4

124 8 1
                                    

"Pang ilan na yun?" Tanong ko kay Jaco habang nililinisan ang hawak kong samurai na puno ng dugo.

"Pang trenta na" sabi niya habang papunta kami sa susunod na target. Medyo malayo ang susunod dahil nasa probinsya.

"Gusto mo bang huwag nang sumama? Kaya ko na naman mag-isa" tanong ko habang nagmamaneho siya. Alas kwatro na ng umaga pero eto pa rin ako nananabik pumatay ng tao.

"Ayos lang hindi mo naman ako papapasukin mamaya sa trabaho diba?" Natatawang tanong din niya.

"Baliw!"

Kinuha ko ang folder at binasa ang mga impormasyon ng mga natitirang target ko. Apat na lang pala sila.

Sumandal muna ako at narinig kong tumunog ang cellphone ko.

"Dad"

"Where are you?" Malamig niyang tanong na nagpakunot ng noo ko.

"Papuntang Batangas po why?"

"Wala na ang Shukara Mafia burado na sila sa mundo."

"Huh? Pero hindi ko pa napapatay lahat may apat pang ...."

"My men told me the news. May tumapos na sa mission mo. Go home it's already morning your mom is worried about you." Sabi ni dad

"Bullshit!" Naibato ko ang cellphone sa dashboard at nanginginig sa galit.

Nangingialam na naman siya sa mga ginagawa ko.

"Hey what's wrong?" Tanong ni Jaco.

"Let's go home I need to kill somebody" malamig kong sabi sa kanya. Inikot niya pabalik ang sasakyan.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinilot ang pagitan ng mga kilay ko. Nanginginig ang nga kalamnan ko sa galit.

Alam ko na kung sino ang nangahas pakielamanan ako pagdating sa ganitong bagay.

Huwag lang siyang magpapakita sa bahay kung hindi doon ko siya mismo ililibing. Ilang beses na niyang pinakialamanan ang mga mission. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kinukunsinti pa rin siya ng pamilya ko pwera lang si Christ na galit din kay Devon dahil siya lang ang dumamay sa akin noon.

Simula noon hindi na siya kinakausap ng kapatid ko.

------

Rosary's POV

"I'm sure Amen is furious right now" sabi ni Lord pagkababa niya ng tawag.

Binaba ko ang librong binabasa ko. Nakita kong may tinawagan ulit ang asawa ko habang papunta siya sa akin.

Siniksik ko ang sarili ko sa dibdib niya ng makahiga siya hinalikan niya ako sa noo at niyakap din.

20 years na pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ng asawa ko.

I'm his reaper pero nagretire na ako ng dumating sa amin si Amen. Every time na kinukwento ni Lord sa mga anak namin kung paano kami nagkakilala ay hindi sila naniniwala.

They can't believe na ako ang pinakamagaling na reaper ng daddy nila noon. Wala daw kasi sa itsura ko at galaw ko na pumapatay ako ng tao. Perfect nga ang tingin sa akin ni Amen lalo na ang kambal dahil minsan ay hindi nila kami nakitang mag-away ng daddy nila pero everyone has its own flaws.

I killed a lot of people before. I smoke and drink. I even tried drugs when Lord left me. I became an untamable women and no one can handle me.

Dumating din sa point na naisip kong magpakamatay. My life was a total mess. Ginagawa ko ng tubig ang alak and then one day someone came and punch me hard on my face.

She even beat me to death ng makita ang ginagawa ko sa sarili ko..

Faith, my bestfriend.

We are the best reaper of the clan. After I found out that I am pregrant to Amen she never left me. Lumayo kaming dalawa sa anino ng mafia. Tinago ko si Amen sa kanyang ama. I changed.

Ilang linggo lang ang lumipas ay nalaman namin na buntis din si Faith. Ang bestfriend ni Lord ang ama ng bata. Pinilit ko si Faith na bumalik para ipaalam na buntis siya pero nung gabing bumalik siya ay halos madurog ang puso ko ng makita ko siyang bigo.

Ang sabi daw ng bestfriend ni Lord na si Duke ay hindi daw sa kanya ang bata at ang mga walang hiya ay may kasama pa daw na mga babae.

Nagpakatatag kami ni Faith hanggang sa sumapit ang araw na pinakaaabangan namin. Sabay namin isinilang ang mga bata. Babae ang akin at sa kanya naman ay lalaki.

Iyon na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ang makita ko ang anak ko.

Nakilala kami ng doctor at sinabing pinaghahanap kami nila Lord at Duke. Pinakiusapan namin na huwag sasabihin kung nasaan kami. Noong una ay hindi namin makumbinsi pero ng makwento namin ang dahilan kung bakit kami nagtago ay pumayag ang doctor.

Umalis kami sa lugar na iyon at lumayo ulit. Madami pa naman kaming natitirang pera mula sa aming mga mission pero hindi magtatagal ay mauubos din kaya nagtayo kami ng negosyo ni Faith.

Lumipas ang isa't kalahating taon ay dumating ang araw na ayaw naming mangyari. Natunton kami nila Lord.

Sinubukan parin namin magtago at lumayo pero hindi na kami nagtagumpay.

Sa loob ng isang taon ginawa nila ang lahat para maayos kung ano man ang hindi pagkakaunawaan. Hanggang isang araw hindi na nila kami pinakawalan. Sabay pa rin ang araw ng kasal namin ni Faith. Di nagtagal ay umayos na ang pagsasama namin ni Lord bilang pamilya. Sobra ang sisi niya sa pagiiwan sa akin, sa amin ng anak niya.

Masaya na kami ni Faith sa buhay namin bilang isang may bahay pero lahat yata ng kasiyahan ay may kapalit.

4 na taon sila Amen at Devon ng mapatay sila Faith at Duke sa isang ambush. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa mega noche ng malaman namin ang sinapit nila Faith. Imbes na magsaya kami ay nagluksa kami sa kanilang pagkamatay lalo na si Devon. Laking pasasalamat ko ng maiwan si Devon sa akin dahil ayaw siyang paalisin ni Amen kundi pati siya ay nadamay.

Simula ng araw na yun ay kinupkop ko na si Devon. Tinuring parang tunay na anak. Habang dumadaan ang araw at buwan ay nakikita ko ang pagiging malapit sa isa't-isa nila ni Amen.

"Devon huwag ka munang umuwi dito. Papunta na si Amen para patayin ka." Sabi ni Lord habang kausap si Devon sa telepono.

"Makinig ka hijo hindi magandang sabayan mo ang galit ng anak ko baka... Shit!" Hinilot ni Lord ang sentido niya.

"Pupunta pa rin siya?" Tanong ko habang patayo ako.

Kailangan kong maghanda sa ano man ang magagawa ng anak ko. Alam kong kaya niyang patayin ngayon si Devon dahil sa galit niya.

Pinalitan ko na ang pantulog ko na suot at ganun din si Lord.

Bumaba na kami para maghintay kung sakaling dumating sila.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon