My Sleeping angel

184 2 1
                                    

Dan's POV

Bigla akong nagising at una kong tinignan kung anong oras na, hapon na pala 4pm na pala, tagal ko palang nakatulog paglingon ko nakita ko ang isang natutulog na anghel, ang ganda niya talaga.. Gusto ko siya halikan pero may respeto ako sa babaeng to kaya hindi ko yun gagawin.. Habang tinititigan ko siya bigla siyang gumalaw at yumakap sakin..

O____O----> itsura ko then napalitan ng ganito..

^______^----> Itsura ko pa din after nung nasa taas..

Kasi nagulat ako na niyakap niya ko pero sobrang saya ko na niyakap niya ko! Tapos bigla niya hinawakan noo ko ng nakapikit dinadama niya kung mainit pa ko tapos bigla siyang nagsalita ng nakapikit.

Lans: sa wakas, bumaba na lagnat mo..

Tinignan ko lang siya, baka nananaginip siguro.. Wow! Hanggang panaginip meron ako at inaalala niya ko.. ^_____^

Lans: ngiti mo 360 degrees..

O_____O-----> ako yan! Pano niya nalaman na nakangiti ako? Tulog kaya siya!

Lans: may nakakagulat ba? Gutom ka ba? Ipagluluto kita..

Hindi pa din ako umiimik, hindi ko kasi alam kung nananaginip lang siya kasi naman nakapikit siya..

Lans: bakit di ka sumasagot?

Dan: gising ka ba?

Ayan, hindi siya sumagot, tulog nga siguro.. Nagsasalita pala siya kapag tulog.

Dan: buti na lang tulog ka, alam mo bang napakaganda mo, alam mo mahal na mahal kita, una pa lang kitang nakita sa bar nung tumugtog ka napatibok mo na agad puso ko, napakabading ko na, pero alam mo nagseselos ako kapag may lumalapit sayong ibang lalake, sorry sa inasal ko sayo sa beach nagselos lang talaga ako..

Lans: mahal mo ko?! Pero may kayakap kang iba sa beach, oo na, sinundan kita sa cottage at nakita kong may kayakap ka..

O_____O----> ako yan, tokwa! Gising ba siya!?!tsaka hindi ko niyakap yung babae, ako kaya niyakap niya.

Dan: lans naman eh, gising ka ba?

Tokwa! Hindi sumasagot! Tulog kaya toh! Hindi kaya napapanaginipin niya yung nangyari?!

Dan: hindi ko niyakap yung babae, tsaka hindi ko siya kilala, bigla lang niya ko niyakap, nagaway sila ng boyfriend niya tapos dumaan ako tapos bigla na siya nagsalita, umiyak siya tapos bigla na lang niya ko niyakap pero hindi ako yumakap sa kanya, maniwala ka naman oh, hindi naman kita ipagpapalit dun. Mahal na mahal kaya kita!

Lans' POV

Naramdaman kong gumalaw si dan alam kong gising na siya kaya bigla ko siyang niyakap at hinawakan yung noo niya wala na siyang lagnat, tapos tinanong ko kung gusto na niya kumain kaso nagulat yata siya akala niya tulog ako at nagsasalita ako habang tulog..

Binuksan ko ng konti yung mata ko pero nagpanggap akong tulog, sinasagot ko lahat ng sinasabi niya pero kapag tinatanong niya kung gising ako hindi ako sumasagot, grabe nakakatawa siya, pero nagulat ako nung umamin siya, matagal na pala niya kong mahal.. Mahal ko din naman siya kaso gusto ko munang patunayan niya yung sinasabi niyang love niya ko..

I've learned enough on his side siguro kailangan ko ng gumising. Sakto nakatitig lang siya,

Lans: baka naman matunaw na ko niyan?

Itsura? Nagtataka...

Binuksan ko mata ko..

Dan: kanina ka pa gising?!

Lans: ngayon lang...

Dan: sigurado ka?

Lans: oo, gutom ka na? Magluluto na ko..

Dan: tulungan na kita..

Lans: wag na, kaya ko na.. Pahinga ka na lang jan..

Dan: ayoko maiwan dito magisa.. Sama ako sa baba, (puppy eyes) chuseyo! (chuseyo=please)

Lans: okey fine, Ka! (ka=go)

Bumaba na kami at nagluto.. Dito siya kumain after niya kumain umuwi na din siya, ihahatid ko na sana kaso ayaw niya..

Maaga akong pumasok the following day pagbukas ko ng pinto ng aming bahay nakita ko si dan na naghihintay sa harap ng sasakyan niya at nakaheadset,

Bakit ba napaka gwapo niya!

Dan: baka malate tayo niyan, let's go? Masyado na kong natutunaw..

Lans: anong ginagawa mo dito?!

Dan: sige lans, iisipin ko na lang good morning yan! Good morning din sayo misis ko (sabay abot ng flowers)

Magrereact sana ako kaso nagulat ako sa flowers niya, dilaw! Kahinaan ko! Kaya napangiti ako dun..

Dan: tama na yang ngiti mo, sakay na..

Pagpasok namin sa school, ang daming naghihiyawan..

Well, una dahil sa grupo ng lalaking to na pinagkakGuluhan pa din, pati si carlo tinitilian pa din at may mga transferee nanaman na tatlong lalake! Okey! Sila ng lahat ang mga gwapo! Habang naglalakad ako pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya lumingon lingon ako..

Dan: bakit?

Lans: parang may nakatingin sakin..

Dan: sa ganda mong yan malamang pagtitinginan ka talaga..

Lans: hindi yun,

Transferee: Louise Ann Nicole Santiago.. Sa tagal kong naghanap sayo dito lang pala kita makikita!

Napalingon kami ni dan sa nagsalita

O_____O-----> itsura ko yan..

Lans: IKAW!!?!

Dan: sino siya!?!

Transferee: ( kinuha ang kamay ni lans at hinalikan) ako nga my princess

Dan's POV

Maaga kong sinundo si lans, ang ganda talaga niya, lalo na kapag nakangiti sabi ko na eh magugustuhan niya yung rose, dilaw ba naman eh...

Pagpasok namin pinagkaguluhan nanaman kami pati si carlo at may mga transferee daw pero mas gwapo pa din kami..

Biglang himinto si lans dahil naramdaman niyang may nakatingin sa kanya, malakas nga pala pakiramdam niya member ba naman ng taekwondo club eh,

Nagulat ako ng biglang may lalaking tumawag sa kanya, at nagulat din si lans..

Sino kaya yung lakaking yun?! Lumapit siya at hinalikan pa kamay ni lans! Nakakapanginit ng ulo! Sino ba siya?! Mukhang matagal na niyang kilala si lans!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you sa pagbabasa, sa comments at pag votes

Love much!!

Nakakainis ang suplado mo! Pero bakit Ang sweet mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon