Dan's POV
Hindi kami pumasok ng grupo kaya tumambay na lang kami sa bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita kong peklat sa braso ni lans, alam ko ang peklat na yun, kaparehong kapareho nung peklat ni red jaguar. Pero impossibleng si lans yun, nakita ko kung paano gumalaw si red jaguar para siyang lalake at napakabilis niya. Pero sa nakita kong galit sa mga mata ni lans kanina para siyang yung mga mata ni red jaguar. Siya nga kaya si red jaguar?!
Waaaaahh! Mababaliw na ko! Hindi ako makatulog sa kakaisip tungkol kay lans at red jaguar!
***knock! Knock!****
Ano ba yan gabi na may kumakatok pa! Naman oh! Nagiisip pa ko dito! Istorbo naman! Tumayo ako at binuksan yung pinto!
O____O----> ako yan
Dan: Ma!?! Anong ginagawa niyo dito?!
Mama: masama na ba umuwi sa sarili naming bahay?
Dan: ha?! Eh, hindi naman kaso kailangan pa kayo dumating?!
Mama: ngayon lang..
Dan: bakit bigla kayong napauwi?
Mama: kailangan ba may dahilan?
Dan: hindi pero...
Mama: wala ng pero pero... Matulog ka na at may party pa tayong pupuntahan bukas ng gabi.
At sinara ng aking nanay ang aking pintuan.. San nanaman kaya kami pupunta bukas ng gabi?! Naman oh! Bigla bigla na lang dumadating ng walang pasabi! Makatulog na nga!
Zzzzzzzzzzz......
Lans' POV
Gabi na pero hindi pa din ako makatulog, ewan ko ba ang dami kong iniisip, si jaime, si dan ah ewan!
******knock! Knock****
Sino kaya to?! Gabing gabi na!
Pagbukas ko ng pinto..
Lans: oh! Bakit gising ka pa?.. Gabi na ah!
Noel: nagsalita ang Gising... Ikaw din naman ah gising ka pa!
Lans: hindi ako makatulog
Bumalik ako sa bed at humiga, pumasok si noel humiga din sa tabi ko, ginawa niyang unan yung dalawang kamay niya..
Noel: matulog ka na, gabi na!
Lans: kanina ko pa sinusubukan kaso ayaw talaga matulog ng utak ko (tapos nagpout ako)
Noel: tigilan mo! Pangit mo!
Lans: tokwa naman toh! Magbrake ka naman!
Noel: sa pangit ka naman talaga eh!
Lans: oo na noel! Ikaw na gwapo!
Noel: talaga! Matulog ka na! Lalo ka pumapangit laki na ng eyebags mo!
Lans: yabang mo!
Noel: mahal mo naman!
Lans: ikaw na panalo!
Noel: ang kulit! Matulog ka na! Ikaw na pinakapangit na birthday celebrant bukas!
Natahimik ako sa sinabi niya.. Oo nga pala birthday ko bukas nakalimutan ko na.. Haaay, tapos wala pa sila kuya, mama at papa.. Kalungkot! Buti na lang nandito si noel.. Kahit papano may kasama ako!
Noel: oh! Higa na!
Napangiti ako sa ginawa niya kasi tinanggal niya sa pagkakaunan niya yung kamay niya tapos inunat niya yung isa at inalok na unan ko.. (hirap iexplain.. Ganito ang position namin, ginawa kong unan yung right hand niya.. Di ba nga nung humiga siya ginawa niyang unan yung mga braso niya? Tapos ngayon tinanggal na niya yung pagkakaunan sa braso niya, bali yung kanang braso niya ginawa kong unan tapos hawak nung kaliwang kamay niya yung kanang kamay ko.. Gets niyo?! Paki imagine na lang)
Noel: hoy! Ngiti mo 360degrees!
Lans: hindi kaya!
Noel: matulog ka na! Masyado nang halata na namiss mo ko!
Lans: nagsalita ka jan! Kala mo naman hindi ako namiss!?!
Noel: oo na namiss na kita! Matulog ka na nga! Ayan na nga unan mo oh!
Lans: alam na alam mo talaga yung unan ko ah!
Noel: natural! Alam ko naman na makakatulog ka lang kapag naguunan ka sa braso ko!
Lans: oo na! Ikaw na! Matulog ka na din!
Noel: kanina pa ko nakapikit! Ingay mo! Tulog na!
Lans: oo na po..
Buti na lang talaga nandito si noel, atleast pakiramdam ko safe ako, nawawala lahat ng nasa isip ko.. Alam pa rin pala niya na mas makakatulog ako ng mahimbing kapag naguunan sa braso niya! Pero pansin ko lang nagmature katawan niya.. Ang dami niyang muscles kumapara dati, napakalaki ng pinagbago niya mula nung huli kaming nagkita,
Noel: lans, matulog na! Tigilan mo mga muscles ko!
Lans: tulog ako! Wag ka magsalita!
Noel: may tulog na pa lang nagsasalita ngayon!
Kainis! Hinampas ko nga siya sa tyan niya!
Holy crap! Puro abs nasalat ng kamay ko!
Noel: ano ba?! Matulog ka na! Tigilan ang abs ko! Akin na nga yang kamay mo! Pikit na!
Kinuha niya ulit kamay ko, hawak hawak niya kanina di ba.. Tapos ayun hinawakan niya ulit tapos
Zzzzzzzzzzzzzzzzz
Noel's POV
Alam kong hindi pa natutulog si lans, kilala ko siya alam kong magiisip ng magiisip yun tungkol kay jaime at dun sa leader ng red dragon.. Nakita ko kung paano niya sisihin ang sarili niya sa pagkawala ni jaime, nakita ko din kung paano siya nalungkot kanina nung sinabi kong red dragon ang kaharap namin. Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya habang kausap niya yung leader nila, alam kong may gusto si lans sa kanya.. Gusto ko siya protektahan mula sa kanila pero pagdating sa puso hindi ko na siya mapoprotektahan dun..
Inalok ko yung kanang kamay ko para pagunanan niya, kilala ko yan makakatulog lang yan ng mahimbing kapag naguunan sa kamay ko o kaya may yumayakap sa kanya.. Yung mararamdaman niya na okey lang lahat na matulog lang siya..
Mukhang tulog na siya, tinignan ko siya, at kitang kita kong may tumulong luha sa mata niya. Nasasaktan siya, isa sa pinaka ayaw niya ang pagiiyak kasi para sa kanya kahinaan ang pagiyak, huling beses ko siyang nakitang umiyak nung 7 years old siya at 6 ako, yun yung time na naalala niya si thon-thon, yung batang kalaro niya dati tapos after nun pinangako na niya sa sarili niya na hindi na ulit siya iiyak dahil kahinaan lang yun, nung namatay si jaime never ko siyang nakitang umiyak pero ramdam kong sobrang nasasaktan siya at napakalungkot niya.
Habang tinitignan ko siya kitang kita ko ang isang mala anghel na mukha, para siyang isang mamahalin na bagay na nakakatakot hawakan dahil anytime pwede siyang mabasag, habang tinitignan ko siya hinigpitan ko pa lalo yakap ko sa kanya ewan ko ba, lalo ko siyang gustong ingatan.. Kahit ganyan yan, mahal ko yan at iingatan ko siya!
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Awwww! Ang sweet ni noel!
Kung my typographical errors sa mga chapters ko gusto kong humingi ng sorry kasi hindi ko na ineedit diretso post na ko.. Sorry ah
Thank you sa mga nagbabasa! Salamat din sa Pagcomment at pagvote!
Lovemuch! Mwuuaaah! Mwuaaah!