Flashback

312 6 2
                                    

Lans POV

Back to school ang drama ng lola niyo, pero okey lang masaya naman yung gig namin nung friday.. Haba kasi ng hair ng lola niyo.. (lans, wag pabitin.. Tell it na).. Ms. Author, excited much?

Okey so ganito nga yun, after ng gig namin niyaya ako ni kurt sa labas at may sasabihin daw siya..

Lans: hi sweetie, (mwuah! Kiss lang sa cheeks) akala ko di ka na darating

Kurt: (hawak sa kamay ni lans) pwede ko ba naman mamiss ang gig ng baby ko?

Lans: (smile) bolero ka Kurt! Sobra! Akalain mo sa sexy ko na to napapatalbog mo ko..

Kurt: hindi ako nambobola lans, nagsasabi ako ng totoo..

Lans: oo na kurt, ikaw na! Ikaw na nakakapagpakilig sakin

Kurt: ganon talaga, mahal mo eh..

Lans: susme, lakas ng tiwala sa sarili,

Kurt: kasi totoo pero alam mo, salamat sa first song, talaga bang para sakin yun?

Lans: ay hindi, hindi para sayo yun.. Nagpasalamat ka na nga diba? Para yun sa lalakeng mahal ko, para lang kay kurt lawrence alonzo..

Kurt: baby naman eh, ako kaya yun

Lans: alam mo naman pala nagtatanong ka pa,

Kurt: (tayo sabay hatak kay lans) tara

Lans: o teka saan tayo pupunta?

Kurt: sa labas lang may sasabihin lang ako

Lans: (nagtataka sa kung anong sasabihin ni kurt) teka, bakit parang ang seryoso mo yata? Walang bayad ang pagsagot.. Okey, ayaw mo di wag

~~~thats how we roll, we roll like this.. Now, now, now, now, now

Ya'll know what we do, ya'll know exactly how we rolling~~~~

Tunog yun ng phone ng baby kurt ko, how we roll yung title kanta sa fast five

Kurt: wait lang ah, sagutin ko lang mukha kasing importante

Lans: sige,

At ayun, sinagot nga niya at lumayo pa, well wala naman sakin yun, ayoko kasi ng sinasakal siya tsaka kilala ko naman yung mga kasama niya sa team at lahat ng katext niya kasi magkwekwento siya sakin. Bawal kasi ang lihiman saming dalawa..

After 1 billion years... Echoz, OA lang ako, 10 mins lang naman.. Hehehe, (inorasan teh?) ms. Author wag ka makialam, walang basagan ng trip..(okey, tatahimik na)...

Kurt: baby, (seryosong tono)

Bigla niyang hinatak yung kamay ko at sinandal ako sa sasakyan niya at niyakap ng mahigpit

O_________O???----> ako yan, gulat na nagtataka.. Intindihin niyo na lang.. Ikaw ba naman kasi ang bigla bigla na lang hatakin at yakapin ng mahigpit na parang wala ng bukas, hindi ka kaya magulat?

Lans: baby, may problema ba?

Kurt: (tingin sa mga mata ni lans sabay ngiti) wala, pwede payakap ulit?

Lans: oo naman, kahit d ka pa magpaalam

Kurt: baby?

Lans: hmmmm?

Kurt: pataba ka, payat mo eh.. Para akong yumayakap sa tingting

Lans: (hinampas sa likod si kurt) anak ng tokwa ka kurt, ganda na ng moment bigla kang hihirit ng ganon..

Kurt: totoo naman eh, payat mo na.. Wala akong mapisil

Lans: mahal mo naman!

Kurt: (silence)

Hindi man lang umimik ang loko, yumakap lang tlaga?

After two minutes inalis na niya pagkayakap niya sakin tapos bigla niyang inabot yung 24 pieces na dark yellow na roses.. ( oo na, kahinaan ko na ang dilaw na bulaklak)

^_____^-----> ako yan, masaya ako.. Nakangiti yan,

Kurt: o yang ngiti mo 360 degrees nanaman ^_^

Lans: (abot sa rose sabay hampas sa braso) grabe naman, 180 degrees lang naman

Kurt: hahahahaha,

Lans: tawa ka pa, pasalamat ka mahal kita

Kurt: SA-LA-MAT!! Love much!

Hahampasin ko sana ulit kaso biglang lumayo eh

Lans: lumalayo ka? Love you too much!

Kurt: masyado ka kayang brutal,

Lans: hindi kaya,

Kurt: oo kaya, hampas ka ng hampas

Lans: (pout) grabe ka ah,

Kurt: ako pa ang grabe ah, tigil mo na yan, hindi ka cute.. Masyado mo kong tinutukso na halikan ka

Lans: manyakis!

Kurt: love mo naman! Teka nga pala baby, magpapaalam sana ko birthday kasi nung isang kateam ko, yung bago. Medyo nagkayayaan tonight sa place niya, kung okey lang sana. Hindi ako maglalasing, promise!

Lans: kahit di ka pa magpromise alam ko naman na may limit ka sa paginom eh basta magiingat ka ah.. (inilagay ko yung kamay ko sa batok niya yung yakap, imaginin niyo na lang tapos siya naman sa waist ko)

Kurt: opo! Magiingat po.. Sorry hindi kita maihahatid

Lans: okey lang, sabay na lang ako sa grupo

Kurt: thanks baby, ingat ka ah.. (kiss sa tip ng nose)

Lans: opo, kaw din... Sige na punta ka na baka hinihintay ka na nila..

Sumakay na siya ng sasakyan niya.. At ako tinitignan ko yung mga rose grabe kinikilig ako!

Pumasok na ko sa loob pagdaan ko sa pinto may nakita akong lalake malamang isa sa mga guest namin, ngumiti na lang ako.. Aba at ang suplado hindi man lang ngumiti.. Problema nun? Teka nga parang nakita ko na siya dati pa, di ko lang alam kung saan at kailan, Yaan na nga, ayoko masira gabi ko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pa vote naman po please, with comment na din po

Thank you so much!

Grabe napakabusy sa store kanina... Buti na lang off ko bukas may oras matulog..

Love much!

Nakakainis ang suplado mo! Pero bakit Ang sweet mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon