Where is she?!

166 1 0
                                    

Noel's POV

Tumakbo si lans pagkatapos niyang makita tong hinayupak na lalake na to na kasama si mitch!

Noel:TANG NA!! GAGO KA!!

Nung susugudin ko na siya bigla akong pinigilan nila nikko, nathan at alvin

Alvin: tol! Tama na! Kami na bahala sa kanya!

Noel: BITAWAN NIYO KO! BUBUGBUGIN KO YANG GAGONG YAN!!

Nathan: Tol! Tama na!

Noel: SI LANS SINAKTAN NIYA!!

Nikko: alam namin at mahalaga din samin si lans, carlo! Tulong naman oh!

Carlo: noel, tama na yan.. Hayaan mo sila na ayusin tong gusot na to.

Noel: PUCHA CARLO! SI LANS SINAKTAN NG GAGONG YAN TAPOS GUSTO MO LANG AKONG TUMAHIMIK!!!!

Carlo: walang mangyayari kung paiiralin mo yang init ng ulo mo!

Noel: PUCHA!! PAANO KA NAKAKAPAGSALITA NG GANYAN?!! PARANG WALA LANG SAYO YUNG NANGYARI AH!

Carlo: maniwala ka man o hindi galit din ako dahil sa gagong yan pero wala na tayong magagawa kasi tapos na! Isa pa, mas iniisip ko si lans ngayon! Siguro mas mabuti kung sundan mo na lang siya!

Noel: BITAWAN NIYO KO!!

Carlo: tol, bitawan niyo na..

Binitawan nila ko, susundan ko si lans..

Noel: kayo nang bahala sa gagong yan!!

Lumabas ako ng bahay at lumingon lingon, walang bakas ng lans. Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot tawag ko..

Bumalik ako sa bahay para magpatulong kila kristie

Kristie: asan siya?!

Noel: wala siya sa labas! Paki tawagan naman oh! Hindi niya sinasagot tawag ko.

Denise: sige, sandali!

Dan's POV

Naalimpungatan ako at ang sakit ng ulo ko.. Narinig kong may sumisigaw, paglingon ko sa kanan ko nakita ko si mitch..

O___O-----> ako yan! Anong ginagawa niyan dito?!

May naririnig akong nagwawala sa labas ng pinto ng kwarto ko.. Boses ni noel yun!

Pucha! Bakit ba kasi nandito tong babaeng to?!

Dan: hoy! Gising! Anong nangyari?! Bakit ka ba nandito?!! Tsaka bakit wala tayong damit?!!

Mitch: uhmmm..

Dan: pucha! Gumising ka nga!!

Hindi ko na alam gagawin ko. Wala akong maalala, basta alam ko lang nakaboxers lang ako ngayon at itong katabi ko naka sando at cycling shorts lang. Dali dali akong bumangon at nag sando.

Dan: hoy mitch! Bumangon ka na dyan! Lumayas ka dito!

Pagkasabi ko nun biglang bumukas ang pinto at kita ko ang galit na galit na marje at sila nikko, carlo, nathan at alvin.

Marje: GAGO KA DAN!! HINDI MO MAN LANG PINILI SASAKTAN MO!!

Bigla siyang hinwakan ni carlo..

Marje: BITIWAN MO KO CARLO!!

Hawak pa din siya ni carlo tapos tumingin si carlo sakin..

Carlo: Anong nangyari? Bakit nandito yan?

Kalmado siya pero ramdam Ko at kitang kita ko sa mga mata niya yung galit..

Dan: hindi ko alam bigla na lang siyang sumugod dito kahapon at pinainom ako tapos wala na kong alam.

Nakakainis ang suplado mo! Pero bakit Ang sweet mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon