Lans' POV
After two days okey na ulit ako, well sanay na ako na nagkakasprain tsaka normal na lang yan sa sports ko, friday ngayon at walang pasok kaya naisipan kong mag jogging, maaga akong bumangon para magwarm up muna sa garden, konting stretching tapos larga na sa jogging! Nilagay ko na ang headset ko at masarap magjogging habang nakikinig nag music.
Nakarating ako sa open field sa loob ng village, nung bata ako may lagi akong kalaro at dito kami madalas magkita ni thon-thon kaso kailangan namin pumunta sa korea kaya naiwan ko siya. Nakita yung punong madalas namin pagsilungan, malilim kasi dito kaya dito kami madalas humiga.
Humiga ako sandali sa ilalim ng puno, parang walang pinagkaiba, nakakarelax pa din tumambay dito. Sa pagtayo ko tinignan ko kaagad yung puno.
Nandito pa pla to!, nakaukit sa puno yung pangalan naming dalawa tapos may nakaukit na hugis puso. Bata pa kami nun pero nagpromise kami sa isat isa..
Flashback...
Thon-thon: coco, paglaki natin magiging girlfriend kita tapos ako magiging boyfriend mo, tapos papakasal tayo.
Coco: thon-thon ang bata pa natin yan na iniisip mo.
Thon-thon: kasi mahal kita! Kaya promise mo na magpapakasal tayo paglaki natin
Coco: mahal din naman kita eh, oo na po, promise!
Thon-thon: paglaki ko liligawan kita at mamahalin kita habang buhay!
Yun ang pangako na iniwan namin sa isat isa.. Kaya lang hindi na ko nakapagpaalam sa kanya nung nagpunta kami ng korea kasi biglaan, Magkatapat lang bahay namin dati kaya lang ang sabi nila mama nung nasa korea kami binenta na daw nila bahay nila. Kaya kung nasan na si thon-thon ngayon, yung ang hindi ko alam.
Haaay, namiss ko siya bigla, makauwi na nga..
Dan's POV
Nalate ako ng gising wala kasi kaming pasok ngayon, makapaglakad lakad na nga lang muna,
Nakarating ako sa field sa village naalala ko yung puno namin ni coco, nasan na kaya siya ngayon, nagpromise kami na paglaki namin magpapakasal kami, kaya lang mula nung umalis siya wala na kong naging balita sa kanya, nakatira sila dati sa tapat ng bahay namin pero huling balita ko binenta na yun ng mga magulang niya bago sila pumunta ng korea.
Bata pa kami nun pero mahal ko na siya, hanggang ngayon nga yata mahal ko pa siya kaya lang parang iba yung nararamdaman ko kay Lans, ayokong mawala si coco sa puso ko. Siya lang ang babaeng pakakasalan ko at magiging girlfriend ko.
Haaay! Coco nasan ka na ba?! Namimiss na kita!
Pagkatapos ng isang oras sa ilalim ng puno umuwi na lang ako at mamaya siguradong bar night ulit.
Saturday....
Wala naman masyadong nangyari nung friday night, kumanta lang sila lans..
Nagyaya sila nico na kumain sa isanh resto, masarap daw mga pagkain dun kaya dun kami naglunch. Maganda yung resto bahay kubo ang style nila tapos nasa bangga yung mga sineserve nila, basta maganda tsaka masarap yung mga pagkain. Habang kumakain kami parang namalik mata yata ako, nakita ko si lans?
Dan: pre si lans yun di ba?!
Nico: asan tol? Wala naman eh!
Nathan: iba na yan tol, kung saan saan mo na siya nakikita! Hahaha
Alvin: tokwa lang tol! Inlove ka na yata?! Napalitan mo na si coco?.. Hahaha
Dan: sira! Hindi noh?!