Friday night ngayon, may gig sila Lans sa bar niya. May sasabihin sana ako kaso hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Pero kahit anong mangyari kailangan kong pumunta at siguradong hahanapin ako nun, hinihintay ako nun.. Ayan na nga at nagtext na.
Toot toot (tunog yan ng text message bawal ang kontra)
*from my Lans*
----->love, saan ka na? Malapit na po kami magstart, ingat ka po ah, love much! See u later:)
Oh di ba ang lambing niya, mareplyan na nga
*to my Lans*
----->love, papunta na po, opo magiingat po ko, goodluck! Love much too! See u soon
Love ko naman talaga si Lans, mabait, matalino, maganda, malambing, perfect girlfriend. Pinapangarap ng bawat lalake, kaya nga madami ako karibal sa kanya, kaya lang ewan ko ba parang nabawasan mula ng makilala ko si Rhianne. (ehem, kurt.. Baka gusto mo muna magpakilala bago ka magkwento?.. Baka lang naman gusto mo) ay teka nga, oo nga pla hindi pa ko nagpapakilala.. By the way highway, ako nga pla si Kurt Lawrence Alonzo, varsity ako ng lawn tennis, magaling din ako ng basketball pero mas nahilig ako sa lawn tennis dahil kay Lans, varsity kasi siya ng table tennis ng campus namin. Well, hindi naman sa pagmamayabang gwapo po ako ( grabe lang kurt signal number 4? Hawak ka sa tenga mo baka liparin ka ng hangin, hehehe) ms. Author pwede huwag ka muna kontra jan, pwede? (sabi ko nga db tatahimik na) wala kang sinabi, wala ms. Author.. Okey, back to reality, gwapo, mayaman, matalino, perfect boyfriend---->K-U-R-T ako yun! Maka punta na nga sa bar.
Kinuha ko ang red na porsche carrera GT sumakay na ko at nagdrive papuntang bar, pagdating ko nasa stage na sila at malapit nang magumpisa. Pansin ko lang kapag may gig sila laging madaming tao dito sa bar majority pa ang lalake tapos madalas unang napupuno yung mga table sa harap, well buti na lang laging reserve yung table sa gitna sa harapan kaya laging may place.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
pa vote naman oh, comment na din kayo pretty please!
Kamsahamnida!