9

63 7 0
                                    

Amen's POV

Andito kami sa kusina ni mom. Buti na lang talaga at napilit ko siyang kumain. Naawa akong tignan si mom ngayon, bukod sa pumayat ito ay namumutla pa siya.

Nagluto ako para makakain si mom. Tulala lang siya habang hinihintay maluto ang pagkain.

Badtrip si dad, kung bakit haggang ngayon ay hindi pa siya gumagawa ng hakbang para malutas ang problema. Hindi naman ako galit kay dad, siguro hindi ko kayang magalit ng matagal sa magulang ko. Tampo na lang ang nararamdaman ko sa ngayon.

Nang makitang kumukulo na ang niluto ko ay pinatay ko na ang apoy at nagsalin sa isang mangkok para kay mom.

"Mom you must eat, paano mo haharapin si dad kung wala kang lakas" paglalambing ko dito.

Hindi man kumibo si mom ay nagsimula naman siyang kumain. Kumuha din ako ng prutas sa ref at binalatan. Naramdaman kong may lumabas ng pinto. Di ko na sinilip kung sino pa iyon alam ko naman si Jesus lang yun. Imposibleng si Christ yun eh halos malumpo na iyon sa ginawa ko.

"Amen ito na yung pinapagawa mo sa akin" biglang sumulpot si Jaco sa kusina at pinakita ang isang folder. Humarap siya kay mom at binati ito.

"Magandang araw po Tita" bati ni Jaco. Tumango lang si mom  at nagsimulang kumain ulit.

"Mom sa sala lang kami" paalam ko.

Kinuha ko kay Jaco ang folder at binasa iyon. Mga impormasyon iyon tungkol kay Divine at sa nanay nito.

Tsk. Sana kapag gumawa sila ng eksena siguraduhin nilang walang butas. Tsk tsk tsk. Mga walang hiya. Maling pamilya ang kinalaban nila.

Nilapag ko ang folder at nakita kong nakatingin lang sa akin si Jaco. Agad naman akong tumikhim para kunin ang atensyon nito. Tumingin lang ito sa bintana, nakita kong namumula ang tenga niya hanggang leeg.

"Anong problema Jaco? Namumula ka, naiinitan kaba?" Tanong ko.

Humarap ito ulit sa akin at nakita kong pinasadahan ako ng tingin nito sa aking katawan.

"Talaga bang g...ganyan ka manamit kapag n...nasa bahay ka l...lang?" Nauutal na sabi nito.

I smirked. Natatawa ako sa reaksyon niya.

"Why? Hindi ka pa ba nakakakita ng mga babaeng ganito ang suot?" Inasar ko siya. Nakita kong paggalaw ng kanyang adams apple.

"H...hindi pa" sabi niya.

Nagulat ako. Itong mala adonis na lalaking nasa harap ko ay hindi pa nakakakita ng babaeng naka shorts at sando lang?

"Seriously Jaco?! Hindi ka pa ba nakakapunta sa mga bar o beach?" Sabi ko na medyo natatawa

"Alam mo naman na hindi ako mahilig dyan" nakapout na siya ngayon.

What the hell! Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Jaco.

"Okay okay okay" natatawang sabi ko. "Ngayon ko lang nalaman yan Jaco"

Narinig kong bumulong siya pero di ko na pinansin. Tumayo ako ay inaya siyang kumain. Nakasalubong pa namin si mom na palabas ng kusina.

"Sa kwarto lang ako" sabi ni mom

"Sige po" sabi namin ni Jaco.

***

Meanwhile ...

Cross POV

Quiet.

One word to describe the mansyon.

Kahit ang mga ilaw sa kwarto ng mga apo ko ay nakapatay.

Hinawakan ni Holy ang kamay ko. Nakita kasi niyang napahigpit ang hawak ko sa tungkod ko.

"Relax, tara pumasok na tayo" malumanay na sabi ng asawa ko. Pinikit ko lang ang nata ko at huminga ng malalim bago nagsimulang umakyat sa mga baitang papasok sa mansyon.

"Now I regret it kung bakit isa lang ang naging anak natin" sabi ni Holy habang naglalakad kami.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

"I cant afford to lose you kaya ganun" sabi ko. Nakita kong ngumuso lang ito kaya natawa na lang ako.

Noong pinanganak niya kasi si Lord ay muntik na syang mawala sa akin. Masyadong mahina ang katawan niya magbuntis kaya ako mismo ang nagpasya na isa lang ang maging anak. Wala naman sa akin yun basta andyan siya sa tabi ko. Buti nga ngayon ay madami akong apo. Doon na lang bumawi si Lord sa amin. Ang sabi kasi namin ay dapat bigyan niya kami ng madaming apo.

Speaking of Lord, pagkapasok namin ay namita namin natutulog ito sa sofa.

Agad nandilim ang paningin ko, imbes na suyuin niya ang kanyang pamilya ay andito siya natutulog lang. Papalapit na sana ako sa kanya ng biglang magwala si Holy.

"You bastard, how dare you! Natutulog ka lang dito!" Sugod ni Holy sa kanyang anak.

Napabalikwas naman si Lord at agad tumayo. Kumuha naman ng nga gamit ang aking asawa at pinagbabato sa anak namin.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan, suyuin mo na ang mag-iina mo!" pagwawala ni Holy habang binabato niya si Lord.

"Ma tama na yan! Pa pigilan mo naman si Mama" sabi ni Lord.

"Subukan mo lang makialam dito Cross" sigaw ni Holy. Tinaas ko lang ang dalawa kong kamay at natawa sa harap ni Lord.

Bahala ka sa buhay mo. Feel the wrath of your mother. Hahaha

***

Kinabukasan ...

Maagang pinuntahan ni Amen ang kanyang dad sa mansyon. Naabutan pa niyang nakakape si Devon.

Ayaw man niyang kausapin ito at wala siyang choice kundi itanong kung nasaan ang kanyang daddy.

"Si dad?" Maikling tanong niya dito. Nakataas pa ang isang kilay niya.

"N...nasa library" sagot ni Devon at iniwas nito ang tingin kay Amen.

"Tsk jerk" sa isip ni Amen bago niya talikuran si Devon at umakyat sa taas para puntahan ang kanyang ama para makausap ito.

Amen's POV

Hindi na ako kumatok, basta na lang ako pumasok. Nakita ko si dad na napatingin sa akin. Nakaharap ito sa laptop nito habang nakakunot ang noo.

"A...men" sabi dad habang palapit sa akin.

Bigla niya akong niyakap at umiyak sa ulo ko.

"I...im sorry" sabi niya. Napakagat labi na lang ako. Ngayon ko lang nakita siyang ganito. Yung tampo sa puso ko agad na nawala dahil sa pag iyak ni dad.

Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Dad" Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti.

"Im sorry anak" tumango lang ako.

"You're forgiven dad, alam niyo naman di ko kayo matiis eh daddy's girl kaya 'to" oo totoo. Spoiled ako kay daddy kaya nagtampo ako noong nasigawan niya ako.

"Ang kambal?" Tanong ni dad.

"Andun sa condo, hindi iyon makakakilos ng maayos tinuruan ko ng leksyon" sabi ko. Kumunot ang noo niya tila ba nagtatanong kung bakit pero umiling lang ako bilang tugon.

"How's your mom?" Tanong niya ulit. Umupo na kami.

"Kahapon lang siya kumain at lumabas ng kwarto. Pumayat at pumutla siya ngayon dad" sabi ko. Napahapas ito sa mesa.

"Bullshit!" sinabunutan pa nito ang sarili niya at napahilamos.

"Dont worry dad tutulungan kita kay mom pero ngayon may dapat muna tayong pagplanuhin" tumungo ito at sinabi ko na sa kanya ang plano ko.

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon