8

62 8 0
                                    

Christ's POV

Fuck!

Ang sakit ng katawan ko.

Napatingin ako sa katabi kong namimilipit din sa sakit. Nakaupo kami sa upuan habang nakatali ang mga kamay at paa namin ng lubid.

Brutal talaga ni ate.

"Bro... Kaya mong pumunta dito? Napuruhan yata ang buong paa ko. Hindi ko kayang tumalon papunta dyan" sabi ko may Jesus.

Di siya nagsalita at nanghihinang pumunya dito habang tumatalon ng nakaupo. Nang makarating na siya ay agad niyang kinalas ang lubid sa kamay ko.

Kinalas ko muna ang lubid sa paa at nanghihinang lumapit sa kambal ko para siya naman ag kalagan ko.

Nang makalaya siya sa pagkakatali ay bumaksak siya una ang mukha.

"Ahhh" ungol niya.

Aray! Kawawa naman ang mukhang iniingatan ng kapatid ko.

"Moron!" Sabi ko sa kanya.

Ang sakit ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay puro pasa ang mga ito. Gumapang ako patungo sa kama ko at humiga. Ganun din ang ginawa ng kambal ko.

"Akala ko sinusundo nako ng liwanag" sabi ng kambal ko na nakatingin sa kisame namin kung saan andon ang ilaw. Napailing ako. Lalo yatang umalog ang munting utak nito. Pikit ang isa niyang mata samantala ang isa ang singkit dahil namamaga ito.

Ayan kasi! Pinikon ba naman niya si ate habang binubugbog kami kaya lalong nagalit sa kanya si ate. Idagdag pa niyang banggitin si Devon kaya ayan napala niya. Buti na lang ako sa katawan lang at hindi sa mukha eh ang kambal ko sa mukha pinuruhan ni ate.

"Bro" tawag ni Jesus. Dinadalaw na ako ng antok ng magsalita ito. Umungol lang ako sa kanya.

"Bakit ganun si ate kapag nababanggit si Devon?" Takang tanong niya.

"Tss. Mahabang storya" sabi ko

"Anong ginawa niya kay ate?" Dagdag pa nito. Di ko na lang siya sinagot at nagpahinga na lang.

Fuck! Mukhang ilang araw na naman akong nakahiga nito.

***

Jesus POV

Mukhang tinulugan ako ng kambal ko. Lilingon sana ako sa kanya ng maramdaman ko ang kirot.

Inangyan!

Bakit sa mukha pa ako pinuruhan ni ate. Paano na lang ang nga chikabebes ko nito.

Pero di ko makalimutan ang mukha ni ate habang binubugbog niya ako ng bigla kong banggitin si Devon sa kanya.

Langya! Anong ginawa ni Devon kay ate para magalit ng ganun si ate sa kanya.

Hmmmm...

Mukhang kailangan kong alamin yun ah. Tumayo ako sa higaan. Di naman masyadong masakit ang katawan ko. Kaya ko pa naman kumilos. Pumunta ako sa banyo at naligo. Shet! Ang sakit talaga ng mukha ko.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng jogging pants at hoodie. Kumuha ako ng face mask para matakpan ang labi kong namamaga at shades para matakpan ang nalalakihan kong mga blackeye.

Maingat akong lumabas ng unit. Alam kong andito si ate. Siguro nasa kusina sila ni mom. Lumabas ako ng tahimik.

May kailangan lang akong malaman.

***

Cross POV

"SINO NAMAN ITONG IMPOSTOR NA ITO?" singhal ko sa tauhan ko matapos kong mabasa ang isang report na nagkakagulo sa bahay dahil may sumulpot daw na anak ng aking anak sa iba.

"Calm down Cross, alam naman natin kaya yan ng anak nating ayusin" sabi ni Holy. Nilapitan niya ako ang hinihimas ang braso ko.

Tumingin ako sa tauhan ko.

"Ano na ang nangyari sa mansyon?" Tanong ko habang nasa tabi ko pa rin si Holy.

"Umalis po sila mam Rosary at ang mga anak niya sa mansyon ang naiwan lang po ay si Sir Lord at sabi po ay walang ginawa daw po ito kundi ang maglasing" nakayukong sabi ng tauhan ko. Sinenyasan ko siyang umalis na.

"Di ko alam na inutil pala ang anak natin Holy" sabi ko sa kanya

"Anong balak mo Cross?" Sabi ng asawa ko.

Tumingin ako sa kanya. Kahit gusto ko pang magbakasyon ay hindi pwede. Ngayon na lang ulit kami nakapagbakasyon ng asawa ko tapos ganito pa ang mangyayari habang wala kami sa mansyon.

"Babalik tayo doon" sabi ko at kinuha ang tungkod ko. "Kung hindi gagawa ng hakbang si Lord para maayos ang pamilya niya pwes ihahampas ko itong tungkod ko para matauhan lang siya" sabi ko.

***

Devon's POV

"Boss" Tawag pansin ko.

"Just call me tito" sabi ni Tito Lord.

Hay! Lagi na lang ganito si Tito. Lagi niyang kaharap ang alak. Tuwing bibisita siya kila Tita Rosary ay umiinom agad siya pagkauwi niya.

"Tama na yan tito" Tumabi ako sa kanya at nangalumbaba sa mesa.

Di niya ako sinagot. Nagsalin pa siya sa baso at binigay sa akin, ngayon sa bote na siya umiinom.

Nagsimula na rin akong uminom hanggang sa makarami kami ay may narinig kaming kalabog.

"Fucking shit!" Biglang tayo ni Tito pero napaupo ulit ito habang sapo ang kanyang ulo.

Nilabas ko ang baril ko habang dahang dahan lumapit kung saan nanggaling ang kalabog.

"Anong meron?" Tanong ni Jesus matapos niya akong makita. Binaba ko ang baril ko at nilagay sa likod ng pantalon ko.

"Anong nangyare sayo?" Tanong ko dito. Mukha kasing ewan. Naka hoodie na naka facemask at shades pa. Lakas ng trip nito ah.

"Binugbog lang ni ate" sabi niya. Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Papunta kami sa sala kung saan si tito naroon.

"Si Hail.. Este si Amen? Bakit?" Sabi ko. Inalalayan ko si tito sa sofa at inihiga. Nakatulog na kasi agad ito.

"Dahil sayo... Ano bang nangyare sa inyo?" Napalingon ako dito. Tinanggal na nito ang kanyang shades at facemask. Laglag panga ako ng makita ang itsura niya. Nakalimutan ko ang tinanong niya. Tumakbo ako sa kusina upang kumha ng icepack at first aid kit.

Agad kong binigay sa kanya ang icepack at ginamot ang sugat at mga pasa niya sa mukha.

"Tell me, ano bang nangyari sa inyo ni ate? Bakit nung binanggit ko lang ang pangalan mo ay bigla na lang nagalit" tanong niya.

Matapos ko siyang gamutin ay sumandal ako sa sofa at pumikit.

"Di ko din alam, sa totoo lang di ko alam. Galing ako sa Macau noon dahil sinama ako ni Tito Lord sa isang convention, then pagbalik ko isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin. Masakit lang kasi di ko alam ang kasalanan ko sa ate mo, tuwing sinusubukan ko siyang kausapin ayaw niyang sabihin kung bakit at lagi din niya akong sinasaktan kasi ayaw niya akong lumalapit sa kanya. 5th anniversary sana namin iyon, ang dami kong plano sa araw na iyon. Balak ko ng alukin ng kasal ang ate mo, pero isang iglap nasira ang mga pangarap ko para sa amin ni Amen" sabi ko

"Third party?" Tanong niya. Binaba niya ang icepack. Umiling ako.

"Alam niyong baliw na baliw ako sa ate niyo, siya lang ang nakikita kong babae sa paningin ko" sabi ko.

Naramdaman kong tumayo si Jesus kaya napadilat ako.

"Dont worry I will help you" sabi ni Jesus at lumakad palabas.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon