3

156 7 3
                                    

Lord's POV

Seeing my daughter standing like a queen makes me proud.

She's nemesis when it comes to bussiness of course she is the ruler when it comes to mafia.

She's feared by many. As so as we, her family. She is not my bubbly princess anymore.

Lahat ng tao dito sa malaking kwarto ay tahimik at talagang pinapakinggan ang kanyang sinasabi. Lalo na ngayon na pinapalibutan ito ng masamang aura. Takot lang nilang hindi siya pakinggan may paglalagyan talaga sa kanila.

"Boss ang ganda talaga niya kahit na may itim na aurang bumabalot sa kanya" natatawang bulong ni Devon sa tabi ko.

Nakikinig kami ngayon kay Amen na nagpapaliwanag ng mga proyekto para sa kompanya.

"Kanino pa ba magmamana yan?" Pagmamalaking sabi ko. Totoo naman she's beyond perfect.

"Kay Tita Rosary?" Sabi ni Devon.

"Yeah she's like her mother." Totoo naman na magkamukha sila ni Rosary, ang aking asawa. Parang magkapatid lang sila kapag magkasama kaya bantay sarado ako sa mga umaaligid sa mag-ina ko.

Nakita kong nakatingin si Devon kay Amen. Halata sa mukha niya ang lungkot at pangungulila para sa anak ko. Ayoko naman makialam sa kanila may mga sariling isip na sila pagdating sa ganitong bagay.

"What do you think dad?" Seryosong sabi ni Amen. Napatingin ako sa kanya at tumungo lang. May tiwala naman ako sa lahat ng ginagawa niya lalo na pagdating sa mafia. Nasa tamang edad na siya kaya pinasa ko na sa kanya ang pamamahala doon. Sa susunod na taon ang kambal naman ang tutulong sa kanya. Sadyang mga isip bata pa ang kambal kaya hanggang ngayon ay sinasanay pa sila.

Nailing na lang ako ng marinig ko ang buntong hininga ang katabi ko. Tinapik ko ang balikat nito at tumayo. Tapos na rin ang meeting. Tumingin ako sa relo ko. Alas kwatro na pala ng hapon. Makauwi na nga miss ko na ang asawa ko.

"Boss pwede bang maiwan na muna ako dito?" Tanong ni Devon habang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sige ikaw na bahala kay Amen baka sumobra ang mapatay niya ngayon." Sabi ko at sumakay na sa kotse.

Sana maayos nila kung ano man ang naging problema nila. Miss ko na ang masayahin kong prinsesa.

***

Amen's POV

Pumikit na muna ako at sumandal sa aking upuan habang hinihintay kong dumating si Jaco. Inutusan ko kasi siyang bumili ng mga chocolates pagtapos ng meeting.

Narinig kong bumukas ang pinto pero nanatili akong nakapikit. Alam ko kung sino ang pumasok naamoy ko kasi ang pabango niya kaya ayokong dumilat.

"Hailey"

Damn! How dare he call me by my second name.

Papalapit ito ng tawagin niya ulit ako.

"Stop!" Sabi ko habang nakapikit.

"Hail-" hinampas ko ang mesa sa sobrang inis ko.

"I said stop calling me Hailey for shit's sake" singhal ko sa kanya.

"Bawal na ba? Pero ang alagad mong kulugo pwede?" Malamig na sabi niya. Siguro tinutukoy niya ay si Jaco. Matagal na silang hindi magkasundo ni Jaco.

"So ano naman sayo?" Napataas ako ng kilay.

"Pwede ba tantanan mo na ako. Ano bang ginagawa mo dito? Umuwi na si dad pero andito ka pa rin?" Sabi ko.

Kinuha ko na lang ang folder at muling binasa. Ayaw kong makita ang mukha niya.

"Sasama ako mamaya" sabi niya.

Natawa naman ako ng pagak. Kung dati ay masaya ako sa tuwing sinasamahan niya ako kapag pumapatay ako pero ngayon ay iba na. Siya na mismo ang gusto kong patayin. Nandidiri ako tuwing magkakalapit kami kahit isang metro lang.

"Sorry pero kasama ko na si Jaco. Just get lost Devon kung pwede ay huwag ka ng magpakita sa akin ay mas mabuti. Gawin mo na lang ang trabaho mo kay dad at huwag kang makikielam sa buhay ko" sabi ko habang nagbabasa pa rin.

"You know I can't do that" sabi niya

"Yes you can at pwede ba tigilan mo ako kasi kahit kailan hinding hindi na ikaw ang papakasalan ko. Mas mabuti pang makipag arrange marriage na lang ako sa iba kaysa sayo." Sabi ko.

Harsh ba? Well hindi niyo naman ako masisisi. Mas okay pa kung si Jaco ang mapapangasawa ko kaysa sa kanya. Kung dati ay lagi kong naiimagine na nasa harap kami ng altar at nagpapalitan ng mga vows ngayon ay hindi na. Hinding hindi na. Tama na ang minsang naging tanga ako. Hindi ko lang maintindihan kila dad kung bakit hanggang ngayon ay nagsisilbi pa siya sa pamilya namin.

"Sa akin ka parin babagsak tandaan mo yan" sabi niya at tumalikod. Bubuksan na sana niya ang pinto ng magsalita ako. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin iyon.

"Mas mabuti pang mamatay ako kaysa makasama ka ulit" malamig na sabi ko. Binalibag niya ang pinto pagkalabas niya.

Kulang pa yan sa ginawa mo. Salita pa lang yan wala pang gawa.

Dinivert ko na lang sa mga papeles ang isip ko. Sa ngayon ay kailangan kong tapusin ang mga ito para maasikaso ko bukas ang mafia. Matagal na rin pala akong hindi nakakapag banat ng buto sa mga tauhan ko.

"Hey may nangyari ba? Nagkabanggaan kami ni Devon kanina. Mukhang masama ang aura niya" sabi ni Jaco nang makapasok sa opisina ko.

Nilapag niya ang dalawang supot ng chocolate at isang choco caramel cake.

Napangiti naman ako at agad na binuksan ang cake. Gamit ang daliri ay kumuha ako ng icing at sinubo.

"Buti naman at nakangiti ka na kanina pang umaga nakabusangot ang mukha mo" natatawang sabi ni Jaco habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at sinumulang kainin ang cake. Mamaya na ung mga chocolates.

Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang mga gamit ko at tinawag si Jaco. Alas sais na pala.

"Let's go I will gonna erase a mafia tonight"

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon