Rooftop

243 3 0
                                    

Lans: ano ba to lokohan?! Nagmumukha na tayong tanga na tatlo dito?! Siguro naman pwede na nating ihinto to?!

Marje: kasi naman carlo! Alam namin mahal mo siya, pero putek naman masyadong paghirap ginagawa mo!

Lans: alam namin na kailangan mong ligawan pamilya niya pero naman carlo, hindi naman to the point na pati project ng kapatid niya ikaw gagawa! Abuso na yan!

Carlo: please naman tulungan niyo na ko, ito na lang, alam niyo naman na mahal ko siya at lahat gagawin ko para sa kanya,

Lans: lintik naman na pagmamahal yan oh, pati kami nahihirapan.. Aba, kanina pa tayo nagppractice dito ah, ang dami ng tumulo na luha ko. Baka naman perfect na yun?

Marje: takte ka carlo, ang sarap mong iuntog sa puno.. Alam mo yung salitang pagod?.. Kami yun.. Pagod na kami, ang haba pa ng script na ginawa mo..

Lans: asan na ba yung dalawa?! Nauuhaw na ko.. Kailangan ko ng tubig ng mapalitan lahat ng luhang tumulo...

Marje: ayan na yata, paparating na..

Denise: lunch muna guys.. Maya na yan.. Tutal half day lang tayo ngayon..

Lans: haay naku, salamat naman...

Kristie: pakita nung video...

Marje: ayun, sa mesa... Panoodin mo na lang

Kristie: okey ah, best actress lang lans?!

Denise: galing! Pwede na kayong mag artistang tatlo!

Carlo: mga gagi, kumain na nga tayo.. Mahaba pa script ko..

Toot.. Toot... ( tunog ng cp ni lans)

*from my kurt baby*

-------> hi baby, busy ka ba? Kita naman tayo... Kahit sandali lang, may 30 mins break ako ngayon.. Dito ko sa gym.. Ingat, love much!

*to my kurt baby*

--------> sige, wait mo ko, papunta na ko... Love much too!...

Marje: kung makangiti naman wagas!

Kristie: nanalo lang sa lotto teh?!

Denise: sus kristie! Daig pa nanalo sa lotto yan, malamang nagtext si kurt baby niya...

Carlo: mukha nga... Akin na nga lang yang food mo... Alam kong hindi mo na kakainin yan..

Lans: ganun talaga! Hehehe... Kita tayo mamaya (at tumakbo na nga si lans)

Carlo: hoy babae! May practice pa tayo! Hindi pa tayo tapos!

Lans: 30 mins lang! ( sumisigaw habang tumatakbo)

Gym.........

Kurt: oh baby, tumakbo ka nanaman noh?

Lans: ay hindi kurt... Lumipad ako, kaya nga ako hinihingal eh..

Kurt: ampupu namab oh, binara ako ng baby ko... Wala man lang kiss

Lans: wala! Hahahaha

Kurt: damot!

Lans: ganon talaga!

Kurt: tsk! Tara na nga lunch na tayo sayang yung 30 mins..

(hinila na ni kurt si lans papuntang rooftop ng gym)

Lans: teka nga lang mister, bakit tayo papunta sa rooftop kala ko ba kakain tayo?

Kurt: oo nga, pwede wag nang madaming tanong?!

Lans: okey fine!

(binuksan ni kurt ang pinto papuntang rooftop)

Kurt: after you my lady

O_______O--->lans

^________^ ---> lans pa din( after niya magulat syempre ngumiti siya)

Lans' POV

Pagakyat namin sa rooftop nagulat ako sa nakita ko, ang daming yellow na flowers sa paligid, mukha siyang garden na puno ng dilaw na bulaklak tapos sa gitna may lamesa at may 3 na long stem dark yellow na rose.. Tapos may nakahandang lunch! Bigla akong napangiti at niyakap ang baby ko..

Sobrang saya ko tapos kumain kami.. After namin kumain nung pababa na kami bigla niya kong niyakap

Kurt: believe me or not i loved you

Teka nga, di ko alam kung i love you or i loved you yung sinabi ko.. Pero sa nakikita ko mukhang i love you! Ako na ang may mahabang hair! Rapunzel?! Hehehe

Lans: naniniwala po ako!

Kurt: sana napasaya kita!

Lans: oo naman noh?! Sobra!^_____^

Kurt: im sorry, but i think i fall for someone...

Teka, naguluhan yata ako dun ah... Kumalas ako sa yakapan namin at tumingin sa mga mata niya..

Lans: pakiulit nga... Nabingi yata ako...

Kurt: remember rhianne?, naikwento ko na siya sayo di ba? Im sorry lans.. I think nahulog ako sa kanya..

Nakatingin lang ako kay kurt... Walang reaction mukha ko, parang huminto yata utak ko.. Hindi niya maprocess yung sinabi ni kurt..

Kurt: lans, im really sorry... Hindi kita gustong saktan.. But i guess we have to end our relationship.. Im really sorry..

Lans: how did it happen?!

Kurt: alam mong matagal na kaming magkatext di ba? At same college kami..

Lans: oo?

Kurt: nung nagpunta ka ng canada last month magkasama kami lagi sa practice, alam mo namang lagi akong nagppractice dati di ba? Sorry lans, nagkataon na kailangan kita at siya ang nandun.. Na kapag gusto kita makita kailangan ko pang maglakad papuntang college niyo pero siya nasa likod ko lang na haharap lang ako sa likod ko nandun na siya agad. Im sorry!

Lans: lame excuses! (bulong ni lans)

Ewan ko ba pero hanggang ngayon hindi pa din pumapasok ang mga sinasabi niya sa utak ko, gusto ko umiyak pero parang wala ng papatak na luha dahil sa lintik na practice na yun..

Kurt: lans, please! Sampalin mo ko kung gusto mo, sigawan mo ko, awayin mo ko.. Tatanggapin ko dahil alam kong kasalanan ko.

Tumingin lang ako sa relo ko, i guess tapos na yung 30 mins na hiningi niya,

Lans: 30 mins is over, may gagawin pa ko..

Kurt: lans, please! Kausapin mo ko!

Tinignan ko lang siya, hindi ko alam kung bakit wala akong reaction pero alam ko sobrang sakit! Alam mo yung pakiramdam na gusto mo magwala, magalit pero hindi mo magawa. gusto mo siyang sampalin pero kapag sinampal mo ba siya mababalik ba lahat sa dati? Hindi naman di ba?. Yung gusto mo siyang murahin pero para saan pa? Wala na din kwenta di ba?! Oo! Sinaktan niya ko pero maling saktan ko din siya. Kapag sinaktan ko siya physically or through my words parang wala din akong pinagkaiba sa kanya, di ba?! Yung tipong Gusto mong umiyak kaso walang tutulong luha.. After ko siya tinignan lumabas na ko

ng pinto at tumakbo pabalik sa barkada.. Kung anong nararamdan ko? Sobrang sakit!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Salamat sa votes and comments

Actually, yung ibang lines jan true to life...

Thank you so much!

Love much!

Nakakainis ang suplado mo! Pero bakit Ang sweet mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon