7

75 8 3
                                    

Jesus POV

Hay !

Sumalampak ako sa sofa. Nakita ko si Christ na may dalang tray, tatlong araw nang nakakalipas mula ng nangyari yun at mula noon ay hindi pa kumakain si mom at nagkukulong lang ito sa kwarto.

Laging andito si dad para kay mom pero hanggang pinto lang siya. Si ate naman ay tuwing gabi lang pumupunta dito, sa kabilang unit lang ang kanyang condo. Malamig din ang turing niya kay dad, na sa tuwing nagkakaabot sila dito ay parang hangin lang si dad sa kanya. Sumasagot naman siya tuwing magtatanong si dad pero di man lang ito tinatapunan ng pansin.

"How's mom ?" Tanong ko kay Christ. Umupo ito sa tabi ko at sumandal din.

"Di na naman siya kumain. Ang putla na niya" sabi ni Christ

Napabuntong hininga ako.

"Anong pwede natin gawin kambal? Si ate busy yun sa kompanya, si dad naman di pinapansin ni mom si Jaco naman inaalalayan si ate si Devon nam.."

Di ko na natuloy ang sinasabi ko ng ibagsak ni Christ ang kamay niya sa mesa.

"What the hell bro! Devon is out of the picture bakit kailangan pa niyang makisali dito!" Kita ko ang mga ugat ng aking kambal sa kanyang leeg.

Alam kong galit siya, minsan ko lang makita ang kakambal kong ganito. Nagiging ganito lamang siya kapag napaguusapan o nababanggit si Devon. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang sama ng loob para kay Devon.

"Wait bro! Chill ka lang pati ba naman tayo mag aaway pa?!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nakita kong pumikit siya at umiling senyales na pinapakalma niya ang kanyang sarili.

"Huwag mong isali si Devon dito, I just hate that man to the moon and back" sabi niya.

"Matanong nga kita kambal, bakit ba ang laki ng pagmamahal este galit mo kay Devon?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakita kong sumama ang tingin nito sa akin, tinaas ko na lang ang dalawa kong kamay tanda ng aking pagsuko.

"I just dont forget what he did on ate, palibhasa wala ka noon dahil busy ka sa pagbaon sa babae mo. Tsk" sabi niya at inikot pa nito ang kanyang mata 360 degrees.

Seriously?!

Ang kakambal ko marunong umirap?!

"Bakla kaba bro?" Natatawang tanong ko pero tumigil ako sa pagtawa ng makitang beastmode na siya.

Agad niyang kinuha ang pigurin sa tabi niya at mabilis na ibinato sa akin.

Buti na lang nakaiwas ako kundi sapul ang maganda kong mukha. Dumampot ulit ito ng pigurin at inihagis sa akin.

"Oi oi biro lang bro labyu" sabi ko habang umiiwas sa mga binabato niya.

Lagot kami kay ate nito, siguradong mukha lang namin ang walang latay nito.

"Sinong bakla?" Sigaw niya. Kumuha ito ng kutsilyo sa kusina at pinaghahagis sa akin.

"Bro biro lang, tama na yan! Aray! Tama na kambal! Mom si Christ inaassasinate ako!" Sigaw ko. Kumuha ako ng throw pillow at ginawa ko itong panangga sa mga kutsilyong nagliliparan.

"WHAT THE FUCK!" Tumigil si Christ sa pagatake ng marinig niya ang sigaw mula sa pinto.

Pareho kaming nanigas sa tinatayuan ng makita namin kung sino ang dumating.

Oh oh!

"GO TO YOUR ROOM. NOW!" Sigaw ni ate

Agad kaming tumakbo ni Christ sa kwarto habang nagsisisihan.

***

Amen's POV

Damn!

Ang gulo ng buong unit.

"Chill Amen, let me clean this mess" sabi ni Jaco habang tintulak ang ng mahina papunta sa sofa. Inupo niya ako doon at hinubad ang aking stileto. Hinilot niya ang aking paa habang nakangiting nakatingin ito sa akin.

"Thanks Jaco" ngiting sabi ko sa kanya.

"Anyting for you Amen" sagot niya.

Napapikit ako. Naging busy ako this past few days dahil nagkagulo ang board of members dahil na rin sa isyu ni dad. May mga nababahala na maapektuhan ang kompanya dahil sa isyu kaya inayos ko muna iyon. Sa ngayon ay medyo kumalma na sila, si mom naman ay di pa rin kumakain hanggang ngayon.

"Jaco" tawag ko dito. Hininto nito ang pagmasahe at bumaling sa akin.

"Imbestigahan mo si Divine, lahat lahat gusto kong malaman" sabi ko. Tumungo lang ito at binaba ang mga binti ko.

"Sige, maglilinis muna ako bago ako maghanap ng nga impormasyon sa kanya." Sabi niya.

Pumikit ulit ako at iidlip kahit sandali. Ngayon ko naramdaman ang pagod at puyat nitong mga nakaraang araw.

Magpapahinga muna ako bago ko harapin ang dalawang bubwit na yun.

***

Still Amen's POV

Nagising ako na nasa kwarto na ako. Uminat  ako at dumiretso sa banyo para makapagshower. May kwarto din ako dito. Mamaya na lang ako uuwi sa kabilang unit para gawin ang iba kong inuwing trabaho. Sa ngayon ay aasikasuhin ko muna ang pamilya ko.

Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako sa sidetable at nakita ko ang isang note.

Be right back, -Jaco pogi

Napailing na lang ako at nagsuklay. Nakashorts at sando lang ako. Hinayaan ko lang ang buhok kong nakalugay. Di na rin ako nagblower. Lumabas ako at nakitang maayos na ang buong unit.

Pumunta muna ako sa isang kwarto dito at kumuha ng mga gamit bago pumunta sa kambal.

Dalawang lubid lang ang kinuha ko at dumiretso na ako sa kwarto ng kambal.

After 10 minutes ...

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si mom na nasa tapat ng pinto.

"Kanina pa ako nakakarinig ng mga kalabog, may nangyari ba?" Tanong ni mom.

Umiling ako at ngumiti kay mom. Inakay ko si mom paalis doon. Pero bago kami makaalis ay narinig namin ang nga ungol na nagmumula sa kwartong pinanggalingan ko.

"H..help"

"Some...body h...help us"

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon