12

79 6 1
                                    

Rosary's POV

Tamad akong humiga sa kama para makapag pahinga.

Hinaplos ko ang tiyan ko. Akalain ko bang magkaka-anak pa kami ulit ni Lord. Matagal-tagal din bago namin nasundan ang kambal.

After 16 years may sanggol na naman na binigay sa amin ang may kapal.

Ilang oras din akong nakatulala sa kisame bago ako dalawin ng antok.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may tao sa tabi ko. Amoy pa lang nito ay kilalang kilala ko na.

"Hon, miss na kita" bulong nito.

Ramdam ko ang mga daliri niya na humahaplos sa pisngi ko.

"Ang hirap pala kapag di ko katabi ang babaeng mahal ko, nakakabaliw kapag gumigising akong hindi ko man lang makita ang kanyang mukhang nakakapagpabaliw sa akin, ang kanyang mga ngiti para maging masaya ang gising ko"

Nanginginig ang kanyang boses.

"Para akong walang buhay kapag di kita kasama, kapag malayo ka sa akin, nakakapanghina kasi wala ka sa tabi ko"

Pumipiyok na sabi niya.

Narinig ko ang pagsinghot niya. Ito ang pang limang beses na umiyak siya, na umiyak ang isang Lord Emmett Saint.

Una ko siyang nakitang umiyak ay noong muli niya akong nahanap habang pinagbubuntis ko si Amen, pangalawa ay noong kinasal kami.

Pangatlo ay noong isinilang ko na si Amen, walang sandali na umalis siua sa tabi ko ng mga panahon na iyon, nakita niya kasi kung paano ang hirap ko sa panganganak, pang apat ay noong isinilang ko ang kambal.

Medyo natakot pa kami noon kasi muntik na akong mapahamak dahil habang papunta kami sa hospital ay mga mga armadong sasakyan na humarang sa amin.

At ngayon ang pang lima.

"Sorry Hon, sorry kung nagalit ka. Sorry sa nagawa kong katangahan. Bumalik ka na sa akin asawa ko, sobra sobra na ang pangungulila ko sayo"

Dinilat ko ang mga mata ko pagkalipas ng 10 minuto.

Nakita ko siyang nakayuko habang umaalog ang kanyang mga balikat. Rinig ko din ang minsan niyang paghikbi.

Nakaramdam ako ng awa mula sa asawa ko, alam ko na naman ang lahat at hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. Nagpapalipas lang ako ng tampo siguro dala na rin ng pagbubuntis ko. Kaya medyo nagiging moody ako.

Hindi pa niya alam na nagdadalang tao na naman ako, sigurado akong matutuwa na naman siya kapag nalaman niya.

Hinaplos ko ang buhok na agad niyang ikinalingon.

"H-hon"

"H..hon"

Sabay naming sabi, imbes na magsalita pa siya ay agad agad niya akong niyakap.

Yakap na parang ang tagal kong nawala sa kanya, yakap na pinaparamdam niyang sobrang niya akong minamahal. Gumanti din ako sa yakap niya habang binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Tumabi ito sa akin at hinahalik halikan ang aking ulo habang mahigpit pa rin ang yakap nito na may pag iingat.

"I'm sorry, I am so sorry hon"

Paulit ulit niyang sabi.

Hindi ako sumagot pero lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin na kahit hindi ako nagsalita ay pinapatawad ko na siya.

Halos mag iisang oras na magkayakap kami, ramdam ko ang pagiging kontento ngayong nasa tabi ko na siya ulit.

Namiss ko siya, namiss ko din siya ng sobra.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinuyo ko ang mga luha niya mula sa namumulang mga mata, nagka eyebags din siya at medyo nangayayat.

Pero kahit ganon ay hindi pa rin nabawasan ang kanyang kakisigan. Itong taong ito ang minahal ko at mamahalin ko habang buhay, itong lalaking ito ang ama ng mga anak ko at ito ang pinakamamahal kong kabiyak.

Simula pa noon ay hindi ko naramdaman na nabawasan ang pagmamahal niya sa akin. Araw araw ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kaswerte sa kanya.

Mahal na mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito, at hindi na ako kailanman makakahanap ng isang katulad niya.

Siya lang ang mamahalin ko hanggang sa tumanda na kami at hindi na makalakad, hanggang sa kabilang buhay siya lamang.

Ngumiti ako sa kanya habang hinahaplos ko ang bawat parte ng kanyang mukha.

Napapikit siya at dinadama ang aking haplos.

Kinapa ko ang kanyang labi na nang aakit na matikman.

Agad kong dinampian ng mabilisan kaya napadilat siya.

"Uwi na tayo asawa ko"

Sabi ko na may mga ngiti sa labi.

Tumango tango siya at agad na kinabig ang aking batok para mahalikan.

Amen's POV

"Good afternoon maam"

Bati sa akin ng mga empleyadong nadadaanan ko.

Imbes na batiin pabalik ay nagtuloy tuloy lamang ako sa paglalakad tulad ng kinasanayan ko kaya karamihan sa mga ito at takot daw sa akin kahit naman wala akong ginagawa ayon kay Jacob.

Nilingon ko ang kalapit na elevator kung saan ramdam ko ang mga titig ng ibang empleyado, nang nakita nila akong nakatingin ay mabilis nilang binawi at nagmamadaling sumakay sa elevator.

Sumakay narin ako sa private lift ko. Inalis ko ang aking salamin at tumingin sa aking sariling repleksyon.

Anim na taon na mula ng maging ganito ako, tinutok ko sa trabaho at sa mafia ang aking atensyon mula ng mangyari yun.

Parang kahapon lang kasi ramdam ko pa ang sakit at ang pagtatryador nila. Mula noon ay di na ako naging masaya, miski ang sarili ko hindi ko na kilala minsan.

Ngunit mas naging gusto ko ang sarili ko ngayon, wala na pwedeng manakit sa akin, kaya ko ng proteksyunan ang aking sarili, mas naging malakas at mautak ako kaysa dati.

Inayos ko ang suot kong coat at hinagod ang aking buhok. Hinayaan ko itong nakalugay ngayon, lagi ko kasi itong tinatalian.

Nang makadating ako sa opisina ay nakita kong napatayo si Jaco mula sa kanyang mesa. Sinalubong ako nito at hinalikan sa noo.

Lagi niyang ginagawa yan, hindi naman ako manhid para hindi makita at maramdaman kung ano ang mga kinikilos niya. Alam kong may nararamdaman siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Kung sana lang ay mas nauna ko siyang nakilala ay sana siya ang minahal ko.

Hindi pa ako handa magmahal ngayon, pero alam kong malapit na ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon