Lans' POV
friday na!
Bilis noh?Fastforward nga eh.. ( lans, galit??) hindi ms. Author nagpapaliwanag lang.. ( ah okey, iayos mo) iayos daw sabi ni ms. Author.. Okey, so friday na nga di ba?! Well wala naman masyadong nangyari sakin sa loob ng isang linggo.. Ayun, umiiyak everynight.. Kapag naaalala ko siya umiiyak pa rin ako, MASAKIT pa rin yung nangyari! Ikaw ba naman iwan ng taong nagpaniwala sayo ng salitang forever at iloveyou hindi ka kaya masaktan?! Kasi akala ko dati, Kalokohan lang ang salitang yan dahil madaming umiiyak dahil jan, pero pinakita sakin ni kurt na hindi totoo paniniwala ko.. Akala ko basta mahal mo at mahal ko sapat na yun para tumagal kayo kaso hindi pala.
Dati kapag nakikinig ako sa radio yung session sa gabi na magbibigay sila ng solution sa mga love problems.. Alam niyo ba yun? Tapos di ba may tatawag tapos magbibigay ng payo and blah blah di ba? Kapag nakikinig ako dun, natatawa na lang ako kasi iniisip ko ang dali ng problema nila, iwan nila kung di na sila mahal then move on.. Yun ang lagi kong naiisip pero ngayon ko lang nalaman na iba pala talaga kapag nandun ka na mismo sa situation na yun. Lahat ng pinapayo mo sa iba hindi mo rin pala magagawa, tama nga talaga na madaling sabihin pero mahirap gawin. Masakit pala talagang malaman ang katotohanan na ang taong mahal mo ay wala na at masaya na sa iba, na mahirap makipaglaban kung alam mong wala kang laban. Paano ko pa nga ba ipaglalaban ang nararamdaman ko kung siya mismo suko na, may laban nga ba ako kung ako na lang ang nagmamahal?! Wala na di ba? Masyado na lang akong nagpapakatanga kung ipagpapatuloy ko pa.
Hindi kami nagkikita kasi nga magkaiba kami ng building idagdag mo pa na napakalawak ng campus na to at malabo talaga na magsalubong pa kami ng landas. Kung sakali man siguro di ko alam gagawin ko.
Maaga akong pumunta sa bar ngayon, tumambay ako sa isang table na malapit sa stage mejo madilim sa part na yun kaya gustong gusto ko, dala ko yung gitara ko. Wala pang tao kaya tumugtog muna ako sa
gilid, instrumental lang.. Yung i love you goodbye...
Nalintikan na traydor na luha tumulo nanaman!
Dan's POV
Maaga akong nagpunta sa bar kung saan tumugtog sila Lans, ewan ko ba pero gusto ko siyang makita, nagbabakasali ako ng makita ko ulit sila sa bar, sana tumugtog ulit sila. Umupo ako sa malapit sa stage, sa bandang kanan ko may narinig akong tumutugtog ng gitara, ang lungkot ng tinutugtog niya. Tumingin ako kaso hindi ko siya makita madilim sa inuupuan niya pero sa tinutugtog niya ramdam mong nasasaktan siya.
Lans' POV
Putcha naman! Makapunta na nga sa loob malapit na din kami magumpisa.
Nagayos na ko ng mga gagamitin namin, ready na lahat hinihintay ko na lang ang grupo, grabe! Ang boring! Ang tagal nila!
Kinuha ko yung gitara ko at tumugtog ako, wala pa naman sila kaya ayos lang.
There are nights when I can't help but cry
And I wonder why you have to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me
Tell me
Where did I go wrong?
What did I do to make you change your mind completely
When I thought
This love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me