KILLING SPREE (This Is Where It All Starts)
By : Lance_Chrysostome
-------------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
12:32 PM
JODI'S POV
"Finally, we're here.."
Paunahan kaming nagpulasan palabas ng van at saka naginat-inat. Nakakangalay umupo, lalo na't halos 7 oras ang biyahe namin mula Maynila hanggang dito. Before I forgot, papunta nga pala kami sa rest house ng tropa kong si Kathleen, sa Quezon Province to be specific. Masyado na kasing occupied ang Maynila. Ang dami-dami at ang tataas na nang mga gusali doon. Tapos ang ingay-ingay pa. So, dito na lang sa probinsya, maaliwalas na, may mapupuntahan pa kami. Sort of pahinga na rin mula sa hell days ng isang college student.
"Nasan na ang resthouse nyo? Bakit parang wala naman akong matanaw?" nakakunot-noong sabi ni Loraine. Aba, oo nga. Purong puno lang ang nakikita ko sa paligid.
"Psh! Masyado ka namang atat. Nandun pa 'yun." sabi ni Kathleen, sabay turo sa bandang kaliwa nila. "Like duh, lakarin na lang din natin. Nang makalanghap man lang tayo ng sariwang hangin. And at the same time, exercise na rin."
Wala na kaming nagawa at sinimulan na lang ang paglalakad. No choice, siya ang may alam ng daan at kung aangal kami'y baka kung san pa kami mapadpad.
Shoot! Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Sorry naman, masyado akong naexcite sa trip naming ito e.
I'm Adrienne Jodi, 16 & a Business Management student. Kikay, palaayos, magarbo, lahat na ng mga katangian ng isang modernong babae, except sa pagiging maarte. Kahit na ganito ako mag-ayos, mabait ako noh? Kaya nga nagkaroon ng mga bunch of friends. Nasabi ko na ba na maganda at sexy ako? Humble pa ako nyan. Oh, ayan nasabi ko na, so alam nyo na? Ü
'Yung may-ari ng resthouse, that's Kathleen Kaye. A bossy, sossy and a choosy one. Bossy, dahil lahat ng gusto nya, kailangan mong gawin/sundin kung ayaw mong bungangaan ka nya. Sossy, dahil lahat ng mga gamit niya, BRANDED (halata naman sa lifestyle nya na 'yayamanin siya') Choosy, dahil mapili 'yan sa mga bagay-bagay. Pero 'pag dating sa amin, 'di uubra ang pagiging choosy nya. Ang kaso, medyo malusog nga lang ang babaeng ito. Pero san ka, HEADTURNER, maganda rin naman kasi.
Loraine Anne. Kalog, Maingay, Baliw. Hindi kumpleto ang barkada kapag hindi mo naririnig ang nakakadala nyang tawa. Isa siya sa nagbibigay-saya sa barkada. Simple lang ang pamumuhay nila, pero hindi ito nakahadlang para sa pagkakaibigang nabuo sa barkada. Mahilig 'yang sumayaw. Mabibigla ka na lang dahil bigla-bigla 'yang sasayaw sa harap mo.
Jerico. Tall, dark and... tall again? Joke! Oo na, gwapo na siya. Complete package na nga sana, ang kaso, panira nga lang ang ngipin niya. Kinda sungki, ganun. Mahilig 'yang mag-imbento ng mga bagay-bagay. One time nga, nakagawa siya ng GPS-installed bracelet, na minsan ay suot-suot namin. Malaking tulong 'yun para inavigate ang locations naming magkakatropa. Marami pa 'yang mag tinatagong imbensyon. Mech Engineering nga pala course nyan, di pa ba halata?
John Andrew. The Voice. Wonder why? Siya ang nagtataglay ng golden voice. Na sa sobrang pagiging golden ng boses nya ay nagresulta sa pagiging malalim ng boses nya. Literal na pang-lalaki. Siya ang pinakamatalino sa aming walo, mantakin mong nakaabot pa sa honorable nung high school, partida nagdodota pa 'yan? Kalog din siya, at 'pag tinopak ay nagiging hyper.
Vince Nuel. Ang pinakachildish sa amin. Kung anong ikinatanda ng edad nya (di naman sa matanda na siya, mga kaedaran lang rin namin sya), siya namang ikinachildish nya. Pero nakasanayan na rin naman namin. Makulit at bibo siya palagi, pero matakot ka na 'pag hindi siya ang usual self nya. It's either kinukutuban siya, may nararamdaman siyang kakaiba or galit siya sayo.
May dalawang wala pa dito, pero susunod daw sila.
Unahin ko na si Neon Vincent, ang clown ng barkada. Hindi lang dahil sa kulot ang buhok nya, pero dahil narin sa nakakatawa siya. Medyo tahimik nga ang byahe kanina dahil wala siya, at dahil nga wala siya, walang tawanan sa van. Mahilig siyang kumanta (maganda naman boses nya, ang kaso, madalas siyang pumiyok) at palaging may dalang gitara at headphones. 'Pag solo flight 'yan, naku, automatic na na nakikinig siya ng music.
And last, Jervie Vien. Siya ang boy version ko. Palaayos at astig pumorma. 'Yun nga lang, KORNI siya. Alaman na, 'pag nagjoke siya, it's either hindi namin alam na joke 'yun, o di kaya naman ay waley siya. Medyo malibog din. May mga times nga na siya ang nagpapasimula ng 'boy's talk', alaman na kung anong topic/pinag-uusapan. Pero ang maganda sa kanya, gentleman siya. Matagal na nga syang crush ni Kathleen eh. Oops! Secret lang 'yun ah?
So, now you know? Now, you've further comprehend our characteristics.. Iba-iba man kami ng mga katang---
*boooooogsh*
"Aray ko!" I exclaimed.
Naantala ang pag-iisip ko ng biglang tumigil si Jerico sa paglalakad (na nasa unahan ko), kaya ang tendency, mauntog ako sa likuran nya. Napalingon naman siya sa gawi ko't nagsorry.
"WOOOOOOOW! Rest house pa ba ito? Mansyon na ata ang tawag dito e." nangibabaw ang boses ni Loraine dahil sa labis na pagkamangha. Hinimas ko ang ulo ko dahil medyo nasaktan ako sa pagkauntog, at nilingon kung saan sila nakatingi---
WOAH! Aba, ang ganda nga. Ganito ang dream house ko e. Two-storey house with garden & greenhouse, swimming pool, fish pond and a sports field. Kumpleto na!
Naglakad na kami sa may gate, at may kung anong sinabi si Kathleen dun sa parang speaker or something. Then, the gates are finally open. Astig.
-------------------------------X
KATHLEEN'S POV
Siguro naman kilala nyo na ako? At alaman na, si Jodi ang nagpakilala sa inyo. Psh! Ang daldal talaga.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa rest house ay agad silang nagpuntahan sa iba't-ibang sulok ng bahay. Hinayaan ko na lang din sila, baka ngayon na lang sila makaranas ng ganitong buhay.
Kasalukuyan akong nasa entertainment room. Hinahanda ko ang mga gagamitin para sa movie marathon namin mamaya. Nagluto din ako ng popcorn para may malapang kami. Balak naming manuod ng Insidious : Chapter 2. Prefer naming magtropa ang mga horror movies, kesa sa mga corny romantic movies.
Habang inaayos ko ang dvd player, biglang tumunog ang radio speaker na labis na nagpakilabot sa akin..
*click*
"Hello Fellas. Damon Knight speaking. Don't Forget the ANNUAL KILLING SPREE later, 7PM. Lock your doors. Close the windows. Check the security systems, or else, INVADERS will INVADE. Get ready to face the KILLING FREAKS, and get ready to be PURGED. See ya, or should I say, buh-bye.."
*end of KS 1*
Ramdam nyo ba ang pagka-light ng mga words sa istoryang ito, compare sa other works ko? I've changed my writing style para mas madaling maintindihan. Ayos ba? Ü - Lance_Chrysostome (umepal na naman ako)
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystery / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...