5

87 9 6
                                    

Devon's POV

Agad akong pumunta kila Hailey matapos kong mapatay ang natitirang miyembro ng Shukara Mafia.

Kakatawag lang ni boss at sinabing hindi ito ang tamang panahon para sabayan ang galit ni Hailey pero hanggang kailan pa ako dapat maghintay para harapin niya ulit.

Gagamitin kong pagkakataon ito para makausap siya at para maayos ang galit niya sa akin.

Panay ang tawag pa rin sa akin ni Tita Rosary pero hindi ko sinasagot tsaka na lang ako hihingi ng tawad kapag nakapunta na ako doon.

Tanaw ko na ang mansyon at nakita ang kotse ni Hailey na naka parada sa labas.

Hinanda ko ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng mansyon.
Pagkapasok ko ay tunog ng kubyertos ang bumungad sa akin.

"Sino ka para makielam sa mga ginagawa ko?" Sabi ni Amen

Binaba nito ang mga kubyertos at nagpunas ng bibig.

"Honey calm down please"
Hinawakan siya ni Tita Rosary sa kamay ay nangungusap na tumingin dito.

"Don't worry mom, kalmado pa ako sa ngayon depende na lang kung ano ang isasagot niya" sabi ni Amen.

Uminom ito ng tubig.

"We will leave the three of you, pakiusap lang huwag niyong sirain ang mga gamit dito kung ayaw niyong magalit ang lola mo Amen, your mom needs to sleep. Devon ikaw na ang bahala at Jaco thank you for being always on Amen's side." Sabi ni Tito Lord

Inalalayan nito si Tita paakyat. Doon ko lang napansin si Jaco na nakaupo sa dulo ng kusina.

"Doon muna ako sa kwarto ni Christ." Sabi ni Jaco. Humalik muna ito sa noo ni Amen bago umakyat.

Napayukom ako ng kamao. Gusto ko siyang habulin at paulanin ng kamao sa mukha pero di ko magawa dahil sa isang pares ng mata na ramdam ko ang nakamamatay nitong titig sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko, sino ka para makielam?" Sabi ni Amen.

Ramdam ko ang pagtitimpi nito.

"H..hail......"

Di ko natapos ang sasabihin ko ng ihagis niya ang tinidor sa mukha ko. Buti na lang at mabilis akong umiwas.

"Dont.you.fucking.call.me.by.my.name"
Tumayo ito at unti unting lumapit sa akin.
Ito ang hinihintay ko, ang magkalapit kami kaya hindi na ako umatras at hinintay siyang makalapit.

"I just want to help you" sabi ko

Tumalon siya ng bahagya at sinipa ako sa dibdib napaluhod ako habang hawak ko ang dibdib ko. Masakit pero titiisin ko.

"Hindi ko kailangan ng tulong lalo na kung galing sayo" sabi niya at sinampal ako ng malakas.

"Sa susunod na pakielamanan mo pa ako di na ako magtitimpi." Sabi niya at tumalikod pero hinablot ko siya at kinulong sa mga bisig ko.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit tayo humantong sa ganito?!" Di ko napigilan ang sarili ko at sumiksik ako sa kanyang leeg.

Umiiyak ako sa harap ng nagiisang taong minahal ko ng sobra. Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganito. Nakakabaliw isipin kung ano ba ang nagawa ko kung bakit siya nagbago, kung bakit nagbago ang lahat sa isang iglap.

"Bitawan.mo.ako" may diing sabi niya pero di ko sinunod. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Ito lang ang nakikita kong paraan para kausapin mo ako, kaya kita pinapakielamanan kasi doon mo lang ako napapansin. Doon mo lang napapansin ang presensya ko. Doon mo lang ako kinakausap"

"Wala na tayong dapat pag usapan pa Devon kaya bitawan mo na ako habang may pasensya pa ako sayo." sa halip sa sundin ko siya ay sinulit ko muna ang pagkakataong mayakap ulit siya.

***

Amen's POV

Sa halip na itulak siya ay hinayaan ko muna siyang yakapin ako. Aaminin kong nangungulila din ako sa kanya pero ayokong malaman niya iyon. Ayoko na ulit mahalin siya. Masakit lang sa dibdib at natatakot na ako, natatakot ulit akong  madurog. Minsan na niya akong dinurog at hindi ko ulit siyang hahayaang gawin sa akin ulit iyon.

Akmang itutulak ko na siya ng marinig namin si Jesus.

"Ayie! Muling ibalik na ba ito ate Amen ?!" Sabi nito na may pangungutya sa kanyang sinabi.

Tuluyan ko ng tinulak si Devon mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap si Jesus na pababa ng hagdan. Nakatingin ito kay Devon na may malaking ngisi sa labi at baba taas ang kanyang dalawang kilay na animoy natutuwa sa kanyang nasaksihan.

Napatingin din ako kay Devon na pinapantayan ang ngisi ng kapatid ko. Simula pa lang ay malapit na silang dalawa sa isa't-isa. Kaya di na ako magtataka kung bakit gustong-gusto ni Jesus si Devon para sa akin.

Inirapan ko si Devon at humarap sa aking kapatid.

"Shut up you little punk" sabi ko at nilagpasan siya. Paakyat na sana ako sa taas ng may maramdamang may mga tao sa labas.

Agad na bumaba sila Christ at Jaco. Si dad naman ay lumabas din at maingat na sinara ang pinto nila.

"Those bastards! They will pay kapag nagising ang mommy niyo!" Sabi ni dad

Naka boxers lang ito at sando.

Sumenyas na ako sa kanila at pinatay na nila ang mga ilaw.

Pinakiramdaman muna namin ang paligid. Nakita kong umakyat si dad at ang kambal sa itaas. Si Devon at Jaco naman ay naghiwalay ng direksyon.

Sumadal ako sa pader sa tabi ng bintana at sumilip sa labas. Nakita ko ang mga anino na mabilis ang mga kilos.

Ang lalakas naman ng mga loob nila na lusubin kami sa aming bahay. Di ba nila alam na malapit ng maging sementeryo itong mansyon namin dahil sa dami ng mga taong namatay dito dahil pinagtatangkaan nilang patumbahin ang aming pamilya. Akala nila siguro ay madali lang kaming mabubura dahil walang bodyguards dito sa mansyon. Lahat ng tauhan namin ay nasa isang village malapit lamang dito.

Narinig kong tumunog ang aking hikaw. Ginawa ito ni Christ lahat kami ay merong ganito. Nagsisilbi itong komunikasyon namin. Pinindot ko ito at narinig ko anv boses ni dad.

***

Lord's POV

Pinindot ko ang suot kong hikaw. Habang nakasilip ako sa bintana mula sa kwarto namin. Alam kong naririnig na nila ako ngayon.

"Kill them my children. Whatever happens don't let them disturb my sleeping queen or they will suffer my own homily"

The Saint'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon