Dan's POV
Nakita namin yung tatlong tao na nagaaway, parang kilala ko yung babaeng umiiyak, parang si Lans, kaso di ko masyadong makita yung lalake pati yung babae sa likod nung lalake.. Putek! Bakit siya umiiyak? Tsaka sino yung dalawang kasama niya?! Tokwa naman oh parang gusto ko siyang lapitan, parang gusto kong basagin yung mukha nung lalake! Anak ng tinapa! Bakit ba ko ganito?! Pakialam ko ba sa babaeng yan..
Nico: teka nga Nico!
Nathan: dan, chill lang bro
Nico's POV
Tumingin ako kay Dan at nakatingin din siya sa nagaaway.. Parang alam ko na nasa isip nito. Ako din kasi kanina pa iniisip kung si Lans ba yun, parang siya talaga. Pero sino yung dalawa at bakit siya umiiyak! Putek! Sarap patayin nung lalake! Hindi ba niya alam na napakamahal ng luha ni Lans! Lumapit ako kay Dan,
Alvin: nathan, pre kay dan ka umawat kay nico ako..
Nathan: kaya ba natin? Malakas yang mga yan pre..
Alvin: bahala na! ( takbo dun sa dalawa)
Dan: Pre, siya ba yun?!
Nico: oo yata, tokwa! Sino yung lalake?!
Alvin & nathan: (naguguluhan sa dalawa) mga chismoso!
Alvin: takte pre kala namin magaaway kayo! Yan lang pala paguusapan niyo! Pinakaba niyo kami!
Nathan: hoy, mga chismoso! Tara na! Ginutom niyo ko! (sabay hatak sa dalawa)
Dan: teka lang kasi pre!
Nico: saglit lang!
Alvin: tokwa! Walang teka teka! Hala sakay!
Alvin's POV
Tokwa nung dalawa! Pinakaba kami ni nathan, kala namin magsusuntukan na. Paguusapan lang pala yung nagaaway.. Nalintikan talaga, nagutom kami ni nathan dun ah, ngayon lang naging ganyan yang dalawang yan, nakakapanibago. Kaya ayun kinaladkad ko si dan papuntang sasakyan niya, pumapalag pa nga eh.. Ang pusa ayaw papigil, nakatingin pa din sa nagaaway, si nathan naman kinaladkad si Nico.
Ang isang yun, ayaw din papigil.. Sino ba kasi yung nagaaway na yun, hindi man lang itinago!
Nathan's POV
Nagutom ako sa dalawang to! Nalintikan! Buti na lang nakaalis din kami sa parking lot, pero parang kilala ko yung babae kanina. Si lans yata yun.. Bakit kaya siya umiiyak? Teka nga, pakialam ko ba.. Yaan na nga, gutom lang yan!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Salamat ng marami sa nagbabasa, sorry ah, walang kwentang update.. Maya ulit...
Mwuah!
Love much!