KILLING SPREE (The Desiderated NEMESES & The VIGILANTE)
By : Lance_Chrysostome
----------------------------X
January 27, 2327
[SATURDAY]
07:29 PM
KATHLEEN'S POV
"T-this is it!" Napabulyaw ako makaraang dumungaw ako sa may platform. *sigh* Laking pasasalamat ko at dito ako dinala. Hindi ko man masyadong makita ng lubusan, naaninag ko naman ito dahil sa ilaw mula sa basement. Siguro, sinadya ng Panginoon na dito ako dalhin.
Ikinawit ko ang aking mga braso upang makaangat. Medyo nahirapan ako dahil ang platform ay may kataasan, at ang tinutuntungan ko ay hindi sapat para dito. Ibinigay ko ang lahat ng aking lakas para lang magawa iyon, at syempre, nakaya ko. Ako pa! Adrenaline Rush. Nang makaakyat ay pinagpag ko na ang aking damit na medyo naalikabukan.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako napasigaw ng ganun, ang kwarto kasing ito ang nag-iisang kwartong makakatulong sa akin para mamonitor ang lahat, ang "Security Room". May security room naman din sa taas, kaso mas maraming function ang nasa baba.
Natatandaan ko pa noon. Ipinagbabawal sa aking pumasok dito. Hanggang silip lamang ang nagagawa ko. Ewan ko ba kay Papa! Basta ngayon, makakalikot ko na ito ng walang nagbabawal sa akin. Besides, it's for emergency use, so it's not technically prohibited.
Ibinalik ko na ang kahoy na inalis ko sa may sahig nitong kwarto at kumaripas agad ng takbo palapit sa mga monitor ng kwarto. Pero hindi ko alam na may basa pala sa tinatakbuhan ko kaya bahagya akong nadulas. Buti na lang at hindi ako masyadong natumba. Tsk! Ano ba naman 'yan!
Kinapa ko ang bahaging iyon at medyo nandiri kasi malapot at sariwa pa ito. Hindi ko na ginawang amuyin o siyasatin pang mabuti kung ano 'yon. Tumatakbo ang oras. Tumayo na lamang ako at ipinunas ang aking kamay sa short habang patuloy na lumalapit sa mga monitor. Mabuti na siguro kung hindi ko buksan ang ilaw. Mahahalata ng iba na nandito ako. Kailangan ko munang magtago sa ngayon, at sarili ko lang dapat kong pagkatiwalaan. Mahirap mang mag-isa pero kailangan. Para sa ikaliligtas naming lahat.
Kinapa ko ang adaptor at ang outlet. Medyo nagtagal ako sa paghanap ng adaptor dahil hindi ko alam na nakasiksik pala ito sa likod ng mga monitor. Pero at least, nahanap ko sa gitna ng naghaharing kadiliman. Isinaksak ko na ito sa outlet at isa-isang nagbukas ang mga monitor.
Sa pagkakaroon ng liwanag mula sa mga monitor ay may namataan akong papel na nakapatong sa function buttons table....
Guides in using the surveillance monitors:
1. Press the emission button (big red button on the top left corner)
2. Once the button has been pressed, pull all the lever down. Make sure that the red lights would illuminate.
3. Press these buttons chronologically:
Black, Red, Green, Yellow, White (If you didn't follow the sequence, it wouldn't function properly)
4. Tune, according to you, the brightness, contrast and color adjustments. (At first, it would give you a blur vision, so better adjust it for your own risk)
5. You can use auto-focus when you want to focus unto something.
CAUTION: The surveillance cameras are series in circuit. So, for example, if 12 is burned-out or whatsover, 13, 14 & 15 would not function. Thus, the cameras are interconnected to each other. Make sure the surveillance cameras are out of danger.
BINABASA MO ANG
KiLLiNG SPREE (Get Ready to be Purged) [ONHOLD for a WHILE >.<]
Mystery / Thriller| ONHOLD | (LANGUAGE : TAGLISH) Annual Killing Spree (horrifyingly starts every January 27, 7PM to January 28, 7AM) is a disciplinary movement, that has a primary objective of EXPELLING unwanted and unimportant person within the society. But the thr...