Noel's POV
Nauna akong nagising kay lans, tinignan ko siya at ang himbing ng tulog niya tapos naramdaman ko siyang gumalaw kaya hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya
Noel: tulog ka lang, di kita iiwan.. Happy birthday lans, sana maging masaya ka ngayon. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo.. Tandaan mo mahal na mahal kita!
Pagkasabi ko nun hinalikan ko yung ulo ni lans.. Tapos dahan dahan kong inalis yung kamay ko sa pagkakaunan niya, nilagyan ko ng unan yung hinigaan ko para may yakapin siya.. tsaka ako dahan dahan na lumabas ng kwarto niya. Kailangan ko ng ihanda yung maliit na suprise ko sakanya, kinuha ko yung mga yellow roses na binili ko kagabi, bago ko pumunta sa kwarto niya bumili ako ng mga bulaklak.. Paborito niya kasi yung yellow flowers kaya puro yellow binili ko. Ewan ko ba jan bigla bigla na lang kinikilig kapag nakakakita ng yellow na bulaklak, tsk! Abnormal talaga yan! Pero kahit ganyan yan mahal ko yan!
Puno yung sala ng dilaw na bulaklak tapos pumasok ako sa kwarto niya para lagyan yung paligid ng bed niya ng yellow petals tapos pati na din bed niya nilagyan ko ng konting petals tsaka ako naglagay ng 12 pieces na yellow roses sa tabi niya, tsaka ko siya binilan ng isang napakalaking winnie the pooh na stuff toy, ewan ko ba jan natutuwa siya sa bastos na bear ba yun! Ah ewan, di ko alam kung anong klaseng hayop yun, basta alam ko bastos siya hindi marunong magsuot ng pambaba!
Tapos kong naayos yung mga bulaklak itinabi ko din sa kanya yung ferrero na binili ko, yun lang naman ang chocolate na kinakain niya eh, bawal kasi yan sa chocolates nahihilo siya sa matamis.. Buti na lang hindi siya nahihilo sakin (bumabanat noel?) ms. Author wag ka munang epal! Tapos na lahat kaya lumabas na ko at kinuha yung cake niya, tapos tinawag ko na sila manang para sabay sabay naming kantahan si lans sana magising siya..
Pagpasok namin sa pinto......
Nakita kong gumalaw siya ng konti kaya sumenyas na kong umpisahan na yung kanta!
*******happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you******
Lans' POV
Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko at ramdam kong madami sila nagpanggap akong tulog at pinapakiramdaman ko kung anong gagawin nila, ramdam kong wala si noel sa tabi ko.. Nasan kaya yung damuhong yun! Sabi niya di niya ko iiwan!
Tapos bigla na lang...
*******happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you******
Dahan dahan kong binuksan mata ko at napangiti ako ng makita ko si noel na nakangiti at may hawak na cake, tapos lahat ng kasama namin sa bahay nandun sila! Waaaahh! Ang saya saya ko! Tapos May nakita ang aking magagandang mata!
^______^-----> ako yan!
Waaaaahhhh! Si pooh! Nakita ko siya sa tabi ko! Bigla ko siyang kinuha at niyakap! Paborito ko talaga to! Tapos may nakita akong mga petals na yellow sa bed ko tapos may roses sa tabi at may may kasama pang ferrero! Waaaaaaahhh! Ang saya saya ko talaga! Alam na alam ni noel kung anong magpapasaya sakin! Sige na! Siya na nakakaalam!
Alam niyo ba yung itsura ng bata na may gustong gusto siyang bagay tapos ibibigay sa kanya yung mga laruan na gustong gusto niya, yung sobrang saya niya na nagtatatalon na sa tuwa.. Basta yung ganong pakiramdam!
Noel: hoy, ngiti mo wagas! Kami ang kumanta hindi yang bastos na oso! At talagang yang bastos na yan ang una mong pinansin at hindi kami!
Hahahaahaha----> tawanan lahat ng kasama namin sa bahay
Lans: toh naman ang init agad ng ulo.. Sa natutuwa ako eh!
Noel: oo na! Magwish ka na at hipan mo na to at nangangawit na ko!