Dan's POV
Biglang lumabas ang doctor at napatayo kaming lahat.. Lumapit ang doctor sa kuya ni lans at may sinabi.
Doctor: madaming nawalang dugo sa kanya kailangan natin ng blood donor. Nagpahanap ako sa pinakamalapit na hospital pero wala silang stock. Kailangan na natin ngayon.
Kuya ni lans: maghahanap po ako.
Nakita kong umiiling si noel at nagyukuan ang lahat ng jaguars pati ang mga wolf nagumpisa ng yumuko yung iba humarap sa pader, ramdam mo ang lungkot sa kanila at para silang mga nawalan ng pagasa.
Isa lang nararamdaman ko sa mga oras na to, sana ako na lang yung nasa kalagayan niya! Kahit pa buhay ko iaalay ko sa kanya.
Noel: kuya, san tayo hahanap. Wala siyang ka blood type satin, si tito(papa ni lans) lang ang ka blood type niya.
Kuya: hindi ko din alam, pero kailangan na natin maghanap ngayon.
Noel: isa lang ang kilala kong ka blood type niya dito.
Napalingon silang lahat kay noel at yung mga mukha nila lahat nabuhayan.
Kuya: sino?!
Noel: si thon-thon
Pagkarinig ko nun bigla akong naguluhan.. Thon-thon? Yun ang tawag sakin ni coco. Nakita kong nakatingin sakin si noel.
Dan: thon-thon?(naguguluhan kong tanong)
Kuya:A+ ka di ba?
Dan: oo.. Paano niyo nalaman?
Noel: hindi na mahalaga yun, pero nakikiusap ako sayo compatible ang dugo niyo. Nagmamakaawa ako sayo dan kailangan niya ng dugo mo.
A+ din si lans? Compatible dugo namin.
Dan: hindi mo na kailangan pang magmakaawa pati buhay ko ibibigay ko sa kanya.
Pagkadabi ko nun lumabas ulit yung doctor,
Kuya: doc, may nahanap na po kami..
Doctor: dalin niyo agad sa laboratory kailangan siyang itest, bilisan niyo at kailangan na ng dugo ang pasyente.
Dali dali kaming nagpunta sa laboratory at compatible nga kami ng dugo, pinasok ako sa emergency room
Kung nasan si lans, puro siya sugat pero kahit ganon mukha pa din siyang anghel tapos may mga
nakakabit sa kanya na oxygen.
Inumpisahan nang isalin sa kanya yung dugo ko tinitignan ko lang siya napaka ganda niya, maya maya pa natapos na siyang salinan at pinagpahinga muna ko nung nurse kaya lang bigla bigla na lang huminto si lans sa paghinga kaya nataranta yung mga nurse..
Dan: lans!
Nurse: sir, kami na po bahala sa kanya humiga lang kayo baka po kayo ang mahilo.
Dan: hindi! Bitawan niyo ko!
Nurse: wag na kayo makulit.
Babangon sana ako kaso bigla akong nahilo at nakita ko na lang ang daming doctor na nakapalibot sa kanya, nakita kong sinusubukan siyang irevive kaso hilong hilo talaga ako hanggang hindi ko namalayan nagblack na lang lahat..
Noel's POV
Bigla na lang may nagpage sa mga doctor at pinapapunta sila sa ER, alam kong nandun si lans pero di ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.
Nakita ko na lang na tumatakbo ang mga Doctor papasok sa ER
Tinignan ko ang mga wolf at at kanya kanya silang yakap sa mga babae ng jaguar, walang malisya yun.