago!"

Sabi niya at binabaan ako ng telepono.

Napabuntong hininga na lang ako.

Mukhang dadaan na naman ako sa hirap para mapatawad niya ako. Di bale alam ko naman ang kahinaan niya eh.

Ayaw ko munang pumasok baka ma-turn off sa akin ang baby ko kapag nakita niya ang itsura ko.

Humiga ulit ako para umidlip, nakita ko pang dumating si dad bago ako tuluyang makatulog.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon