Someone's POV
Friday night ngayon at bar night, kung saan may magandang bar doon kami madalas pumunta kaya ibat ibang bar pinapasok namin, kasama ko nga pla barkada ko. Si nico, Alvin at Nathan as usual inom mode. Ang daming tao sa bar na to karamihan pa nga lalake nakakita kami ng magandang pwesto malapit sa stage at mukhang may bandang kakanta naghahanda kasi sila. Pero wala akong pakialam kahit ano pang gawin nila basta kami iinom. At as usual si Nico naghahanap na ng babae.
Si Nico Mendoza yan ang chick boy samin, ang dahilan niya arranged marriage. Kasi alam niyang dadating yung time na ipapakasal siya ng parents niya sa babaeng hindi niya kilala at hindi niya mahal. Mayaman yan, madami silang business at nagiisang anak, kaya ganyan lahat ng oras inuubos sa babae. Pero matalino yan, gwapo at mabait na kaibigan. Kahit babaero yan lagi pa rin kaming inuuna niyan. Ibang klaseng babaero yan, hanggang halik lang yan kapag more than na dun ang gusto ng babae iniiwan na niya para kasi sa kanya ibibigay niya lang ang virginity niya sa babaeng mamahalin niya.
Alvin Lopez, siya ang the voice namin sa barkada, well lahat naman kami magaling kumanta pero meron at meron talagang pinakamagaling at siya yun. Matalino,mayaman at gwapo hindi yan chick boy. Puro ngiti lang yan sa mga babae pero hindi siya pumapatol may dahilan daw siya kaya siya ganon ayaw naman niya sabihin pero ang hula ko may mahal siya dati pa kasi may nakita akong mga pictures ng babae sa wallet niya at nahuli ko siya minsan na tinitignan yun.
Nathan Taloza, spokesperson ng barkada magaling yan makipagusap, kumbaga magaling sa sales talk. Matalino, mayaman at gwapo, kaya madaming nagkakagusto sa kanyang babae kasi dinadaan niya sa sales talk, sa madaling sabi bolero siya. Tapos kapag nahuhulog na yung babae lalayo na siya kasi ayaw niya sa mga babae na easy to get. Tulad ko never pa yan nagkagirlfriend.
And lastly I'm Darryl Anthony Navarro, they call me Dan for short, 18 years old and lahat kami ng barkada taking up business administration major in management at Celestica Academy, transferee kaming apat at kung anong mangyayari samin sa school i have no idea. Mayaman, matalino, gwapo, suplado yun ako.
Nagumpisa n pla silang kumanta
Nico: tol, ang ganda nung vocalist nila at ang ganda pa.
Dan:gago, tol tigilan mo.. May boyfriend yan, hindi mo ba narinig yung first song daw para sa boyfriend niya (sabay inom at tingin ng palihim kay Lans)
Ano ba to, bakit ganon mula nung nagumpisa siyang magsalita parang may kakaiba sa kanya, parang may iba akong nararamdaman, ano ba to?! Anak ng tokwa naman oh! Lasing na yata ako, nakakadalawang bote pa lang ako ah, nakakabading naman oh! Iba ba alak nila dito?! Haaay.. Ano ba tong pinagsasabi ko pati sarili ko kinakausap ko na, makalabas na nga muna, kailangan ko ng hangin.
Dan: tol, labas lang ako saglit
Nico, nathan, alvin: sige tol,
Buti na lang hindi na sila nagtanong, makalabas na nga..
Paglabas ko nakasalubong ko yung kumanta kanina, ngumiti siya pero tinignan ko lang siya.. Ewan ko ba pakiramdam ko natunaw ako sa ngiti niya, ano ba yan ang bading ko na. Pero magisa na lang siya at wala na yung lalakeng kasama niya. Teka, ano bang pakialam ko sa kanila..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
pa vote at comment please!
Thank you so much!
Love much!:)